Naniniwala si James na kailangan niyang hilingin kay Thomas na malaman ang higit pa tungkol sa pagpipilit ni Sky sa pagsakop sa Vampire Clan. Pagkatapos ng lahat, si Thomas ay medyo mas marunong kaysa sa kanya. Isinantabi niya ang mga iniisip at sumakay sa convoy. Sa convoy… Napatulala si Xavion. Bagama't alam niya na ang Legend ay isang martial artist noong panahon niya sa Mascuoyae, hindi pa siya nakakita ng labanan sa harap ng kanyang mga mata. Ngayong nasaksihan na niya ang buong eksena, hindi niya maiwasang mapanganga. Sa isang iglap, ang mga sasakyan, at ang mga tao ay pinalipad. Anong pangkukulam ito? "E-Emperor..." nauutal na sabi ni Xavion. Ngumiti si James at sinabing, “Ayos lang ang lahat.” Hindi siya nagpaliwanag at sa halip ay nag-utos sa driver. “Ituloy mo, please.” “Naiintindihan ko.” Dahil ang mga sundalo ng Red Flame Army ay may mas mahihigpit na psychological na katangian, ang ekspresyon ng driver ay nanatiling hindi nagbabago kahit na siya ay nabigla.
Pumasok si James sa gusali kasama si Xavion. Matapos pumasok ng opisina, ibinigay niya si Xavion kay Quincy at sinabi, “Ikaw na ang bahala sa kanya.”“Bakit? Aalis ka na agad?” Sagot ng glamorosong si Quincy, na nakasuot ng pulang business attire, kay James habang nakatingin.“Mhm.” Tumango si James at sinabi, “Wala akong alam masyado dito. Aalis na ako.”“James, alam mo kung gaano kahalaga si Xavion sa mga plano natin. Kung aalis ka, walang makakasiguro sa kaligtasan niya.”“Tama. Kailangan mo ako protektahan!” mabilis na sagot ni Xavion.Natatakot si Xavion. Nakatago siya noon sa Mascuoyae. Ngayon at nakita na niya kung gaano kalakas ang mga martial artist, natatakot na siya para sa buhay niya. Kailangan niya ang proteksyon ni James.Tinapik siya ni James sa likod at sinabi, “Huwag kang mag-alala, may ihahanda ako na poprotekta sa iyo.”Wala na ang pinakamalaking balakid kay James. Bukod pa dito, hindi maglalakas loob ang mga puwersa sa labas ng bansa na umatake ng maliwanag. Kahit n
Hindi ganoon kadami ang nakarinig tungkol sa mga dragon, at si James lang ang nakatuklas sa kanila maliban kay Thomas. Para naman sa Sect Leader ng Celestial Sect, kahit si Thea hindi pa naririnig ang tungkol sa kanila. Nangyari nga naman ito 1300 taon na ang nakararaan. Bukod pa doon, wala ito sa kasaysayan. Kahit sa Sol, iilan lang ang may impormasyon tungkol dito.Tinignan ni Thea si James at naguguluhan na nagtanong, “Anong mga dragon?”Ikinuwento ni James ang tungkol sa mga dragon sa kanya.“Samantala, ang Grand Patriarch ng Vampire Clan—ay isang Dragon Slayer—ay nacontaminate ng dragon blood habang pinapatay niya ang dragon. Ito ang naging dahilan para sumikat ang Vampire Clan ngayon.”Sinabi niya ito habang nakatingin kay Thea.“Thea, si Callan ang nagsabi na ang exchange transfusion lang ang pag-asa para mailigtas ka. Pero, hindi gagana ang pangkaraniwang dugo. Pero sa tingin ko gagana kung ito ay dragon blood. Ito ang pangunahing rason kung bakit ko tinanggap ang mga demanda n
Napaisip si Thea kung sino ang mas malakas—siya ba o si James?Samantala, si James naman, ay walang interes na makipagkumpetensiya.“Siyempre mas malakas ka. Ikaw ang Sect Leader ng Celestial Sect!” sagot ni James habang nakangiti.“Boring…”Nawalan agad ng interes si Thea.Habang paakyat sila ng bundok, masaya silang nag-usap. Hindi nagtagal, nakarating sila sa gate ng Divine Sword Villa. Sapagkat maraming mga imbitasyon na ipinamigay, maraming tao sa labas ng Divine Sword Villa.Samantala, sinusuri ng mga disipulo ng Divine Sword villa ang mga imbitasyon. Ang may mga valid na imbitasyon lang ang makakapasok.Matapos dumating, naagaw nina James at Thea ang atensyon ng lahat. Lahat sila nakatingin, lalo na kay Thea. Nakasuot siya ng itim na dress, lalog siyang gumanda dahil sa pigura niya, at mahabang silver na buhok.“Thea Callahan, Sect Leader ng Celestial Sect…”“James Caden…”“Hindi ko inaasahan na nandito sila. Kung naparito sila sa Dragonslayer, wala na tayong laban.”Maraming na
