Pagkatapos bumalik sa Capital, hindi muna lumabas si James at hindi siya nangialam sa kahit na ano. Ngayong nangako na sa kanya si Sky na hindi na siya gagawa pa ng problema, hindi na magiging hadlang sa kanya ang Orient Commerce. Mas magiging madaling linisin ang lahat sa hinaharap. Sa ngayon, walang makakalaban sa kanya. Magiging madali na lang na maglinis bago ang eleksyon. Sa sumunod na ilang araw, nanatili si James sa bahay. Dahil binanggit ni Thea ang kagustuhan niyang magkaanak, nanatili sila sa bahay at pinaghirapan ito. Bakas sa sala, kusina, at balkonahe ang mga ginawa nila. Nang bumalik si Donovan mula sa Divine Sword Villa, alam niyang ang espadang na kay James ay ang Primordial Sword. Hindi niya ito maintindihan. Ayon sa Grand Patriarch, dapat ay nasa Mausoleum ni King Quavon ang Primordial Sword. Kung ganun, bakit ito na kay James? Sa panahong iyon, patuloy siyang nagpadala ng mga tao para hanapin ang mapang iniwan ng ninuno niya sa dungeon sa ilalim ng bun
Nang may nagdududang ekspresyon sa mukha niya, tinignan niya ang binatang nasa harapan niya at nagsabing, "Unang-una, anong impormasyon ang meron ka?" "Walang dudang napakahalaga ng impormasyon ko. Kailangan ko ng isang jade token. Kapag maibibigay mo sa'kin yan, mapapasayo ang impormasyong ito," sabi ng binata. Walang pakialam na nagsalita ang Omniscient Deity, "Walang patakaran ang Jade Sect na kailangang magbigay muna ng jade token. Sabihin mo muna sa'kin ang nalalaman mo. Ibibigay ko to sa'yo kung nararapat ito. Kung sa tingin ko ay hindi ito ganun kahalaga, bibigyan kita ng ibang bagay bilang kapalit." Ang Jade Sect ang may pinakamagaling na intelligence network sa buong mundo dahil nakikipagkasundo ito sa ancient martial artists. Kung mayroon silang mahalagang impormasyon, gagantimpalaan sila ng Jade Sect ng isang jade token. Ang mga may jade token ay pwedeng humiling sa Jade Sect. Maliban sa pagpatay at panununog, papayag ang Jade Sect sa kahit na ano para sa hiling na i
Sa mundo ng sinaunang martial arts, ginagalang ang malalakas. Ang mas nakatataas ay ang mas malakas. Ang kahit na sinong mas mahina ay walang halaga. Hindi komportable ang Omniscient Deity na matawag na 'Lord' ni Thea. Umupo si Thea at hindi na nagsalita. Nagtanong si James, anong impormasyon ang meron ka?" Tinignan ng Omniscient Deity si James at nagsabing, "Tiyak na magagamit mo ang impormasyong ito. Gayunpaman, may patakaran sa Jade Sect. Kapag binigyan kita ng impormasyon, kailangan mong mangakong gagawa ka ng kahit na ano para sa'kin bilang kapalit." Alam ni James ang patakarang ito. "Pakinggan muna natin to." "Hindi, mangako ka muna dapat." Pagkasabi niya nito, naglabas siya ng isang token at ibinigay ito kay James. "Isa tong jade token. Itabi mo ito. Kapag kailangan kitang gumawa ng kahit na ano para sa'kin, pupuntahan kita para kunin ang token na'to mula sa'yo." Ang jade token na ibinigay ng Omniscient Deity sa kanya ay naiiba sa ibinigay sa miyembro ng Bl
"Wala nang pero pero." Puno ng determinasyon ang mukha ni James. Nakakasiguro siyang nagsabi, "Hindi na kita hahayaang masaktan pa. Magpahinga ka lang at manatili sa Capital. Sa kasalukuyan kong lakas at sa walang kapantay na Primordial Dragon Blade, kakaunti lang sa buong Sol, kundi sa buong mundo, ang kayang tumalo sa'kin." Walang magawa si Thea sa hindi pagpayag ni James na sumama siya. Nanlulumo niyang pinaalalahanan si James, "Mag-ingat ka. Umalis ka na at bumalik ka rin kaagad. May mga isyu pa sa Capital na kailangan ng atensyon mo." Nakangiting nagsalita si James, "Sa totoo lang, hindi ko na kailangang problemahin yun. Sa kakayahan ng Hari, magagawa niyang ayusin ang lahat ng yun. Kinausap ko na ang Hari. Sabi niya siya na ang bahala dun agad-agad at buburahin niya ang Orient Commerce bago ang eleksyon. "Kinausap ko rin si Callan. Mabilis niyang aayusin ang Gu Sect at buburahin ang natitirang impluwensya ni Owen kasabay nito." Kahit na hindi siya lumabas nitong mga nak
