Hindi ganoon kadami ang nakarinig tungkol sa mga dragon, at si James lang ang nakatuklas sa kanila maliban kay Thomas. Para naman sa Sect Leader ng Celestial Sect, kahit si Thea hindi pa naririnig ang tungkol sa kanila. Nangyari nga naman ito 1300 taon na ang nakararaan. Bukod pa doon, wala ito sa kasaysayan. Kahit sa Sol, iilan lang ang may impormasyon tungkol dito.Tinignan ni Thea si James at naguguluhan na nagtanong, “Anong mga dragon?”Ikinuwento ni James ang tungkol sa mga dragon sa kanya.“Samantala, ang Grand Patriarch ng Vampire Clan—ay isang Dragon Slayer—ay nacontaminate ng dragon blood habang pinapatay niya ang dragon. Ito ang naging dahilan para sumikat ang Vampire Clan ngayon.”Sinabi niya ito habang nakatingin kay Thea.“Thea, si Callan ang nagsabi na ang exchange transfusion lang ang pag-asa para mailigtas ka. Pero, hindi gagana ang pangkaraniwang dugo. Pero sa tingin ko gagana kung ito ay dragon blood. Ito ang pangunahing rason kung bakit ko tinanggap ang mga demanda n
Napaisip si Thea kung sino ang mas malakas—siya ba o si James?Samantala, si James naman, ay walang interes na makipagkumpetensiya.“Siyempre mas malakas ka. Ikaw ang Sect Leader ng Celestial Sect!” sagot ni James habang nakangiti.“Boring…”Nawalan agad ng interes si Thea.Habang paakyat sila ng bundok, masaya silang nag-usap. Hindi nagtagal, nakarating sila sa gate ng Divine Sword Villa. Sapagkat maraming mga imbitasyon na ipinamigay, maraming tao sa labas ng Divine Sword Villa.Samantala, sinusuri ng mga disipulo ng Divine Sword villa ang mga imbitasyon. Ang may mga valid na imbitasyon lang ang makakapasok.Matapos dumating, naagaw nina James at Thea ang atensyon ng lahat. Lahat sila nakatingin, lalo na kay Thea. Nakasuot siya ng itim na dress, lalog siyang gumanda dahil sa pigura niya, at mahabang silver na buhok.“Thea Callahan, Sect Leader ng Celestial Sect…”“James Caden…”“Hindi ko inaasahan na nandito sila. Kung naparito sila sa Dragonslayer, wala na tayong laban.”Maraming na
Kaunti lang ang alam ni James tungkol sa Dragonslayer. Plano niya na mapasakamay ito, pero hahayaan na lang niya ang tadhana na magdesisyon dito.“James, sa tingin ko posible,” nasasabik na sagot ni Callan. “Sinabi sa akin ni Waylon noon na isang tuwid na tao lang ang makakahawak nito. Sa tingin ko dapat mo subukan. Tutulungan kita.”Matapos niya ito sabihin, tinignan niya si Thea.“Sa tulong ni Thea, na Sect Leader ng Celestial Sect, ang tiyansa mo para makuha ito ay ninty-five percent.”“Makikita natin.”Hindi nagmadali si James. May tatlong araw pa nga naman siya.“Maghintay ka dito. Titignan ko sa labas ang mga martial artist na dumating.”Tumalikod si Callan at umalis. Samantala, si James at Thea ay matiyagang naghintay sa kuwarto.Matapos ang halos dalawampung minuto, bumalik si Callan.“Hindi na rin masama…” sagot ni Callan pagbalik niya. “Marami akong nakita na makapangyarihang mga martial artist.”Si James, naintriga ay nagtanong, “Sino ang dumating?”“Ang lolo mo, si Thomas,
Whoosh!Pagkatapos sumabog ng furnace, bigla kuminang ng pula ang Dragonslayer at lumipad pataas kung saan lumiwanag ang madilim na gabi.“Nakakatakot na aura…”“Ipinanganak ang isang Divine Sword.”Sa oras na nangyari ang pagsabog, lahat lumabas mula sa tinutuluyan nila. Matapos makita ang pulang liwanag at nakakatakot na aura, hindi nila napigilan na mamangha.“Tulad ng inaasahan mula sa isang espada na isang milenyo bago nagawa.”“Hahaha! Napakaganda ng espadang ito!”Narinig ang malakas na tawa. Pagkatapos, may isang pigura na nagmadaling umakyat sa bundok.Kasabay nito, pati sina James at Thea ay lumabas din ng kuwarto nila. Sa oras na lumabas sila, nakita nila ang pulang kinang na umakyat sa ere.“Nakakatakot na aura…” sagot ni Thea.Kasabay nito, nanginig ang Malevolent Sword na hawak niya. Nangyari din ito sa Blade of Justice ni James, na nanginig ng sobra na tila nagkaroon ng gana dahil sa malakas na puwersa.“M-Mawawala na ang kontrol ko sa Malevolent Sword!” sagot ni Thea.“
