Samantala, umupo si Thea sa tabi ni James at nanatiling tahimik. Paglipas ng ilang oras, tumingin si James kay Thomas at Nicholas at sinabing, "Lolo, Dad, hindi ako interesadong maging parte ng mga plano niyo. Gayunpaman, pinapangako ko na hindi ako magiging hadlang sa mga plano niyo. Gawin niyo ang anumang gusto niyo. Simula ngayon, mamumuhay kami ni Thea ng malayo sa kabihasnan." Nang marinig niya ito, nadismaya si Thomas. "James, sana ay matulungan mo kami. Ikaw lang ang tanging pinakamalapit sa ninth rank. Hindi lang iyon, ang mga Caden ay napapaligiran ng mga kalaban sa lahat ng panig—ang Prince of Orchid Mountain, ang Omniscient Deity, at ang Blood Race. Makikinabang tayong lahat ng malaki sa pagpatay sa dragon. Di-magtatagal, maraming mga malalakas na mga martial artist ang maglalabasan. Kung wala ka, imposibleng makamit namin ang aming layunin." Nagpatuloy si Thomas, "James, umaasa talaga ako na matutulungan mo ako at ang mga Caden. Sa tulong mo at ni Thea, hindi magt
Paglipas ng tatlong taon, sa isang bundok sa Sol… Isang lalaki na may bitbit na basket ang naglalakad sa lupain. Habang hawak ang isang kalawit, may suot siyang simpleng damit at isang pares ng sandals. Puno ng mga halaman ang kanyang basket na binunot niya mula sa lupa. "Huh, ano 'tong halaman na 'to?" Bigla siyang nakakita ng isang kulay berdeng liwanag sa may bangin sa malayo. Kahit na sandali lang itong lumiwanag, nakita ito ng lalaking napakalinaw na paningin kahit na isang daang metro ang layo nito. Habang nagsasalita siya, tumalon siya sa ere at lumipad siya papunta sa bangin. Habang nakatayo siya sa ere, tinitigan lamang niya ang halaman. Ang halaman, na mukhang isang orchid mula sa labas, ay namukadkad ng kulay pula. Noong mga sandaling iyon, naaamoy niya din ang halimuyak ng halaman. Ang lalaking ito ay si James, na tatlong taon nang namumuhay ng malayo sa kabihasnan. Sa nakalipas na tatlong taon, nangongolekta siya ng mga halaman sa kabundukan sa tuwing libre
"Oo nga pala, Thea…" Noong naisip niya ang halaman na nakuha niya sa kabundukan, agad itong kinuha ni James mula sa basket at inabot niya ito kay Thea, at sinabing, "Tingnan mo ang nakita ko." Kinuha ito ni Thea. Noong sandaling mahawakan niya ang halaman, nagulat siya. "Ang lakas ng Empyrean Spiritual Energy nito!" "Oo nga." Ang sabi ni James, "Tatlong taon na akong nangongolekta ng mga halaman. Ito ang unang beses na nakakita ako ng halaman na nagtataglay ng ganito kalakas na Empyrean Spiritual Energy. Gayunpaman, walang anumang nakasulat sa Medical Book tungkol sa halaman na ito. Sa Book of Malice ba?" Tinitigang maigi ni Thea ang halaman bago siya umiling, at sinabing, "Wala, hindi ko rin alam kung ano ang halaman na 'to." "Anuman ito, dapat natin itong itanim." “Mhm.” Binalik ni Thea ang halaman kay James. Agad na nagtungo si James sa likod ng bahay nila, naghukay siya ng lupa, at tinanim niya ang halaman. Pagkatapos, diniligan niya ang halaman. Pagkatapos n
Pagkatapos nilang kumain, bumalik si Thea sa kanyang kwarto at pinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanay bilang isang magulang. Samantala, nagpatuloy si James at si Callan sa pag-inom. Noong nakita niya na umalis na si Thea, lumapit si James kay Callan at nagtanong, "Anong nangyari sa ancient martial world?" Dahil hindi na nangialam si James sa mga pangyayari sa ancient martial world, wala siyang ideya kung gaano na kalaki ang naging pagbabago dito. Sa nakalipas na tatlong taon, pinag-aralan lamang niya ang Medical Book, martial arts, ang Lunar and Terra Art, at ang natural na mga prinsipyo ng mundo. Kung iisipin, magaan ang kanyang pamumuhay. Gayunpaman, nakakabagot ito at walang gaanong nangyayari. Nang muli siyang mabuhayan ng loob, lumingon muna si Callan sa bahay bago siya bumulong, “Hindi ko rin gaanong pinapansin ang mga pangyayari sa ancient martial world. Nitong nakaraang ilang araw, nakarinig ako ng ilang balita sa kalye habang naglalakad-lakad ako.”Nang marinig niy
Subalit, hindi niya inasahan na kasama dito ang lolo niya. "Maliban dun, maraming malalakas na mga martial artist at mga sect ang nagsulputan sa Sol. Kilala mo si Maxine Caden, hindi ba?" Tumingin si James kay Callan at nagtanong, "Anong nangyari kay Maxine?" "Huh…" Ang sabi ni Callan, "Masasabi ko na isa siyang kahanga-hangang babae. Kahit na nakuha din niya ang Dragon Essence at ang dugo ng dragon, hindi siya gaanong nagparamdam sa nakalipas na tatlong taon. Sumailalim siya sa isang closed-door meditation at bihira siyang umalis sa bahay niya. Tatlong buwan ang nakakaraan, bigla siyang nagpakita at inanunsyo niya ang pagtiwalag niya sa mga Caden. Kilala na lamang siya ngayon bilang Maxine. Hindi lang iyon, tinatag niya din ang Floret Palace. Kilala siya ngayon bilang Master ng Floret Palace sa ancient martial world." Noong narinig niya ito, napaisip ng malalim si James. Nagulat siya nang malaman niya na tumiwalag si Maxine sa mga Caden at tinatag niya ang Floret Palace.