Tinaas ni James ang kanyang kilay. "Kalat na sa buong ancient martial world?" "Oo," Ang nakangiting sinabi ni Tapio. Nagtanong si James, "Sinong nagpakalat ng impormasyon, at paano mo nalaman ang tungkol sa Mausoleum ni King Quavon?" Sa sandaling ito, pakiramdam ni James ay naloko siya. Binenta sa kanya ng Omniscient Deity ang impormasyon tungkol sa Mausoleum ni King Quavon at tinanggap niya ang jade token mula sa Omniscient Deity, kaya kailangan niyang tuparin ang isang kahilingan mula sa kanya. Kung kalat na ang impormasyong ito at alam na ng lahat ang tungkol dito, siguradong naloko siya.“Ang Omniscient Deity ba ang nagsabi sa’yo ng tungkol dito?” Muling nagtanong si James."Hindi." Walang tinago si Tapio at tapat siyang sumagot, "Wala rin akong ideya kung sino ang nagpakalat ng impormasyon. May narinig ako tungkol sa kasaysayan ng pamilya ng mga Blight at nalaman ko na nakuha nila ang floor plan ng mga patibong sa Mausoleum ni King Quavon, kaya nagmadali akong pumunta di
Di kalaunan sinabi ni Tapio na, "Higit sampung taon na ang nakakaraan, noong naglalakbay ako para sa aking pagsasanay, nakilala ko si Thomas, ang lolo mo. Pinakita sa'kin ng lolo mo ang isang nakakatakot na signature martial art skill. Naniniwala ako na alam mo na agad na ang martial art skill na ito ay ang Spiritual Art. "Noong mga panahong iyon, natalo ako. Kinainggitan ko ang martial art skill na ito. "Subalit, sinabi ng lolo mo na natutunan niya ang Spiritual Art sa Mount Thunder Sect. Sinabi niya rin sa'kin ang pinagmulan nito, ngunit naging padalos-dalos ako sa desisyon ko noong mga panahong iyon. Bumalik ako agad sa Mount Thunder Sect at hiningi ko ito sa aking ama. Subalit, tumanggi ang ama ko na ibigay ito sa’kin. Sa galit ko, inatake ko ang ama ko at umalis ako sa Mount Thunder Sect.“Nakilala ko si Tyrus noong umalis ako sa Mount Thunder Sect. Dinala niya ako sa isang sinaunang libingan, at doon ko natutunan ang Spiritual Art.”Kinuwento ni Tapio ang mga naging karanas
Ang Prince of Orchid Mountain ay isang kilalang tao sa kasaysayan mula pa noong nakaraang isang libong taon. Mula noon hanggang ngayon, kaunti lamang ang mga naging henerasyon.Ang buhay ng isang karaniwang tao ay umaabot ng walumpung taon hanggang siyamnapung taon. Kapag inalagaan nila ang kalusugan nila, maaaring mabuhay ang isang tao ng halos isang daang taon. Sa kabilang banda, ang isang martial artist, kahit na mahina ang kanyang cultivation base, ay maaaring mabuhay ng higit sa isang daang taon.Mayroong panimula para sa mga martial artist bago ang eighth rank.Bago nila maabot ang eighth-rank, maaari silang mabuhay ng 160 hanggang 170 taon. Kapag naabot nila ang eighth rank, tumataas ng husto ang kanilang life expectancy. Hindi imposible para sa kanila ang umabot sa edad na dalawang daang taon.Habang ang ninth rank?Sa kabila ng katotohanan na wala pang nakilalang tao si James na nasa ninth rank at wala siyang ideya kung gaano kahaba ang buhay nila, tantya niya ay hindi im
Hindi na nagsalita pa si James.Dahil hindi ito ang daan papasok, hindi na niya kailangan pang manatili dito. Tumalikod siya at nagsimula siyang maglakad papunta sa tuktok ng bundok. Sa isang hakbang lang, sumulpot siya isang daang metro mula sa kinatatayuan niya. Sa ilang hakbang lang, nakarating siya agad sa kalahati ng bundok.Sa isang kisapmata, nakarating na siya sa tuktok ng bundok. Mabilis ding kumilos si Tapio, nakasunod siya kay James sa pag-akyat sa bundok.Patag ang lupa sa tuktok ng bundok. Walang kahala-halaman sa lupa.Habang nakatingin siya sa tuyong lupain, "May daanan ba papasok dito?" Sumalampak si Tapio sa lupa at sinabing, "Siguradong nandito 'yun. Maghintay na muna tayo. Malamang parating pa lang ang mga Blithe.""Paniniwalaan kita sa ngayon." Umupo din si James. Halos isang oras silang nakaupo. Paglipas ng ilang oras, sa wakas ay may mga tao nang dumating sa tuktok ng bundok. Sila ay isang grupo ng mga tao na nakasuot ng mga suit. Ang ilan sa kanila a