Nilapitan ni James si Simon at huminto sa harapan nito. Tiningnan niya ang sugatan na Simon. Noong nasa Mount Thunder Sect siya, binigyan siya ni Simon ng Sacred Wine ng sekta niya, na lalong nagpalakas sa kanya. Noong tinutugis siya ni Lucjan, dinipensahan ni Simon si James at binuwis ang kanyang buhay para protektahan siya. Kaya naman makatwiran lang na may magandang impresyon pa rin si James kay Simon. Nung nakita niya na sugatan si Simon, gusto niya itong gamutin.At kaagad na may lumabas na bakal na alambre mula sa manggas ni James. Ang bakal na alambre ay kumalas at naging mga karayom. Hinawakan ni James ang Crucifier at sinubukan na gamutin ang mga sugat ni James. “A-ano ang balak mong gawin?”Maingat na tinitigan ni Simon si James. Sagot ni James, “Ano man ang nangyari sayo, iniligtas mo ako noon. Ngayong araw na ito, gagamitin ko ang iyong mga sugat para bayaran ang iyong kabutihan.”Pagkatapos magsalita, nagsimula si James na maghanda para gamitin ang C
Samantala, tinulungan ni Maxine si Quincy sa mga bagay na may kinalaman sa New Era Commerce habang nasa Mosoleo ni King Quavon si James. Sa panahon na ito, may narinig siya na ilang mga bagay mula kay Quincy tungkol sa kondisyon ni Thea. “Sinasabi mo ba na konti na lang ang lalabi niyang oras sa mundo?”Tiningnan ni Maxine si Quincy dahil hindi siya makapaniwala at sinabi, “Sigurado ka ba dito?”“Syempre. Dinala ni James si Thea sa aking guro, si Callan. Nandoon ako at personal kong narinig sa kanya na si Thea ay may ilang taon na lang na natitira para mabuhay kapag hindi pa sila nakahanap ng paraan para gamutin ang kondisyon nito,” sinabi ni Quincy. “Ito…”Nagulantang si Maxine.Mukha naman maayos si Thea, kaya paano nangyari na bilang na lang ang oras niya sa mundo? Sa mga sandaling ito, isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.“Pupuntahan ko lang si Thea.”Nagpaalam na siya kay Quincy. Hindi nagtagal, nakarating siya sa bahay ni Thea. Dalawang araw nang hindi lum
Nagpatuloy si Maxine. “Mababaw na pag-ibig ang pagiging mapang angkin.” Ang tunay na pag-ibig ay tungkol sa pagbitiw. Iwan mo na si James at maghanap ka ng tagong lugar para mabuhay sa nalalabi mong panahon. Mamamatay ka na rin naman sa loob ng ilang taon, siguradong makakalimutan ka na ni James sa oras na iyon.”“Ito ba ang rason kung bakit ka nakipagkita sa akin?” Mahinahon na tinignan ni Thea si Maxine at kalmadong sumagot.“Oo.” Hindi ito itinanggi ni Maxine.“Hindi ko gusto na makita si James na isinusuko ang lahat para sa iyo o kung saan saan pumupunta para iligtas ka.”“Matalino ka, kaya alam mo kung anong pinakamagandang desisyon na dapat mo gawin.”Pagkatapos magsalita ni Maxine, tumayo na siya at umalis.Noong umabot siya sa gate, narirnig niya si Thea na tinawag siya, “Sandali.”Lumingon si Maxine at tinignan si Thea na nakatayo.Humagulgol si Thea.Tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi.Matagal na niyang pangarap na tumanda kasama si James.Ngayon, alam niyang impo
Pagkaraan ng kalahating araw, nakabalik na si James sa Capital.“Thea, nakabalik na ako.”Sa oras na pumasok siya ng hardin, tinawag niya si Thea.Pero, walang sumagot.Binuksan niya ang pinto at pumasok sa bahay.Walang tao sa bahay.“Thea?” tumawag ulit si James.Pero, walang sumagot.“Saan nagpunta si Thea?”Naguluhan si James at tumungo sa kuwarto nila para tignan kung nandoon siya.Sa kuwarto, nakaayos ang mga blanket.Lumabas ng kuwarto si James at pumunta sa living room. Inilabas niya ang phone niya at tinawagan si Thea.“Sorry, the number you’ve dialed is unavailable.”Nakapatay ang phone ni Thea at hindi kumokonekta ang tawag.“Saan siya nagpunta?”Tumayo si James habang nag-aalala. Matapos mag-isip ng kaunti, tinawagan niya si Maxine.Hindi nagtagal, kumonekta ang tawag, narinig niya ang boses ni Maxine. “Anong meron, James? May problema ba?”Nagtanong si James, “Maxine, nasa mansion ba ng mga Caden si Thea?”“Wala.”“Saan kaya siya nagpunta? Wala siya sa bahay, at hindi ko s
