Humingi ng tawad si James, tumayo, at niyuko niya ang kanyang ulo. "Nandito ako upang humingi ng tawad para dito. "Patawarin mo ako. "Hindi ko kayang tuparin ang pangako ko sa'yo. "Dapat nilinaw ko na ito sa'yo habang maaga pa, pero pinagpaliban ko ito hanggang ngayon dahil maraming hindi inaasahang bagay ang nangyari."Nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha pababa sa mga pisngi ni Tiara. Alam ni Tiara na darating ang araw na ito, ngunit pinili pa rin niyang umasa. Sa mga sandaling iyon, hindi siya gaanong nakaramdam ng kalungkutan at sa halip ay gumaan ang loob niya. Ang nakangiting sinabi ni Tiara, "Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo tungkol dun, James."Kahit na nakangiti siya, tumutulo pa rin ang mga luha pababa sa kanyang mukha. Gayunpaman, ginawa niya ang makakaya niya upang pagaanin ang loob ni James. Ayaw niyang makonsensya si James dahil sa kanya. Bumuntong hininga si James, noong nakita niya na tinanggap ng maayos ni Tiara ang mga sinabi niya. "Salama
Napansin ni James ang lungkot sa mga mata ni Quincy.Subalit, hindi niya kayang magkunwari na wala siyang napansin.Tumayo siya at sinabing, “Anong gusto mong kainin? Libre ko.”Nilabas ni Quincy ang kanyang phone, tiningnan niya ang oras, at sinabing, “Kinalulungkot ko na wala akong oras na samahan kang kumain. Nagbitiw na ako sa posisyon ko bilang head ng New Era Commerce. Si Xiomara ang namamahala dito ngayon. Nagtatrabaho ako ngayon sa Cansington at umalis lang ako sa trabaho para makipagkita sa’yo noong natanggap ko ang tawag mo. Kaya kailangan ko nang umalis.”Tinaas niya ang dugo ng dragon at sinabing, “Salamat sa dugo ng dragon. Bye.”Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at umalis.Humakbang siyang ng ilang beses at huminto siya sa paglalakad. Lumingon siya ng nakangiti at sinabing, “Tandaan mo, may utang ka pa sa’kin. Kung sakaling may pagkakataon na… na magkita tayo ulit…”Habang nagsasalita si Quincy, humikbi siya at hindi niya magawang tapusin ang sinasabi niy
Sinabi ni Thomas sa kanya na maghintay siya ng ilang araw sa Cansington para sa pagdating ng kanyang ama. Pagkatapos niyang makipagkita sa kanyang ama at magtanong tungkol sa kanyang ina, aalis siya sa Cansington kasama si Thea at lilibutin nila ang mundo. "Sige, kung ganun. Hindi na kita ihahatid palabas."…Pagkatapos magpaalam ni James kay Cynthia, tinawagan niya si Maxine. Nasa Cansington pa rin si Maxine at hindi pa siya bumalik sa Capital. Bilang isang matalinong babae, alam niya na magpapakasal ulit sila James at Thea pagkatapos mabawi ni Thea ang kanyang mga alaala. Matagal nang gusto ni Thea na mamuhay ng malayo sa kabihasnan. Ngayong payapa na ang Sol, malaki ang posibilidad na muling pakasalan ni James si Thea at mamuhay sila ng malayo sa kabihasnan. Hinihintay niya na magpaalam si James. Kaya naman, kalmado siya nang matanggap niya ang tawag ni James. "Sige. Papunta na ako ngayon."Binaba ni Maxine ang phone at nagtungo siya sa lugar kung saan nila napagk
Nagpaalam si James sa bawat isa sa kanila.Pagkatapos, pinuntahan niya si Callan at nagpaalam siya.Pagkatapos nun, nakipagkita siya sa Blithe King at nag-inuman sila.Sa loob lang ng isang araw, naayos na niya ang lahat.Ngayon, wala na siyang ibang gagawin.Ngayon lamang gumaan ng ganito ang kanyang pakiramdam. Mas naging masaya siya dahil dito. Bitbit ni Henry ang isang maleta pababa sa hagdan ng House of Royals. Ngumiti siya at binati niya si James, na nakaupo sa sala at naninigarilyo. "James, hindi ka pa ba aalis? Aalis kami ni Whitney. Oo nga pala, saan niyo balak pumunta? Sa Dream City kami unang pupunta."Tumingin si James ss kanila Henry at Whitney habang palapit sila sa kanya. Pagkatapos, nakangiti niyang sinabi na, "Mananatili muna ako sa Cansington sa loob ng ilang araw. Mauna na kayong dalawa. Para naman sa destinasyon namin, hindi ko pa alam. Baka nga wala talaga kaming destinasyon at bahala na lang kung saan kami mapadpad.""Sige. Paalam."Binitbit ni Henry ang
