Tinaas ni James ang kanyang kilay. "Kalat na sa buong ancient martial world?" "Oo," Ang nakangiting sinabi ni Tapio. Nagtanong si James, "Sinong nagpakalat ng impormasyon, at paano mo nalaman ang tungkol sa Mausoleum ni King Quavon?" Sa sandaling ito, pakiramdam ni James ay naloko siya. Binenta sa kanya ng Omniscient Deity ang impormasyon tungkol sa Mausoleum ni King Quavon at tinanggap niya ang jade token mula sa Omniscient Deity, kaya kailangan niyang tuparin ang isang kahilingan mula sa kanya. Kung kalat na ang impormasyong ito at alam na ng lahat ang tungkol dito, siguradong naloko siya.“Ang Omniscient Deity ba ang nagsabi sa’yo ng tungkol dito?” Muling nagtanong si James."Hindi." Walang tinago si Tapio at tapat siyang sumagot, "Wala rin akong ideya kung sino ang nagpakalat ng impormasyon. May narinig ako tungkol sa kasaysayan ng pamilya ng mga Blight at nalaman ko na nakuha nila ang floor plan ng mga patibong sa Mausoleum ni King Quavon, kaya nagmadali akong pumunta di
Di kalaunan sinabi ni Tapio na, "Higit sampung taon na ang nakakaraan, noong naglalakbay ako para sa aking pagsasanay, nakilala ko si Thomas, ang lolo mo. Pinakita sa'kin ng lolo mo ang isang nakakatakot na signature martial art skill. Naniniwala ako na alam mo na agad na ang martial art skill na ito ay ang Spiritual Art. "Noong mga panahong iyon, natalo ako. Kinainggitan ko ang martial art skill na ito. "Subalit, sinabi ng lolo mo na natutunan niya ang Spiritual Art sa Mount Thunder Sect. Sinabi niya rin sa'kin ang pinagmulan nito, ngunit naging padalos-dalos ako sa desisyon ko noong mga panahong iyon. Bumalik ako agad sa Mount Thunder Sect at hiningi ko ito sa aking ama. Subalit, tumanggi ang ama ko na ibigay ito sa’kin. Sa galit ko, inatake ko ang ama ko at umalis ako sa Mount Thunder Sect.“Nakilala ko si Tyrus noong umalis ako sa Mount Thunder Sect. Dinala niya ako sa isang sinaunang libingan, at doon ko natutunan ang Spiritual Art.”Kinuwento ni Tapio ang mga naging karanas
Ang Prince of Orchid Mountain ay isang kilalang tao sa kasaysayan mula pa noong nakaraang isang libong taon. Mula noon hanggang ngayon, kaunti lamang ang mga naging henerasyon.Ang buhay ng isang karaniwang tao ay umaabot ng walumpung taon hanggang siyamnapung taon. Kapag inalagaan nila ang kalusugan nila, maaaring mabuhay ang isang tao ng halos isang daang taon. Sa kabilang banda, ang isang martial artist, kahit na mahina ang kanyang cultivation base, ay maaaring mabuhay ng higit sa isang daang taon.Mayroong panimula para sa mga martial artist bago ang eighth rank.Bago nila maabot ang eighth-rank, maaari silang mabuhay ng 160 hanggang 170 taon. Kapag naabot nila ang eighth rank, tumataas ng husto ang kanilang life expectancy. Hindi imposible para sa kanila ang umabot sa edad na dalawang daang taon.Habang ang ninth rank?Sa kabila ng katotohanan na wala pang nakilalang tao si James na nasa ninth rank at wala siyang ideya kung gaano kahaba ang buhay nila, tantya niya ay hindi im
Hindi na nagsalita pa si James.Dahil hindi ito ang daan papasok, hindi na niya kailangan pang manatili dito. Tumalikod siya at nagsimula siyang maglakad papunta sa tuktok ng bundok. Sa isang hakbang lang, sumulpot siya isang daang metro mula sa kinatatayuan niya. Sa ilang hakbang lang, nakarating siya agad sa kalahati ng bundok.Sa isang kisapmata, nakarating na siya sa tuktok ng bundok. Mabilis ding kumilos si Tapio, nakasunod siya kay James sa pag-akyat sa bundok.Patag ang lupa sa tuktok ng bundok. Walang kahala-halaman sa lupa.Habang nakatingin siya sa tuyong lupain, "May daanan ba papasok dito?" Sumalampak si Tapio sa lupa at sinabing, "Siguradong nandito 'yun. Maghintay na muna tayo. Malamang parating pa lang ang mga Blithe.""Paniniwalaan kita sa ngayon." Umupo din si James. Halos isang oras silang nakaupo. Paglipas ng ilang oras, sa wakas ay may mga tao nang dumating sa tuktok ng bundok. Sila ay isang grupo ng mga tao na nakasuot ng mga suit. Ang ilan sa kanila a
