Pagkaraan ng kalahating araw, nakabalik na si James sa Capital.“Thea, nakabalik na ako.”Sa oras na pumasok siya ng hardin, tinawag niya si Thea.Pero, walang sumagot.Binuksan niya ang pinto at pumasok sa bahay.Walang tao sa bahay.“Thea?” tumawag ulit si James.Pero, walang sumagot.“Saan nagpunta si Thea?”Naguluhan si James at tumungo sa kuwarto nila para tignan kung nandoon siya.Sa kuwarto, nakaayos ang mga blanket.Lumabas ng kuwarto si James at pumunta sa living room. Inilabas niya ang phone niya at tinawagan si Thea.“Sorry, the number you’ve dialed is unavailable.”Nakapatay ang phone ni Thea at hindi kumokonekta ang tawag.“Saan siya nagpunta?”Tumayo si James habang nag-aalala. Matapos mag-isip ng kaunti, tinawagan niya si Maxine.Hindi nagtagal, kumonekta ang tawag, narinig niya ang boses ni Maxine. “Anong meron, James? May problema ba?”Nagtanong si James, “Maxine, nasa mansion ba ng mga Caden si Thea?”“Wala.”“Saan kaya siya nagpunta? Wala siya sa bahay, at hindi ko s
Parang baliw na lumabas ng hardin si James.“Saan ka nagpunta? Saang lupalop ka ng mundo nagpunta?!”Sa oras na ito, para siyang baliw na hayop at nahirapan mag-isip ng tama.Hindi niya alam kung saan nagpunta si Thea at hindi rin niya alam kung paano siya hahanapin.“Sa Cansington! Tama, baka sa Cansington!” sumagis sa isip ni James ang ideyang ito.Agad siyang nagmadali patungo sa military region, sumakay ng private plane at nagmadaling bumalik sa Cansington.Mahigit sa kalahating oras ang lumipas, dumating si Maxine sa hardin.Pero, hindi niya makita si James. Ang naabutan niya ay sirang hardin.Tumayo si sa harap ng hardin, at napasimangot.Kahit na alam niyang magwawala si James sa pag-alis ni Thea, naniniwala siyang pansamantala lang ito.Sigurado si Maxine na makakalimutan din ni James si Thea.Kailangan lang niya hintayin ang oras na ito.Matapos ang kalahating araw.Nagmadaling pumunta si James sa villa ng mga Callahan sa Cansington.Sa oras na pumasok siya s villa, nakasalubo
Kagalang-galang na tao ang Omniscient Deity sa buong ancient martial world.Sapagkat walang kinikilingan ang Jade Sect buong panahon na lumipas, kilala ito sa buong ancient martial world. Kahit na masamang tao o mabuti ang bisita niya, wala silang magagawa kung hindi igalang siya.Kahit na ganito, demanding si James sa kagustuhan niyang magpakita sa harap niya ang Omniscient Deity.Nagbigay ng mahalagang impormasyon ang Omniscient Deity sa kanya pero ibinigay din niya ang impormasyon na ito sa iba.Pakiramdam ni James niloko siya. Kaya hindi siya nagpakita ng galang sa mga disipulo ng Jade Sect.“W-Wala ang sect leader dito.”“Nasaan siya?”“H-Hindi ko alam.”Puno ng pangamba ang mga disipulo habang kausap si James.Nakakatakot ang presensiya ni James at makukunsidera siyang pinakamalakas na tao sa buong mundo.Swossh!Matapos marinig nag sagot ng disipulo na walang kasiguraduhan, inilabas niya ang Primordial Dragon Blade.Itinutok niya ito sa leeg ng disipulo.Sa sobrang bilis ng pagb
Matapos ang tatlong araw…Sa isang bagong tayong bahay sa likod ng Medical Valley.Sa harap ng bagon tayong kahoy na bahay, nakaupo ang isang babae.Ang babae ay nakasuot ng itim na damit at may mahabang grayish-white hair. May hawak siyang espada sa mga kamay niya na hinihimas niya,Thud!Bigla, may mga yabag na narinig at nabasag ang katahimikan.Lumapit ang Omniscient Deity sa kanya.Tumigil siya sa harap ni Thea at tinignan siya habang sinasabi, “Thea, pinupuri kita sa abilidad mo na itago ang sarili mo. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito sa Medical Valley.”Tumingala si Thea at tinignan ang Omniscient Deity. Habang kalmado siya, nagtanong siya, “Paano mo nahanap ang lugar na ito? Sinabi ba ito ng Medical Saint sa iyo?”Ang nakakaalam lang ng lugar na ito ay ang master ng Medical Valley, ang Medical Saint.Hindi niya balak sumuko matapos iwan si James. Kaya, pumunta siya sa Medical Vallet at hiniling sa Medical Saint na tignan ang kundisyon niya.Ngunit, walang magawa ang Med