Samantala, umupo si Thea sa tabi ni James at nanatiling tahimik. Paglipas ng ilang oras, tumingin si James kay Thomas at Nicholas at sinabing, "Lolo, Dad, hindi ako interesadong maging parte ng mga plano niyo. Gayunpaman, pinapangako ko na hindi ako magiging hadlang sa mga plano niyo. Gawin niyo ang anumang gusto niyo. Simula ngayon, mamumuhay kami ni Thea ng malayo sa kabihasnan." Nang marinig niya ito, nadismaya si Thomas. "James, sana ay matulungan mo kami. Ikaw lang ang tanging pinakamalapit sa ninth rank. Hindi lang iyon, ang mga Caden ay napapaligiran ng mga kalaban sa lahat ng panig—ang Prince of Orchid Mountain, ang Omniscient Deity, at ang Blood Race. Makikinabang tayong lahat ng malaki sa pagpatay sa dragon. Di-magtatagal, maraming mga malalakas na mga martial artist ang maglalabasan. Kung wala ka, imposibleng makamit namin ang aming layunin." Nagpatuloy si Thomas, "James, umaasa talaga ako na matutulungan mo ako at ang mga Caden. Sa tulong mo at ni Thea, hindi magt
Paglipas ng tatlong taon, sa isang bundok sa Sol… Isang lalaki na may bitbit na basket ang naglalakad sa lupain. Habang hawak ang isang kalawit, may suot siyang simpleng damit at isang pares ng sandals. Puno ng mga halaman ang kanyang basket na binunot niya mula sa lupa. "Huh, ano 'tong halaman na 'to?" Bigla siyang nakakita ng isang kulay berdeng liwanag sa may bangin sa malayo. Kahit na sandali lang itong lumiwanag, nakita ito ng lalaking napakalinaw na paningin kahit na isang daang metro ang layo nito. Habang nagsasalita siya, tumalon siya sa ere at lumipad siya papunta sa bangin. Habang nakatayo siya sa ere, tinitigan lamang niya ang halaman. Ang halaman, na mukhang isang orchid mula sa labas, ay namukadkad ng kulay pula. Noong mga sandaling iyon, naaamoy niya din ang halimuyak ng halaman. Ang lalaking ito ay si James, na tatlong taon nang namumuhay ng malayo sa kabihasnan. Sa nakalipas na tatlong taon, nangongolekta siya ng mga halaman sa kabundukan sa tuwing libre
"Oo nga pala, Thea…" Noong naisip niya ang halaman na nakuha niya sa kabundukan, agad itong kinuha ni James mula sa basket at inabot niya ito kay Thea, at sinabing, "Tingnan mo ang nakita ko." Kinuha ito ni Thea. Noong sandaling mahawakan niya ang halaman, nagulat siya. "Ang lakas ng Empyrean Spiritual Energy nito!" "Oo nga." Ang sabi ni James, "Tatlong taon na akong nangongolekta ng mga halaman. Ito ang unang beses na nakakita ako ng halaman na nagtataglay ng ganito kalakas na Empyrean Spiritual Energy. Gayunpaman, walang anumang nakasulat sa Medical Book tungkol sa halaman na ito. Sa Book of Malice ba?" Tinitigang maigi ni Thea ang halaman bago siya umiling, at sinabing, "Wala, hindi ko rin alam kung ano ang halaman na 'to." "Anuman ito, dapat natin itong itanim." “Mhm.” Binalik ni Thea ang halaman kay James. Agad na nagtungo si James sa likod ng bahay nila, naghukay siya ng lupa, at tinanim niya ang halaman. Pagkatapos, diniligan niya ang halaman. Pagkatapos n
Pagkatapos nilang kumain, bumalik si Thea sa kanyang kwarto at pinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanay bilang isang magulang. Samantala, nagpatuloy si James at si Callan sa pag-inom. Noong nakita niya na umalis na si Thea, lumapit si James kay Callan at nagtanong, "Anong nangyari sa ancient martial world?" Dahil hindi na nangialam si James sa mga pangyayari sa ancient martial world, wala siyang ideya kung gaano na kalaki ang naging pagbabago dito. Sa nakalipas na tatlong taon, pinag-aralan lamang niya ang Medical Book, martial arts, ang Lunar and Terra Art, at ang natural na mga prinsipyo ng mundo. Kung iisipin, magaan ang kanyang pamumuhay. Gayunpaman, nakakabagot ito at walang gaanong nangyayari. Nang muli siyang mabuhayan ng loob, lumingon muna si Callan sa bahay bago siya bumulong, “Hindi ko rin gaanong pinapansin ang mga pangyayari sa ancient martial world. Nitong nakaraang ilang araw, nakarinig ako ng ilang balita sa kalye habang naglalakad-lakad ako.”Nang marinig niy