"Yan ang espada ni James." "Nakikita ko yun. Pero anong nangyayari? Bakit humalo ang espada ni James sa Dragonslayer?" Marami ang nabigla nang nakita nilang naghalo ang dalawang espada. Nang may seryosong ekspresyon sa mukha niya, tinitigan ni Waylon ang dalawang espada sa langit. Bumulong siya, "Hindi kaya ang espada ni James ay ang espadang pinanday ni King Quavon?" Nagtanong ang isang Sect Elder ng Divine Sword Villa, "Waylon, alam mo ba kung anong nangyayari rito?" Nagpaliwanag si Waylon, "Ang espadang pinanday ni King Quavon, na tinatawag na Primordial Sword, ay pinanday gamit ng Ascenium Steel. Samantala, ang Dragonslayer ay pinanday gamit ng isang anyo ng quartz steel. Base sa ancient texts ng Divine Sword Villa, naiwan ang quartz steel nang binuo ni King Quavon ang Primordial Sword. Kung ganun, posible para sa dalawang espada na maghalo at maging isa. Gayunpaman, ang tanong: Bakit?" Higit sa inaasahan ni Waylon ang pagsasama ng dalawang espada. Dahil kumpleto n
Subalit ngayon, hindi man lang niya kayang kumontrol ng isang espada. Nang nakita nilang kumilos si Sky, nagmadali ang lahat na agawin ang espada. Sa isang kurap, maraming nagpalitan ng atake habang nilapitan nila ang espada. Boom! Isang nakakabinging pagsabog ng True Energy ang umalingawngaw sa buong Divine Sword Villa at yumanig nang matindi ang bulubundukin. Hindi nagpadalos-dalos si James. Sa halip, nanatili siya sa kinatatayuan niya at pinanood ang Dragonslayer na lumutang sa ere. Wala siyang ideya kung ang espada ay ang Dragonslayer o ang Blade of Justice. Kahit na ganito, nakaramdam siya na para ba itong pamilyar nang nakita niya ang espada. Lumitaw si Callan sa harapan ni James at nagtanong, "Anong tinatayo-tayo mo diyan, James? Ito ang perpektong pagkakataon para umatake!" Tumingin si James sa langit. Sa sandaling iyon, isang mabangis na labanan ang sumiklab. Ang king sinomang lalapit sa espada ay aatakihin ng madla. Dahil dito, nakagawa ito ng sitwasyon kung
Habang nakatingin sa dalawang metro kahabang Dragonslayer na umiila nang ginto, nararamdaman ni James ang matinding kapangyarihan nagmumula sa espada habang nilapitan niya ito. Habang iniunat niya ang kamay niya para kunin ang espada… "Akin yan!" Narinig mula sa malayo ang isang nakakabinging sigaw. Habang naglalabas ng malakas na aura, sumugod si Sky papunta sa kanya nang kasing bilis ng kidlat. Sa isang kurap, lumitaw siya sa rehiyon kung nasaan si James. Humakbang si Callan at hinarangan ang daan ni Sky, sabay nagbanggaan ang dalawa. Dahil si Callan ang mas mahina sa kanilang dalawa, tumalsik siya. Sumuka siya ng dugo at bumagsak nang malakas sa lapag. Habang hawak ang Malevolent Sword, ginamit ni Thea ang Demonic Sword Art. Pagkatapos, sumugod siya kay Sky at humiwa gamit ng espada niya. Sa kabilang banda, hindi pinansin ni James ang labanan. Basta't naroon si Thea, walang makakalapit sa kanya. Kasunod nito, hinawakan niya ang Dragonslayer. Sa sandaling iy
Ngunit sa sandaling nahawakan ni Sky ang Dragonslayer, biglang naglabas ng malakas na aura ang espada na nagpaatras sa kanya. Kahit na nakarating na siya sa peak ng Sixth Stair at malapit na siyang makaakyat sa Seventh Stair, hindi niya mapigilan ang espada. Simpleng bumalik sa kamay ni James ang Dragonslayer. Hinimas ni James ang espada habang marahan siyang bumulong, "Napakaganda ng espadang to…" Sa ibaba, ngumisi Thomas nang nakita niya ito at nagsabing, "Mukhang dumating na ang oras para pumatay tayo ng dragon." Umayon ang lahat sa mga plano niya. Hindi niya inakalang makokontrol ni James ang Dragonslayer. Base sa una niyang plano, balak niyang ibigay ang espada sa Blood Race. Gayunpaman, dahil hawak na ngayon ni James ang espada, tiyak na papatay siya ng dragon sa hinaharap. Hindi nagtagal si Thomas at tumalikod para umalis. Nang nakita nilang napunta kay James ang Dragonslayer at hindi man lang ito magamit nang maayos ni Sky, sumuko na lang ang iba. Kahit na gusto nil