Nang marinig niya ito, nagulantang na lang si James. Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng malaking pagbabago sa ancient martial world sa loob lamang ng tatlong taon. Mukhang nag lahat ay nakinabang ng husto mula sa pagpaslang sa dragon tatlong taon na ang nakakaraan. Lalo naging mas magulo ang lahat ngayon kaysa sa nung nakaraan. “Siya nga pala, ano na ang nangyari sa Blood Race? Ano na ang ginagawa nila nitong nakalipas na tatlong taon?” Tanong ni James. Sabi ni Callan, “Nanatili silang walang kibo sa mga oras na ito. Bukod sa First Blood Emperor na nagpapakita minsan, ang iba sa kanila ay hindi nagpapakita sa publiko. Marahil ay takot sila sa mga Solean ancient martial artists.” “Ganun ba…” Sabi ni James. Pagkatapos, habang may hawak siya na wine glass, sinabi niya, “Ano naman ang mapapala ko na malaman ito? Masaya na ako ngayon na namumuhay ng mapayapa at ng walang inaalala. Hindi na ako mangingialam pa sa mga bagay na ito.” “Pero, kaya mo bang hindi mangialam?”
”Magsitahimik kayo! Baka kaibigan siya ni Favion Hansel. Mukhang may taglay siyang pambihirang lakas.”Marami ang nag-usap ng pabulong. Nang makita niya si Maxine, panandaliang natigilan si Favion. Nang may naguguluhang ekspresyon sa kanyang mukha, binulong niya, “Hindi ba’t siya si Maxine, ang Master ng Floret Palace at ang babaeng nilisan ang ,ga Caden? Bakit siya nandito?” Pagkatapos pakalmahin ang kanyang sarili, nilapitan ni Favion si Maxine ng may masiglang ngiti. “Maligayang pagdating, Master ng Floret Palace. Ang laking surpresa naman nito! Pakiusap at magsaya lang kayo.” Ang pangalan ni Maxine ay naging kilala ng lahat nitong kamakailan. Natural lang para kay Favion na makilala siya kaagad. Nang nanisip niya na naparito si Maxine upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, mainit niya itong sinalubong. Subalit, malamig siyang tiningnan ni Maxine at tinaas nito ang kanyang kamay. May malakas na enerhiya ang nagtipon sa palad nito, at inatake nito si Favion. Kaagad na
Nang malaman niya na ang kanyang True Energy, na tatlong taon nang hindi nadadagdagan, ay nadagdagan, natuwa si James. “Thea!” Masaya siyang pumasok sa loob ng bahay. Sa sandaling iyon, nakaupo si Thea sa isang upuan sa may bakuran habang binabasahan ng kwento ang magiging anak nila. Nang makita niyang humahangos is James papunta sa kanya, napairap siya at sinabi, “Hindi ka na bata, James. Huminahon ka lang.”“Sandali, magpapaliwanag ako! Ang aking True Energy ay nadagdagan matapos kong higupin ang Spiritual Energy ng halaman. Babalik ako ngayon sa bundok para tingnan kung makakalampas ako.” Noon, hindi makalampas si James kahit na anong pilit niya. Ngayon, natutukso siyang subukan na subukan itong muli. “Sige na, umalis ka na.”Kumaway ng bahagya si Thea. Pagkatapos niyang makuha ang pahintulot ni Thea, mabilis siyang umikot para umalis at nagtungo sa likod ng bundok. Hindi nagtagal, nakarating siya sa kakayuhan sa likod ng kahoy na bahay. Matapos makahanap
Sa loob ng kanyang kwarto, nag-isip si James ng paraan na magbibigay-daan para makarating siya sa ninth rank. Sa mga sandaling iyon, gusto niyang hanapin ang mga taong nakarating na sa ninth rank para humingi ng tulong—si Sky, ang Prince of Orchid Mountain, ang Omniscient Deity, at pati ang kanyang lolo. Si Thomas ay nakatawid na at isa nang Half-Saint. Hindi nagtagal, pumasok si Thea sa loob "Mahal." Malambing at malumanay siyang nagsalita. Pinakalma ni James ang kanyang sarili at tiningnan si Thea ng nakangiti. "Ikaw pala."Umupo si Thea sa tabi niya. "Malapit nang lumabas ang bata.""Alam ko." Tumango si James at hinawakan ang kamay ni Thea, saka sinabi, "Pinapangako ko na lagi lang akong nasa tabi mo. Hanggang sa lumabas ang bata, hindi ako aalis sa tabi mo. Makalipas ng tatlong taon ng paninirahan dito, nasanay na ako sa payapang pamumuhay na ito.Kahit na ito ang sinabi ni James, alam ni Thea na gusto niyang umalis at pumunta sa mundo sa labas.“Mhm.” Wala na s
