Ang First Sword Art ay isang malakas na technique.Si James ay natakot sa potensyal nito.Magiging isang delubyo para sa mundo kapag ang technique na ito ay naituro sa isang tao na may masamang intensyon. Kaya naman, wala na siyang ibang magagawa kung hindi ang sirain ito.Para matutunan ang First Sword Art, ang isang tao ay dapat na magawa ang ilang mga matinding kinakailangan.Una, dapat ay maunawaan niya ang kahalagahan ng paggamit ng espada. Ang kinakailangan na ito ay katumbas ng pagiging bihasa sa Fourteen Heavenly Swords at ang singularity ng Polaris Sword Art.Tanging ang mga nakarating lang sa ganung lebel ang may kwalipikasyon para sanayin ang ganitong kalakas na sword technique.Natakot si James. Ang lakas ng technique pa lang na ito ay sapat na para takutin siya.Haaah!Pagkatapos sirain ang kalatas ng sword technique, nakahinga ng maluwag si James. Memoryado na niya ito.Tumatak ito ng maigi sa kanyang isipan. Pagkatapos sirain ang kalatas, naalala na n
Mapagmataas at arrogante si Sky.Nakaakyat na siya Sixth Stair ng Skyward Stairway at mas malapit na kaysa sa iba sa lahat ng nandoon na maging isang ninth-rank grandmaster.Si Thomas lang ang nag-iisang tao doon na katapat niya.Ang iba pa ay walang laban sa kanya.Kung hindi lang siya pinipigilan ni Thomas, ang lahat sana ng nandoon ay walang laban sa kanya, kahit na pagsamahin pa nila ang kanilang lakas. Lumaban ng matindi si Sky sa tatlong kalaban—sina Donovan, Tanner, at Simon. Samantala, si Thomas naman ay may dalawang kalaban—sina Maha ng Sylvan Sect at si Waylon, ang may-ari ng Divine Sword Villa. Kahit na marami ang kanilang mga kalaban, sila Sky at Thomas ay parehong lamang. Bukod sa kanila Sky at Thomas, ang lahat ay sugatan.Si Donovan ang napuruhan ng husto at nasa masalimuot na kalagayan dahil siya lamang ang nasa middle phase ng eighth rank. Tumutulo ang dugo sa kanyang mga labi, at isa sa kanyang mga braso ay halos putol na mula sa kanyang balikat. Mabili
Ang isipan ng lahat ay okupado ng iba’t ibang kaisipan. Sila Thomas at Sky ay nagkasundo na kunin ang Novenary Golden Pills para sa kanila. Naglakad siya papunta sa lihim na pinto. Sa ilalim ng mapagmatyag na tingin ng lahat, tumayo si James sa harapan ng pinto. Sinubukan niyang buksan ang pinto. Walang mekanismo ang nakakabit sa may pinto, pero ang pinto mismo ay mabigat, na may timbang na higit sa ilang daang kilo. Imposibleng mabuksan ito kung hindi gagamit ng True Energy. Unti-unti, dahan-dahan na bumukas ang pinto. Ang alikabok sa loob ay nabulabog ng umihip na sariwang hangin na pumasok sa loob ng silid. Tinaas ni James ang kanyang kamay para itaboy ito.Pumasok siya sa loob. Ang espasyo sa loob ay maliit lang, na may sukat na sampung metro. Sa may batong pader ay mga maliit na batong kahon. Nilapitan niya ang mga ito at binuksan ng isa-isa.Sa kasamaang palad, ang bawat kahon na binuksan niya ay walang laman hanggang sa makarating niya ang huling kahon.B
Nilapitan ni James si Simon at huminto sa harapan nito. Tiningnan niya ang sugatan na Simon. Noong nasa Mount Thunder Sect siya, binigyan siya ni Simon ng Sacred Wine ng sekta niya, na lalong nagpalakas sa kanya. Noong tinutugis siya ni Lucjan, dinipensahan ni Simon si James at binuwis ang kanyang buhay para protektahan siya. Kaya naman makatwiran lang na may magandang impresyon pa rin si James kay Simon. Nung nakita niya na sugatan si Simon, gusto niya itong gamutin.At kaagad na may lumabas na bakal na alambre mula sa manggas ni James. Ang bakal na alambre ay kumalas at naging mga karayom. Hinawakan ni James ang Crucifier at sinubukan na gamutin ang mga sugat ni James. “A-ano ang balak mong gawin?”Maingat na tinitigan ni Simon si James. Sagot ni James, “Ano man ang nangyari sayo, iniligtas mo ako noon. Ngayong araw na ito, gagamitin ko ang iyong mga sugat para bayaran ang iyong kabutihan.”Pagkatapos magsalita, nagsimula si James na maghanda para gamitin ang C
