Kinain ng lahat ng mga Callahan ang masarap na karne ng dragon. Pagkatapos itong kainin, pakiramdam nila ay may apoy na nagliliyab sa loob ng katawan nila. Gayunpaman, hindi sila napaso ng apoy. Pakiramdam lang nila ay mayroong mainit na alon na bumubugso sa katawan nila. Napakakomportable nito. Pakiramdam nila ay para ba silang umaakyat sa langit. Hindi nagtagal, tapos na ang hapunan. Bumalik sina James at Thea sa kwarto nila sa third floor. Naligo si Thea at lumabas ng banyo nang nakatapis ng manipis na tuwalya. Nababalot ng sugat ang katawan niya mula sa kuko ng dragon. Mabuti na lang at nagsara na ang mga sugat niya. Pinunasan niya ang buhok niya gamit ng isa pang towel habang lumapit siya. Nang nakita niyang nakaupo si James sa kama nang nakatulala, hindi niya napigilang magtanong, "Anong problema, Honey? Anong iniisip mo?" Nahimasmasan si James. "Wala lang. Iniisip ko lang kung bakit ka binigyan ng Prince of Orchid Mountain at ng Omniscient Deity ng dugo ng qili
Napakasariwa at napakadalisay ng hangin sa umaga. "Huminga at lumawig." Nagsimulang isipin ni James ang Heaven and Earth Art. Paulit-ulit niyang binanggit sa isipan niya ang cultivation method. Pagkatapos masaksihan ang pagpapalit ng gabi at umaga ngayon lang, marami siyang napagtanto. Sa biglaang pagtanto niya, naunawaan na niyang maigi ang Heaven and Earth Art. "Ganun pala. Ganito pala yun." Sumigla ang mukha ni James. Ang Heaven and Earth Art ay hindi isang pangkaraniwang cultivation method. Lagpas ito sa dati niyang pag-unawa sa martial arts. Ang tinatawag na Heaven and Earth Art ay isang breathing method. Importante para sa isang tao na huminga sa sariwang hangin ng umaga. Masasabing ang hangin ay isang Spiritual Energy. Ito ang Spiritual Energy ng langit at lupa. Pinakamarami ang sariwang hangin sa umaga. Nagsimulang huminga si James ayon sa breathing method ng Heaven and Earth Art. Swoosh.Sa pagpasok ng sariwang hangin sa katawan niya, sumuot din
"Sige." Tumango ang Omniscient Deity at marahang nagsabi, "Tumayo ka." Tumayo si Sky. Kinakabahan siyang tumayo sa tabi. Naalala niyang nagsimula siya ng laban kay James sa Jade Sect, at pinagpawisan siya ng malamig. Hindi siya magtatangkang kumilos nang ganun ka-arogante sa Mount Jade kung alam niya lang na ang Omniscient Deity ang guro niya. Nanatiling tahimik ang Omniscient Deity. Nataranta si Sky. "Sir, hayaan mo kong magpaliwanag. Sa isla, lumitaw ang Prince of Orchid Mountain, tapos ako… ako…"Kumaway ang Omniscient Deity at nagsabing, "Alam ko." "Kung ganun, bakit mo ko pinuntahan?" Tumingin si Sky sa Omniscient Deity. Akala niya ay nagpunta dito ang guro niya para pagalitan siya, ngunit mukhang hindi ganun ang sitwasyon. Hindi niya mabasa ang intensyon ng Omniscient Deity. "Nakarating ka na sa Ninth Stair ng Skyward Stairway at isang hakbang na lang sila mula sa pagiging isang ninth-ranked grandmaster. Nagpunta ako para bigyan ka ng payo at gabay para mak
Nabigla si James at natarantang nagsabi, "Anong ginagawa mo, Thea?" Nakangiting sumagot si Thea, "Wala tong halaga para sa'kin. Nasa sa'kin na ang dugo ng Four Holy Beasts. At saka ang dami nating nakuhang dugo ng dragon. Sapat na para sa'kin na uminom ng dugo ng dragon. Masasayang lang sa'kin ang Dragon Essence." Hinawakan ni Henry ang Dragon Essence at naramdaman niya ang init nito. Di niya napigilang magtanong, "Thea, ano to?" Bago pa makasagot si Thea, sumingit si James. "Isa tong pambihirang treasure na pinaghirapang makuha ng mga martial artist sa buong mundo kahit kapalit ang buhay nila. Kamakailan lang, nagtiyaga ang malalakas na martial artists sa buong mundo para patayin ang dragon at makuha ang Dragon Essence." "Ito ba ang Dragon Essence?" Itinaas ni Henry ang kulay cyan na Dragon Essence na nasa kamay niya sa gulat. Sumagot si James, "Mhm." "Hindi pwede, masyado tong mahalaga para tanggapin ko." Kaagad na ibinalik ito ni Henry kay Thea. "Hindi ko to pweden
