"Yan ang espada ni James." "Nakikita ko yun. Pero anong nangyayari? Bakit humalo ang espada ni James sa Dragonslayer?" Marami ang nabigla nang nakita nilang naghalo ang dalawang espada. Nang may seryosong ekspresyon sa mukha niya, tinitigan ni Waylon ang dalawang espada sa langit. Bumulong siya, "Hindi kaya ang espada ni James ay ang espadang pinanday ni King Quavon?" Nagtanong ang isang Sect Elder ng Divine Sword Villa, "Waylon, alam mo ba kung anong nangyayari rito?" Nagpaliwanag si Waylon, "Ang espadang pinanday ni King Quavon, na tinatawag na Primordial Sword, ay pinanday gamit ng Ascenium Steel. Samantala, ang Dragonslayer ay pinanday gamit ng isang anyo ng quartz steel. Base sa ancient texts ng Divine Sword Villa, naiwan ang quartz steel nang binuo ni King Quavon ang Primordial Sword. Kung ganun, posible para sa dalawang espada na maghalo at maging isa. Gayunpaman, ang tanong: Bakit?" Higit sa inaasahan ni Waylon ang pagsasama ng dalawang espada. Dahil kumpleto n
Subalit ngayon, hindi man lang niya kayang kumontrol ng isang espada. Nang nakita nilang kumilos si Sky, nagmadali ang lahat na agawin ang espada. Sa isang kurap, maraming nagpalitan ng atake habang nilapitan nila ang espada. Boom! Isang nakakabinging pagsabog ng True Energy ang umalingawngaw sa buong Divine Sword Villa at yumanig nang matindi ang bulubundukin. Hindi nagpadalos-dalos si James. Sa halip, nanatili siya sa kinatatayuan niya at pinanood ang Dragonslayer na lumutang sa ere. Wala siyang ideya kung ang espada ay ang Dragonslayer o ang Blade of Justice. Kahit na ganito, nakaramdam siya na para ba itong pamilyar nang nakita niya ang espada. Lumitaw si Callan sa harapan ni James at nagtanong, "Anong tinatayo-tayo mo diyan, James? Ito ang perpektong pagkakataon para umatake!" Tumingin si James sa langit. Sa sandaling iyon, isang mabangis na labanan ang sumiklab. Ang king sinomang lalapit sa espada ay aatakihin ng madla. Dahil dito, nakagawa ito ng sitwasyon kung
Habang nakatingin sa dalawang metro kahabang Dragonslayer na umiila nang ginto, nararamdaman ni James ang matinding kapangyarihan nagmumula sa espada habang nilapitan niya ito. Habang iniunat niya ang kamay niya para kunin ang espada… "Akin yan!" Narinig mula sa malayo ang isang nakakabinging sigaw. Habang naglalabas ng malakas na aura, sumugod si Sky papunta sa kanya nang kasing bilis ng kidlat. Sa isang kurap, lumitaw siya sa rehiyon kung nasaan si James. Humakbang si Callan at hinarangan ang daan ni Sky, sabay nagbanggaan ang dalawa. Dahil si Callan ang mas mahina sa kanilang dalawa, tumalsik siya. Sumuka siya ng dugo at bumagsak nang malakas sa lapag. Habang hawak ang Malevolent Sword, ginamit ni Thea ang Demonic Sword Art. Pagkatapos, sumugod siya kay Sky at humiwa gamit ng espada niya. Sa kabilang banda, hindi pinansin ni James ang labanan. Basta't naroon si Thea, walang makakalapit sa kanya. Kasunod nito, hinawakan niya ang Dragonslayer. Sa sandaling iy
Ngunit sa sandaling nahawakan ni Sky ang Dragonslayer, biglang naglabas ng malakas na aura ang espada na nagpaatras sa kanya. Kahit na nakarating na siya sa peak ng Sixth Stair at malapit na siyang makaakyat sa Seventh Stair, hindi niya mapigilan ang espada. Simpleng bumalik sa kamay ni James ang Dragonslayer. Hinimas ni James ang espada habang marahan siyang bumulong, "Napakaganda ng espadang to…" Sa ibaba, ngumisi Thomas nang nakita niya ito at nagsabing, "Mukhang dumating na ang oras para pumatay tayo ng dragon." Umayon ang lahat sa mga plano niya. Hindi niya inakalang makokontrol ni James ang Dragonslayer. Base sa una niyang plano, balak niyang ibigay ang espada sa Blood Race. Gayunpaman, dahil hawak na ngayon ni James ang espada, tiyak na papatay siya ng dragon sa hinaharap. Hindi nagtagal si Thomas at tumalikod para umalis. Nang nakita nilang napunta kay James ang Dragonslayer at hindi man lang ito magamit nang maayos ni Sky, sumuko na lang ang iba. Kahit na gusto nil