Sa mahangin na bahagi ng Jade Sect.Nanatili dito si James ng isang linggo.Ibinigay sa kanya ng Jade Sect ang pinakamagandang serbisyo.Naghanda sila ng magarang palasyo para sa kanya, at naghanda rin ng dose dosenang mga babae para serbisyuhan siya habang nananatili siya dito.Pero, tinanggihan niya ang lahat ng ito.Nag-eensayo si James sa bundok.Sa tuktok ng bundok, isang pigura ang makikita na may hawak na espada.Ito si James na nag-eensayo gamit ang mga sword technique.Sa loob ng isang linggo, naintindihan na niya ang Polaris Sword Art.Isa itong set ng sword technique na nakatutok sa bilis.“Tsk, tsk. Magaling.”Bigla, nakarinig siya ng kumento sa paligid niya.Parang tila galing sa kalangitan ang boses pero parang malapit lang din ito.Tumigil agad si James sa pag-eensayo noong narinig niya ito.Swoosh!Isang pigura ang tumalon mula sa malayo.Ang taong ito ay nasa 40 taong gulang, nakasuot ng gray na coat, ay may hawak na mahabang espada sa isang kamay.Noong nakita siya n
Mabilis na umatras si Sky.Naglaho ang katawan niya at muli siyang nakita isang daang metro ang layo.Kahit na mabilis si Sky, lamang si James pagdating sa bilis. Habang hawak ang Primordial Dragon Blade, nakasunod si James kay Sky.Mabilis na binunot ni Sky ang espada niya sa bilis ni James.Clank!Nagkatamaan ang mga espada nila.Nahati ang espada ni Sky matapos magtamo ng matinding atake mula sa Primordial Dragon Blade.Malakas siyang martial artist, at hindi pangkaraniwan na bakal ang espada niya. Kahit na pamosong espada ito, naputol ito na parang tuyong tangkay matapos saluhin ang atake mula sa Primordial Dragon Blade.Samantala, kumulo ang Blood Energy ni Sky dahil sa Sword Energy na mula sa Primordial Dragon Blade.Mabilis niyang pinaikot ang True Energy niya para mapigilan ang Blood Energy.Ginamit ni James ang pagkakataon na ito para atakihin si Sky.Sinubukan ni Sky na umiwas pero nahuli siya.Nahati siya ng Sword Energy at isang pinsala sa braso ang tinamo niya.“T*ng ina.
Nabigla sina James at Sky sa lakas na taglay ng Omniscient Deity.Tumayo sa malayo si Sky at tinignan ang Omniscient Deity, pagkatapos sinulyapan si James.“Alam ko na aalis ka din ng Mount Jade, James. Huwag mo kalimutan ang usapan natin.”Tinignan ni James si Sky at sinabi, “Hindi ko pa ito nakakalimutan. Puwede mo ipaalam sa akin kung kailangan mo ang tulong ko. Pero, sumuko ka na sa pagkuha ng Novenary Golden Pill sa akin kung hindi mo ako matatalo.”Ang Novenary Golden Pill ay malakas ang koneksyon para sa pagtapak sa ninth rank.May paniniwala na ang Novenary Golden Pill ay makakatulong sa isang martial artist para marating ang ninth rank.Totoo man ito o hindi, hindi gusto isugal ni James na ibigay ang Novenary Golden Pill sa iba.Hindi balak sabihin ang impormasyon na nasa kanya ang Novenary Golden Pill pero wala siyang magawa para mahanap si Thea.Tahimik na umalis si Sky.Habang nasa paligid ang Omniscient Deity, alam ni Sky na wala siyang pagkakataon na makuha ang Novenary G
Sa oras na ito, pakiramdam ni James bumukas ang lahat ng pores sa katawan niya at agad siyang narelax.Hindi siya umalis agad at naupo ng lotus position sa sahig. Pagkatapos, ginamit niya ang cultivation method ng Nine Scriptures of Ordeals para marefine ang Novenary Golden Pill. Mabilis na tumaas ang True Energy niya.Malakas bundok ang Mount Wunderton sa Sol.Sa mga karamihan, isa itong hindi kilalang bundok, iilan lang ang nakakaalam ng pangalan nito.Isang nunnery ang nasa tuktok, na commited sa sinasamba nilang diyos.Base sa alamat, isang matandang madre ang nakatira doon. Ang kumakalat na balita ay matagal na siyang nabubuhay, simula pa noong giyera. May nagpakalat din ng balita na nakita siya kailan lang.Ang ilan sa mga manlalakbay na nagkasakit ay dumadalaw sa nunnery para hanapin ang madre.Nakarating si Thea sa Mount Wunderton base sa direksyon na itinuro ng Omniscient Deity.Matapos makarating sa tuktok ng bundok, nakita niya ang nunnery.Luma na at sira sira ang nunnery.