Parang baliw na lumabas ng hardin si James.“Saan ka nagpunta? Saang lupalop ka ng mundo nagpunta?!”Sa oras na ito, para siyang baliw na hayop at nahirapan mag-isip ng tama.Hindi niya alam kung saan nagpunta si Thea at hindi rin niya alam kung paano siya hahanapin.“Sa Cansington! Tama, baka sa Cansington!” sumagis sa isip ni James ang ideyang ito.Agad siyang nagmadali patungo sa military region, sumakay ng private plane at nagmadaling bumalik sa Cansington.Mahigit sa kalahating oras ang lumipas, dumating si Maxine sa hardin.Pero, hindi niya makita si James. Ang naabutan niya ay sirang hardin.Tumayo si sa harap ng hardin, at napasimangot.Kahit na alam niyang magwawala si James sa pag-alis ni Thea, naniniwala siyang pansamantala lang ito.Sigurado si Maxine na makakalimutan din ni James si Thea.Kailangan lang niya hintayin ang oras na ito.Matapos ang kalahating araw.Nagmadaling pumunta si James sa villa ng mga Callahan sa Cansington.Sa oras na pumasok siya s villa, nakasalubo
Kagalang-galang na tao ang Omniscient Deity sa buong ancient martial world.Sapagkat walang kinikilingan ang Jade Sect buong panahon na lumipas, kilala ito sa buong ancient martial world. Kahit na masamang tao o mabuti ang bisita niya, wala silang magagawa kung hindi igalang siya.Kahit na ganito, demanding si James sa kagustuhan niyang magpakita sa harap niya ang Omniscient Deity.Nagbigay ng mahalagang impormasyon ang Omniscient Deity sa kanya pero ibinigay din niya ang impormasyon na ito sa iba.Pakiramdam ni James niloko siya. Kaya hindi siya nagpakita ng galang sa mga disipulo ng Jade Sect.“W-Wala ang sect leader dito.”“Nasaan siya?”“H-Hindi ko alam.”Puno ng pangamba ang mga disipulo habang kausap si James.Nakakatakot ang presensiya ni James at makukunsidera siyang pinakamalakas na tao sa buong mundo.Swossh!Matapos marinig nag sagot ng disipulo na walang kasiguraduhan, inilabas niya ang Primordial Dragon Blade.Itinutok niya ito sa leeg ng disipulo.Sa sobrang bilis ng pagb
Matapos ang tatlong araw…Sa isang bagong tayong bahay sa likod ng Medical Valley.Sa harap ng bagon tayong kahoy na bahay, nakaupo ang isang babae.Ang babae ay nakasuot ng itim na damit at may mahabang grayish-white hair. May hawak siyang espada sa mga kamay niya na hinihimas niya,Thud!Bigla, may mga yabag na narinig at nabasag ang katahimikan.Lumapit ang Omniscient Deity sa kanya.Tumigil siya sa harap ni Thea at tinignan siya habang sinasabi, “Thea, pinupuri kita sa abilidad mo na itago ang sarili mo. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito sa Medical Valley.”Tumingala si Thea at tinignan ang Omniscient Deity. Habang kalmado siya, nagtanong siya, “Paano mo nahanap ang lugar na ito? Sinabi ba ito ng Medical Saint sa iyo?”Ang nakakaalam lang ng lugar na ito ay ang master ng Medical Valley, ang Medical Saint.Hindi niya balak sumuko matapos iwan si James. Kaya, pumunta siya sa Medical Vallet at hiniling sa Medical Saint na tignan ang kundisyon niya.Ngunit, walang magawa ang Med
Sa mahangin na bahagi ng Jade Sect.Nanatili dito si James ng isang linggo.Ibinigay sa kanya ng Jade Sect ang pinakamagandang serbisyo.Naghanda sila ng magarang palasyo para sa kanya, at naghanda rin ng dose dosenang mga babae para serbisyuhan siya habang nananatili siya dito.Pero, tinanggihan niya ang lahat ng ito.Nag-eensayo si James sa bundok.Sa tuktok ng bundok, isang pigura ang makikita na may hawak na espada.Ito si James na nag-eensayo gamit ang mga sword technique.Sa loob ng isang linggo, naintindihan na niya ang Polaris Sword Art.Isa itong set ng sword technique na nakatutok sa bilis.“Tsk, tsk. Magaling.”Bigla, nakarinig siya ng kumento sa paligid niya.Parang tila galing sa kalangitan ang boses pero parang malapit lang din ito.Tumigil agad si James sa pag-eensayo noong narinig niya ito.Swoosh!Isang pigura ang tumalon mula sa malayo.Ang taong ito ay nasa 40 taong gulang, nakasuot ng gray na coat, ay may hawak na mahabang espada sa isang kamay.Noong nakita siya n