Bakit hahayaan ni Donovan na sumama sa kanya si James? Kahit na bugbugin pa siya ni James, hindi siya papayag.“Hindi ka ba papasok?” Ang sabi ni James ng may malaking ngiti sa kanyang mukha, “Mas mabuti ‘yan. Kung ganun, ibigay mo na lang sa’kin ang floor plan ng mga patibong. Mag-isa na lang akong papasok.”Noong sinabi niya iyon, mas lumapit pa siya kay Donovan.Bahagyang umatras si Donovan.Whoosh!Agad na nilabas ng mga miyembro ng Blithe Pagbunot nila ng mga espada nila, gaya ng isang multo, mabilis na inikutan ni James ang grupo.Sa loob lang ng tatlong segundo, nakabalik na siya sa orihinal niyang pwesto.Sa likod ni Donovan, pinatamaan ni James ang mga acupoint ng mga miyembro ng Blithe family na kasama niya. Nanigas sila sa kinatatayuan nila, hindi sila makagalaw.Dismayado ang ekspresyon ni Donovan. Alam niya na lubhang napakalakas ni James. Kahit na nakuha niya ang kapangyarihang naipon ng Grand Patriarch habang nabubuhay siya, wala pa rin siyang laban kay James.I
”Mhm.” Tumango si Tapio.Tinadyakan ng elder mula sa mga Blithe ang isang bato, muli siyang humakbang ng tatlong beses, at inulit niya ang ginawa niya.Lumubog ang pangalawang bato, at muling umangat ang naunang bato.Hindi pinansin ng elder ang paggalaw ng naunang bato at nagpatuloy siya sa kasunod na bato.Paglipas ng sampung minuto.Klik!Umalingawngaw ang isang tunog.Biglang lumubog sa lupa ang mga bato sa gitna ng lugar, at isang daanan na may 5-metro ang lawak ang nagbukas.Noong nakita niya ang daanan, masayang lumapit si Donovan.Sumunod sa kanya si James.Narating nila ang daan papasok at sumilip sila pababa dito.May hagdan pababa sa loob ng lagusan.Pinangunahan ni Donovan ang pagpasok sa lagusan.Si James ang sumunod na pumasok, na sinundan ni Tapio at ng iba pang miyembro ng Blithe family.Pagkatapos nilang maglakad ng ilang oras, nakarating sila sa isang dead end.Tumingin si James kay Donovan at nagtanong, “Paano tayo magpapatuloy?”Tumingin si Donovan s
Dumating si Sky sa daan papasok sa libingan.Subalit, may nakaharang na pader sa kanyang daanan.“Bwisit,” ang sabi niya.Inipon niya ang kanyang True Energy at hinampas niya ang kanyang palad sa pader sa harap niya.Inutusan ni King Quavon ang mga tauhan niya na buuin ang pader na ito. Inabot sila ng napakaraming taon upang buuin ang pader na ito gamit ang mga natatanging materyales. Kahit na naabot na ni Sky ang peak ng Sixth Stair, hindi niya kayang sirain ang pader.“Mayroon sigurong mekanismo na nakatago dito.”Pagkatapos niyang ilabas ang inis niya sa pader, huminahon siya at sinimulan niyang hanapin ang mekanismo.Ilang oras siyang naghanap ngunit walang nangyari.Bago niya mahanap ang mekanismo para mabuksan ang pader, may taong lumapit sa kanya.Ito ay si Thomas na nagmadali ring pumunta sa lugar.Agad na napansin ni Thomas na may hinahanap si Sky. Lumapit siya, tumingin siya kay Sky, at nagtanong, “Anong nangyayari dito?”Sumagot si Sky, “Nahuli ako. Nakapasok na a
Nagdesisyon ang dalawa na bumalik sa simula.Subalit, nabigo silang makabalik sa simula ng labyrinth kahit na dumaan sila sa ilang mga silid.“Nakakapagtaka. Ang alam ko hindi tayo dumaan sa ganito karaming silid noong una tayong pumasok sa lugar na ‘to. Sinusundan ko ang direksyon kung saan tayo dumaan kanina, kaya paano nangyari ‘to?”Seryosong nagsalita si Tapio, “Mukhang pinaglalaruan ng labyrinth na ‘to ang mga isip natin. Mukha lang tayong dumadaan sa parehong daan, pero yung totoo papasok tayo sa loob ng labyrinth.”“Kung ganun, nasaang silid tayo ngayon?”Nilabas ni James ang floor plan at sinubukan niyang tukuyin ang lokasyon nila.Nagkibit-balikat si Tapio at sinabi niya na, “Anong malay ko?”“Anong gagawin natin?”Nag-isip ng maigi si Tapio.“Alam ko na!”Biglang sumigaw si Tapio.“Hmm?”Nagtatakang tumingin sa kanya si James.Lumapit si Tapio kay James.Pagkatapos, bumulong siya, “James…”Pinakinggang maigi ni James ang mga sinasabi niya.Biglang tinulak ni