"Alam mo rin ba ang tungkol sa pinagmulan ng Blade of Justice?" Nagtatakang tumingin si James kay Waylon. Tumango si Waylon at nagsabing, "Wala akong kaalam-alam sa umpisa. Nagawa ko lang na naisip to nang nakita kong naghalo ang dalawang espada." "Ha?" Napahinto si James sandali bago nagtanong, "Anong ibig mong sabihin?" Nagpaliwanag si Waylon, "Iyon ay dahil ang dalawang espada ay gawa sa parehong materyal. Matagal na panahon ang nakaraan, nakakuha si King Quavon ng isang piraso ng Ascenium Steel at tinawag ang mga pinakamagagaling na panday sa mundo para buuin ang Primordial Sword. Kahit na ginamit ang ilan pang ibang materyales para sa pagpanday nito, ang Ascenium Steel pa rin ang puso nito." "Ganun pala…" Napagtanto ito ni James. "Siya nga pala…" Na para bang may naalala siya, tumingin si Waylon kay James at nagtanong, "Sinasabi sa alamat na kasama ng Primordial Sword ang First Sword Art. Natanggap mo rin ba ito?" Umiling si James, "Hindi." "Sayang nam
Hinawakan siya ni Thea at nagsabi nang may mahinang boses, "Ayos lang ako." Hindi umalis si Thomas. "Posibleng hinigop ni Thea ang lahat ng enerhiya ng dugo," sabi niya pagkatapos mag-isip sandali. "Iyon ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. May isang paraan na lang para iligtas siya ngayon. Iyon ay ang pumatay ng dragon. Gamit ang dugo ng dragon…" "Matagal mo nang plinano to, di ba?" Malamig na tinitigan ni James si Thomas habang dahan-dahang nagsabi, "Alam mo sa simula pa lang na pagkatapos higupin ni Thea ang enerhiya ng dugo, mawawalan ng buhay at ng kakayahang gumawa ng bago ang dugo niya. Ang layunin mo ay ang pilitin ako at si Thea na patayin ang dragon, tama?"Kaya kong palampasin kapag namamanipula ka ng ibang tao. Pero apo mo ko, at sinusubukan mo rin akong manipulahin?" sigaw ni James. "Hindi." Nagpaliwanag si Thomas, "Maniwala ka man sa'kin o hindi, hindi kita minanipula. Hindi rin kita gustong madamay. Gayunpaman, nasayo na ang Dragonslayer. Ginawa ito para pumat
Pagkatapos bumalik sa Capital, hindi muna lumabas si James at hindi siya nangialam sa kahit na ano. Ngayong nangako na sa kanya si Sky na hindi na siya gagawa pa ng problema, hindi na magiging hadlang sa kanya ang Orient Commerce. Mas magiging madaling linisin ang lahat sa hinaharap. Sa ngayon, walang makakalaban sa kanya. Magiging madali na lang na maglinis bago ang eleksyon. Sa sumunod na ilang araw, nanatili si James sa bahay. Dahil binanggit ni Thea ang kagustuhan niyang magkaanak, nanatili sila sa bahay at pinaghirapan ito. Bakas sa sala, kusina, at balkonahe ang mga ginawa nila. Nang bumalik si Donovan mula sa Divine Sword Villa, alam niyang ang espadang na kay James ay ang Primordial Sword. Hindi niya ito maintindihan. Ayon sa Grand Patriarch, dapat ay nasa Mausoleum ni King Quavon ang Primordial Sword. Kung ganun, bakit ito na kay James? Sa panahong iyon, patuloy siyang nagpadala ng mga tao para hanapin ang mapang iniwan ng ninuno niya sa dungeon sa ilalim ng bun
Nang may nagdududang ekspresyon sa mukha niya, tinignan niya ang binatang nasa harapan niya at nagsabing, "Unang-una, anong impormasyon ang meron ka?" "Walang dudang napakahalaga ng impormasyon ko. Kailangan ko ng isang jade token. Kapag maibibigay mo sa'kin yan, mapapasayo ang impormasyong ito," sabi ng binata. Walang pakialam na nagsalita ang Omniscient Deity, "Walang patakaran ang Jade Sect na kailangang magbigay muna ng jade token. Sabihin mo muna sa'kin ang nalalaman mo. Ibibigay ko to sa'yo kung nararapat ito. Kung sa tingin ko ay hindi ito ganun kahalaga, bibigyan kita ng ibang bagay bilang kapalit." Ang Jade Sect ang may pinakamagaling na intelligence network sa buong mundo dahil nakikipagkasundo ito sa ancient martial artists. Kung mayroon silang mahalagang impormasyon, gagantimpalaan sila ng Jade Sect ng isang jade token. Ang mga may jade token ay pwedeng humiling sa Jade Sect. Maliban sa pagpatay at panununog, papayag ang Jade Sect sa kahit na ano para sa hiling na i