Kaunti lang ang alam ni James tungkol sa Dragonslayer. Plano niya na mapasakamay ito, pero hahayaan na lang niya ang tadhana na magdesisyon dito.“James, sa tingin ko posible,” nasasabik na sagot ni Callan. “Sinabi sa akin ni Waylon noon na isang tuwid na tao lang ang makakahawak nito. Sa tingin ko dapat mo subukan. Tutulungan kita.”Matapos niya ito sabihin, tinignan niya si Thea.“Sa tulong ni Thea, na Sect Leader ng Celestial Sect, ang tiyansa mo para makuha ito ay ninty-five percent.”“Makikita natin.”Hindi nagmadali si James. May tatlong araw pa nga naman siya.“Maghintay ka dito. Titignan ko sa labas ang mga martial artist na dumating.”Tumalikod si Callan at umalis. Samantala, si James at Thea ay matiyagang naghintay sa kuwarto.Matapos ang halos dalawampung minuto, bumalik si Callan.“Hindi na rin masama…” sagot ni Callan pagbalik niya. “Marami akong nakita na makapangyarihang mga martial artist.”Si James, naintriga ay nagtanong, “Sino ang dumating?”“Ang lolo mo, si Thomas,
Whoosh!Pagkatapos sumabog ng furnace, bigla kuminang ng pula ang Dragonslayer at lumipad pataas kung saan lumiwanag ang madilim na gabi.“Nakakatakot na aura…”“Ipinanganak ang isang Divine Sword.”Sa oras na nangyari ang pagsabog, lahat lumabas mula sa tinutuluyan nila. Matapos makita ang pulang liwanag at nakakatakot na aura, hindi nila napigilan na mamangha.“Tulad ng inaasahan mula sa isang espada na isang milenyo bago nagawa.”“Hahaha! Napakaganda ng espadang ito!”Narinig ang malakas na tawa. Pagkatapos, may isang pigura na nagmadaling umakyat sa bundok.Kasabay nito, pati sina James at Thea ay lumabas din ng kuwarto nila. Sa oras na lumabas sila, nakita nila ang pulang kinang na umakyat sa ere.“Nakakatakot na aura…” sagot ni Thea.Kasabay nito, nanginig ang Malevolent Sword na hawak niya. Nangyari din ito sa Blade of Justice ni James, na nanginig ng sobra na tila nagkaroon ng gana dahil sa malakas na puwersa.“M-Mawawala na ang kontrol ko sa Malevolent Sword!” sagot ni Thea.“
"Yan ang espada ni James." "Nakikita ko yun. Pero anong nangyayari? Bakit humalo ang espada ni James sa Dragonslayer?" Marami ang nabigla nang nakita nilang naghalo ang dalawang espada. Nang may seryosong ekspresyon sa mukha niya, tinitigan ni Waylon ang dalawang espada sa langit. Bumulong siya, "Hindi kaya ang espada ni James ay ang espadang pinanday ni King Quavon?" Nagtanong ang isang Sect Elder ng Divine Sword Villa, "Waylon, alam mo ba kung anong nangyayari rito?" Nagpaliwanag si Waylon, "Ang espadang pinanday ni King Quavon, na tinatawag na Primordial Sword, ay pinanday gamit ng Ascenium Steel. Samantala, ang Dragonslayer ay pinanday gamit ng isang anyo ng quartz steel. Base sa ancient texts ng Divine Sword Villa, naiwan ang quartz steel nang binuo ni King Quavon ang Primordial Sword. Kung ganun, posible para sa dalawang espada na maghalo at maging isa. Gayunpaman, ang tanong: Bakit?" Higit sa inaasahan ni Waylon ang pagsasama ng dalawang espada. Dahil kumpleto n
Subalit ngayon, hindi man lang niya kayang kumontrol ng isang espada. Nang nakita nilang kumilos si Sky, nagmadali ang lahat na agawin ang espada. Sa isang kurap, maraming nagpalitan ng atake habang nilapitan nila ang espada. Boom! Isang nakakabinging pagsabog ng True Energy ang umalingawngaw sa buong Divine Sword Villa at yumanig nang matindi ang bulubundukin. Hindi nagpadalos-dalos si James. Sa halip, nanatili siya sa kinatatayuan niya at pinanood ang Dragonslayer na lumutang sa ere. Wala siyang ideya kung ang espada ay ang Dragonslayer o ang Blade of Justice. Kahit na ganito, nakaramdam siya na para ba itong pamilyar nang nakita niya ang espada. Lumitaw si Callan sa harapan ni James at nagtanong, "Anong tinatayo-tayo mo diyan, James? Ito ang perpektong pagkakataon para umatake!" Tumingin si James sa langit. Sa sandaling iyon, isang mabangis na labanan ang sumiklab. Ang king sinomang lalapit sa espada ay aatakihin ng madla. Dahil dito, nakagawa ito ng sitwasyon kung