Samantala, tinulungan ni Maxine si Quincy sa mga bagay na may kinalaman sa New Era Commerce habang nasa Mosoleo ni King Quavon si James. Sa panahon na ito, may narinig siya na ilang mga bagay mula kay Quincy tungkol sa kondisyon ni Thea. “Sinasabi mo ba na konti na lang ang lalabi niyang oras sa mundo?”Tiningnan ni Maxine si Quincy dahil hindi siya makapaniwala at sinabi, “Sigurado ka ba dito?”“Syempre. Dinala ni James si Thea sa aking guro, si Callan. Nandoon ako at personal kong narinig sa kanya na si Thea ay may ilang taon na lang na natitira para mabuhay kapag hindi pa sila nakahanap ng paraan para gamutin ang kondisyon nito,” sinabi ni Quincy. “Ito…”Nagulantang si Maxine.Mukha naman maayos si Thea, kaya paano nangyari na bilang na lang ang oras niya sa mundo? Sa mga sandaling ito, isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.“Pupuntahan ko lang si Thea.”Nagpaalam na siya kay Quincy. Hindi nagtagal, nakarating siya sa bahay ni Thea. Dalawang araw nang hindi lum
Nagpatuloy si Maxine. “Mababaw na pag-ibig ang pagiging mapang angkin.” Ang tunay na pag-ibig ay tungkol sa pagbitiw. Iwan mo na si James at maghanap ka ng tagong lugar para mabuhay sa nalalabi mong panahon. Mamamatay ka na rin naman sa loob ng ilang taon, siguradong makakalimutan ka na ni James sa oras na iyon.”“Ito ba ang rason kung bakit ka nakipagkita sa akin?” Mahinahon na tinignan ni Thea si Maxine at kalmadong sumagot.“Oo.” Hindi ito itinanggi ni Maxine.“Hindi ko gusto na makita si James na isinusuko ang lahat para sa iyo o kung saan saan pumupunta para iligtas ka.”“Matalino ka, kaya alam mo kung anong pinakamagandang desisyon na dapat mo gawin.”Pagkatapos magsalita ni Maxine, tumayo na siya at umalis.Noong umabot siya sa gate, narirnig niya si Thea na tinawag siya, “Sandali.”Lumingon si Maxine at tinignan si Thea na nakatayo.Humagulgol si Thea.Tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi.Matagal na niyang pangarap na tumanda kasama si James.Ngayon, alam niyang impo
Pagkaraan ng kalahating araw, nakabalik na si James sa Capital.“Thea, nakabalik na ako.”Sa oras na pumasok siya ng hardin, tinawag niya si Thea.Pero, walang sumagot.Binuksan niya ang pinto at pumasok sa bahay.Walang tao sa bahay.“Thea?” tumawag ulit si James.Pero, walang sumagot.“Saan nagpunta si Thea?”Naguluhan si James at tumungo sa kuwarto nila para tignan kung nandoon siya.Sa kuwarto, nakaayos ang mga blanket.Lumabas ng kuwarto si James at pumunta sa living room. Inilabas niya ang phone niya at tinawagan si Thea.“Sorry, the number you’ve dialed is unavailable.”Nakapatay ang phone ni Thea at hindi kumokonekta ang tawag.“Saan siya nagpunta?”Tumayo si James habang nag-aalala. Matapos mag-isip ng kaunti, tinawagan niya si Maxine.Hindi nagtagal, kumonekta ang tawag, narinig niya ang boses ni Maxine. “Anong meron, James? May problema ba?”Nagtanong si James, “Maxine, nasa mansion ba ng mga Caden si Thea?”“Wala.”“Saan kaya siya nagpunta? Wala siya sa bahay, at hindi ko s
Parang baliw na lumabas ng hardin si James.“Saan ka nagpunta? Saang lupalop ka ng mundo nagpunta?!”Sa oras na ito, para siyang baliw na hayop at nahirapan mag-isip ng tama.Hindi niya alam kung saan nagpunta si Thea at hindi rin niya alam kung paano siya hahanapin.“Sa Cansington! Tama, baka sa Cansington!” sumagis sa isip ni James ang ideyang ito.Agad siyang nagmadali patungo sa military region, sumakay ng private plane at nagmadaling bumalik sa Cansington.Mahigit sa kalahating oras ang lumipas, dumating si Maxine sa hardin.Pero, hindi niya makita si James. Ang naabutan niya ay sirang hardin.Tumayo si sa harap ng hardin, at napasimangot.Kahit na alam niyang magwawala si James sa pag-alis ni Thea, naniniwala siyang pansamantala lang ito.Sigurado si Maxine na makakalimutan din ni James si Thea.Kailangan lang niya hintayin ang oras na ito.Matapos ang kalahating araw.Nagmadaling pumunta si James sa villa ng mga Callahan sa Cansington.Sa oras na pumasok siya s villa, nakasalubo