Naglaho si Thea pagkatapos niyang mag-iwan ng sulat para sa kanyang pamilya.Sa sulat, nag-iwan siya ng mensahe tungkol sa kagustuhan niya na libutin ang mundo kasama si James.Subalit, hindi sila umalis sa Cansington.Pagkatapos nilang umalis sa villa ng mga Callahan, nagtungo sila sa House of Royals.Balak ni James na magretiro at umalis kasama si Thea.Subalit, sinabi ni Thea na marami pang kailangang ayusin si James.Sinabi niya na hindi pa naayos at naasikaso ni James ang mga bagay para sa mga tao sa kanyang paligid.Kabilang dito sila Quincy, Maxine, Tiara, at Cynthia.Nag-aalala si Thea sa mga relasyong ito.“Bibigyan kita ng ilang araw upang asikasuhin ang mga bagay na ito.”Binigyan ni Thea ng sapat na oras si James upang ayusin ang mga komplikado niyang relasyon.Namroblema si James.Noong una, gusto lamang niyang umalis.“Thea, kailangan ko ba talagang gawin ‘to?”Naiinis na sumagot si Thea, “Bakit hindi? Alam ko ang nararamdaman nila para sa’yo. Anong iisipin
Humingi ng tawad si James, tumayo, at niyuko niya ang kanyang ulo. "Nandito ako upang humingi ng tawad para dito. "Patawarin mo ako. "Hindi ko kayang tuparin ang pangako ko sa'yo. "Dapat nilinaw ko na ito sa'yo habang maaga pa, pero pinagpaliban ko ito hanggang ngayon dahil maraming hindi inaasahang bagay ang nangyari."Nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha pababa sa mga pisngi ni Tiara. Alam ni Tiara na darating ang araw na ito, ngunit pinili pa rin niyang umasa. Sa mga sandaling iyon, hindi siya gaanong nakaramdam ng kalungkutan at sa halip ay gumaan ang loob niya. Ang nakangiting sinabi ni Tiara, "Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo tungkol dun, James."Kahit na nakangiti siya, tumutulo pa rin ang mga luha pababa sa kanyang mukha. Gayunpaman, ginawa niya ang makakaya niya upang pagaanin ang loob ni James. Ayaw niyang makonsensya si James dahil sa kanya. Bumuntong hininga si James, noong nakita niya na tinanggap ng maayos ni Tiara ang mga sinabi niya. "Salama
Napansin ni James ang lungkot sa mga mata ni Quincy.Subalit, hindi niya kayang magkunwari na wala siyang napansin.Tumayo siya at sinabing, “Anong gusto mong kainin? Libre ko.”Nilabas ni Quincy ang kanyang phone, tiningnan niya ang oras, at sinabing, “Kinalulungkot ko na wala akong oras na samahan kang kumain. Nagbitiw na ako sa posisyon ko bilang head ng New Era Commerce. Si Xiomara ang namamahala dito ngayon. Nagtatrabaho ako ngayon sa Cansington at umalis lang ako sa trabaho para makipagkita sa’yo noong natanggap ko ang tawag mo. Kaya kailangan ko nang umalis.”Tinaas niya ang dugo ng dragon at sinabing, “Salamat sa dugo ng dragon. Bye.”Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at umalis.Humakbang siyang ng ilang beses at huminto siya sa paglalakad. Lumingon siya ng nakangiti at sinabing, “Tandaan mo, may utang ka pa sa’kin. Kung sakaling may pagkakataon na… na magkita tayo ulit…”Habang nagsasalita si Quincy, humikbi siya at hindi niya magawang tapusin ang sinasabi niy
Sinabi ni Thomas sa kanya na maghintay siya ng ilang araw sa Cansington para sa pagdating ng kanyang ama. Pagkatapos niyang makipagkita sa kanyang ama at magtanong tungkol sa kanyang ina, aalis siya sa Cansington kasama si Thea at lilibutin nila ang mundo. "Sige, kung ganun. Hindi na kita ihahatid palabas."…Pagkatapos magpaalam ni James kay Cynthia, tinawagan niya si Maxine. Nasa Cansington pa rin si Maxine at hindi pa siya bumalik sa Capital. Bilang isang matalinong babae, alam niya na magpapakasal ulit sila James at Thea pagkatapos mabawi ni Thea ang kanyang mga alaala. Matagal nang gusto ni Thea na mamuhay ng malayo sa kabihasnan. Ngayong payapa na ang Sol, malaki ang posibilidad na muling pakasalan ni James si Thea at mamuhay sila ng malayo sa kabihasnan. Hinihintay niya na magpaalam si James. Kaya naman, kalmado siya nang matanggap niya ang tawag ni James. "Sige. Papunta na ako ngayon."Binaba ni Maxine ang phone at nagtungo siya sa lugar kung saan nila napagk