Nang marinig niya ito, nagulantang na lang si James. Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng malaking pagbabago sa ancient martial world sa loob lamang ng tatlong taon. Mukhang nag lahat ay nakinabang ng husto mula sa pagpaslang sa dragon tatlong taon na ang nakakaraan. Lalo naging mas magulo ang lahat ngayon kaysa sa nung nakaraan. “Siya nga pala, ano na ang nangyari sa Blood Race? Ano na ang ginagawa nila nitong nakalipas na tatlong taon?” Tanong ni James. Sabi ni Callan, “Nanatili silang walang kibo sa mga oras na ito. Bukod sa First Blood Emperor na nagpapakita minsan, ang iba sa kanila ay hindi nagpapakita sa publiko. Marahil ay takot sila sa mga Solean ancient martial artists.” “Ganun ba…” Sabi ni James. Pagkatapos, habang may hawak siya na wine glass, sinabi niya, “Ano naman ang mapapala ko na malaman ito? Masaya na ako ngayon na namumuhay ng mapayapa at ng walang inaalala. Hindi na ako mangingialam pa sa mga bagay na ito.” “Pero, kaya mo bang hindi mangialam?”
”Magsitahimik kayo! Baka kaibigan siya ni Favion Hansel. Mukhang may taglay siyang pambihirang lakas.”Marami ang nag-usap ng pabulong. Nang makita niya si Maxine, panandaliang natigilan si Favion. Nang may naguguluhang ekspresyon sa kanyang mukha, binulong niya, “Hindi ba’t siya si Maxine, ang Master ng Floret Palace at ang babaeng nilisan ang ,ga Caden? Bakit siya nandito?” Pagkatapos pakalmahin ang kanyang sarili, nilapitan ni Favion si Maxine ng may masiglang ngiti. “Maligayang pagdating, Master ng Floret Palace. Ang laking surpresa naman nito! Pakiusap at magsaya lang kayo.” Ang pangalan ni Maxine ay naging kilala ng lahat nitong kamakailan. Natural lang para kay Favion na makilala siya kaagad. Nang nanisip niya na naparito si Maxine upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, mainit niya itong sinalubong. Subalit, malamig siyang tiningnan ni Maxine at tinaas nito ang kanyang kamay. May malakas na enerhiya ang nagtipon sa palad nito, at inatake nito si Favion. Kaagad na
Nang malaman niya na ang kanyang True Energy, na tatlong taon nang hindi nadadagdagan, ay nadagdagan, natuwa si James. “Thea!” Masaya siyang pumasok sa loob ng bahay. Sa sandaling iyon, nakaupo si Thea sa isang upuan sa may bakuran habang binabasahan ng kwento ang magiging anak nila. Nang makita niyang humahangos is James papunta sa kanya, napairap siya at sinabi, “Hindi ka na bata, James. Huminahon ka lang.”“Sandali, magpapaliwanag ako! Ang aking True Energy ay nadagdagan matapos kong higupin ang Spiritual Energy ng halaman. Babalik ako ngayon sa bundok para tingnan kung makakalampas ako.” Noon, hindi makalampas si James kahit na anong pilit niya. Ngayon, natutukso siyang subukan na subukan itong muli. “Sige na, umalis ka na.”Kumaway ng bahagya si Thea. Pagkatapos niyang makuha ang pahintulot ni Thea, mabilis siyang umikot para umalis at nagtungo sa likod ng bundok. Hindi nagtagal, nakarating siya sa kakayuhan sa likod ng kahoy na bahay. Matapos makahanap