Sa may bakuran, tiningnan ni Thea si James. Aligagang sinabi ni James, “Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari.” Tanong ni Thea, “Anong kinalaman ng Floret Palace sa lahat ng ito?” Isinalaysay ni James ang mga naganap na eksena sa mundo ng ancient martial arts kay Thea. Nang marinig ito, nagsalubong ang mga kilay ni Thea. “Ano naman ang balak ni Maxine ngayon? Bakit niya sinaktan ang isang inosenteng lalaki ng walang dahilan at pinapunta sayo?” Sumenyas si James at sinabi, “Anong malay ko? Kung ganun, huwag na lang natin siyang pansinin. Halika ka na, kakargahin na kita papasok sa loob. Titingnan ko na lang ang lalaking sugatan mamaya.” “Hindi, nangako ka sa akin na hindi ka na manghihimasok sa mga isyu na may kinalaman sa mundo ng ancient martial arts.” Nang naghihimutok, sinabi ni Thea, “Bukod dun, si Callan ay may mahusay din naman na kakayahan sa panggagamot. Ang pagligtas sa buhay ng isang tao ay madali lang naman siguro para sa kanya.” “Titingnan ko lang s
“Nag-ooverthink ka masyado.”“Hindi mo naaintindihan. Tuso at matalinong tao si Maxine. Alerto ka dapat palagi, ata huwag na huwag ka makikipagkita sa kanya ng hindi kita pinahihintulutan. Hindi ko gusto na mahulog ka sa patibong niya.”“Ganoon ba ako katanga para sa iyo?” kinamot ni James ang ilong niya.“Basta, sa tingin mo ba may laban ka sa kanya pagdating sa utakan?” sagot ni Thea.Alam niya kung anong klaseng tao si Maxine. Noon, sa mga panahon na nasa mansion siya ng mga Caden, gumamit siya ng mga underhanded tactics para masiguro ang position niya bilang family head. Pagkatapos, ginamit niya ang parehong mga taktika para maitaguyod ni James ang New Era Commerce. Pinilit niya at na-pressure ang mga Lee at Sullivan para kumampi sa kanila.“Sige, sige… alam ko naman ang limitasyon ko.”“Ano? Naiinis ka ngayon?”“Siyempre naman hindi, Darling.” Agad na nagpaliwanag si James, “Susundin ko ang utos mo at lalayo kay Maxine. Nangangako ako na hindi magkakaroon ng kahit na anong relasyo
“Sasama ako.”Nag-aalala si Thea sa kaligtasan din ng mga Callahan. Pamilya nga naman sila. Ngayon at nasa panganib ang pamilya sniya, hindi siya maaaring maupo lang at manuod.Pinigilan siya agad ni James at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Thea. Dalawang buwan na lang at manganganak ka na. Hindi ka dapat alis ng alis. Manatili ka at magpahinga. Nangangako akong babalik agad.”“Bilisan mo, James. Kung magtatagal ka pa, baka mamatay na silang lahat!” nababalisang sigaw ni David.Matapos ito marinig, kumunot ang noo ni Thea. Napaisip siya.Hindi niya maintindihan kung bakit may kritikal na nangyari ngayon. Nagkataon lang ba ito?“Huwag kang mag-alala, Thea, magiging okay ang lahat.” Hinawakan ni James ang kamay niya at pinakalma siya, “Alam mo kung gaano ako kalakas, hindi ba? Kahit na hindi pa ako tumutungtong sa ninth rank, kaya ko makipaglaban sa Half-Saint.”“Hindi ako nag-aalala sa kaligtasan mo,” nababalisang sagot ni Thea. “Siyempre alam ko kung gaano ka kalakas. Nag-aalala lang ak
Tama, pinaghihinalaan niya si Maxine sapagkat masyadong kahina-hinala ang mga nangyayari. Ito din ang pinaghihinalaan ni Thea. Kaya pinaalalahanan niya si James na huwag mahulog sa patibong ni Maxine.Ngumiti siya at sinabi, “Umalis ka na. Buntis ako pero hindi ganoon kalayo ang lakas ko sa iyo. Iilang taon lang ang may kaya lumaban sa akin sa labanan. Kahit na umabot na si Maxine sa Ninth Stairm maaaring hindi niya ako matalo. Bukod pa dito, maaaring hindi rin niya ito kagagawan.”Tinignan niya si Thea at sinabi, “Babalik din ako agad. Mag-ingat ka, okay?”“Sigh… Kung nag-aalala ka talaga, bakit hindi ka manatili dito? Ako na ang bahala,” sagot ni Callan.“Ikaw?” tinignan siya ni James.Ngumiti si Callan, “Wala ka bang tiwala sa akin?”“Hindi…” Umiling-iling agad si James at sinabi, “Siyempre may tiwala ako sa iyo, Callan. Kung ganoon, ikaw na ang bahala sa lahat.”“Maliit na bagay.” Ngumiti si Callan. Pagkatapos, hinawakan niya ang braso ni David at naglaho sila sa paningin ni James