"Umalis siya ng ganun-ganun lang?" Umalis ang Sect Leader ng Celestial Sect, at ganoon din si Thomas.Si James lang ang natira. Nakatayo sa tuktok ng Mount Olympus, na naging mga durog na bato, pinagmasdan ni James ang kanyang paligid. Hinaplos niya ang kanyang baba, malalim ang iniisip. Naghinala siya sa pagkakakilanlan ng Sect Leader. "Mabango... Malambot at makinis na balat... Babae... Malevolent Sword... Thea?" Ang lahat ng mga pahiwatig ay nakaturo sa isang tao─Thea Callahan. Taglay ni Thea ang Malevolent Sword. Nakita niya itong humawak ng espada nang maraming beses. Gayunpaman, ibinasura niya kaagad ang mga kaisipang iyon. Natagpuan niya ang mismong ideya na hindi kapani-paniwala. Paano naging malakas si Thea? Imposible naman. Binalak niyang tanungin si Thea sa kanyang pagbabalik kay Sol.Palihim na bumalik si Thea pagkaalis niya. Nag-aalala siya sa kaligtasan ni James ngunit hindi siya nagpakita sa sarili. Sa halip, itinago niya ang sarili sa mga anino. Nang
Ayaw niyang bumalik. Gusto lang niyang mapahamak dito. “Ang E-Excalibur ay ang pananampalataya ng lahat ng Knights. Binata ng Sol, sana ay i-reorgan mo ang Excalibur.” Nang marinig ito, kumunot ang noo ni James. Siya ay may iba pang mga bagay na dapat harapin at wala siyang oras upang muling ayusin ang isang sirang espada. “I-ipangako mo sa akin…” pagsusumamo ni Koehler. Gayunpaman, bago niya matapos ang kanyang pangungusap, siya ay patay na. Tumingin si James kay Koehler, na nanlambot ang katawan, at bumuntong-hininga. Hindi siya pinansin, tumayo siya para umalis. Pagkatayo niya, nilapitan siya ni Callan. “Narito ka.” “Mhm.” Tumango si Callan at sinulyapan si Koehler na hindi gumagalaw sa lupa at malamig na sinabi, “Napuno ng dugo ng Solean ang kanyang mga kamay. Isang siglo na ang nakalipas, marami sa ating mga kasama ang namatay sa kanyang mga kamay. Tama ka na hindi nangako sa kanya ng kahit ano.""Wala akong oras para sa Excalibur," sabi ni James. "Gayunpaman..
“James Caden…”Saktong sumenyas si Polaris na sundan siya ni James, may ilang armored knight na lumapit sa kanila at pinigilan si James na umalis. Napalingon si James. Alam niyang mga knight sila ni Koehler sa isang sulyap. "May problema ba?" Tanong niya. Isang kabalyero ang nagtanong, “James, kumusta ang sitwasyon sa Mount Olympus? Kumusta si Koehler Keyes? Siya ba ay patay o buhay?" "Patay na siya." Pagpapatuloy ni James, “Malapit na rin naman siya sa kamatayan kung tutuusin. Kahit na walang labanan, hindi siya mabubuhay nang matagal. Sa matinding labanang iyon, naubos niya ang lahat ng kanyang lakas, na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang kapangyarihan. Bukod dito, nagtamo rin siya ng matinding pinsala. Patay na siya. Nakahimlay na ngayon ang kanyang bangkay sa Mount Olympus.” Nang marinig ito, ang ilang mga kabalyero ay napaatras. Namutla ang mga mukha nila. Tumalikod na lang si James para umalis. Samantala, sinenyasan ni Polaris ang lahat na sumunod sa kanya. “L
Pinag-isipan ito ni James at nagtanong, “Bakit kapangalan mo ang pangalan ng sect?”“Sa totoo lang, ang bawat Archbishop ay pinapalitan ang pangalan nila sa ‘Polaris’.”“Ah, ganoon pala.”Napagtanto ito ni James.“James, nakikita ko na gumagamit ka ng espada. Marahil natuto ka ng mga technique noon. Magpalitan tayo ng kaalaman natin. Sa totoo lang, kahit na may signature sword technique ang polaris sect, wala pang natututo nito sa sa sect.”“Siyempre.” Tumango ng kaunti si James.Naintriga siya sa Polaris Sword Art na ginawa ng founder ng Polaris Sect. Isang sword technique na kinailangan ng tatlumpung taon para magamit ay siguradong hindi pangkaraniwan na sword technique.Hindi nagtagal at nakarating sila sa rurok.Maraming mga gusali doon. Kaysa mga Erythio-style na mga gusali, ginawa sila ng Solean style. Sapagkat luma na ang mga gusali, mukhang ipinadala sila mula sa modernong panahon patungo sa nakaraan.Maraming mga martial artist ang nakasunod.Sa oras na dumating sila sa Polari
Ang Three Elders ay ang Grand Sect Elders, sila ang may pinakamataas na awtoridad sa Polaris Sect. Theoretically speaking, kahit ang Archbishop ay magalang sa kanila. Ngunit, ang Three Elders ay nakaupo lang at walang ginagawa ng ilang dekada na. Wala silang pakielam sa mga problema ng sect.Matapos makipagusap sa ilang mga Sect Elders, nilisan ni Archbishop Polaris ang main hall at tumungo sa bundok sa likod ng Polaris sect.May bangin sa tabi ng bundok. Sa paanan nito, may simpleng kahoy na bahay. Sa harap ng bahay, may tatlong estatwa na matatagpuan.Nagpakita si Polaris sa bangin at tinignan ang tatlong estatwa na nasa harapan niya. Naalala niya ang unang punta niya dito tatlumpung taon na ang nakararaan. Sa isang kisap mata, tatlumpong taon na na ang nakalipas.Matapos titignan ng panandalian ang mga estatwa, tumalon siya sa ere at tumungo sa bahay. Hindi nagtagal at nakarating siya sa bahay. Kung titignan ng mabuti, napagtanto ni Polaris na ang mga estatwa ay mga tao. Sila ay tat
...Sinubukan kumbinsihin ni Archbishop Polaris ang nakatatanda ng walang humpay.Inilista niya ang mga benepisyo at mga negatibong epekto habang sinusuri ang sitwasyon.Matapos ang ilang sandali, nagtanong ang nakatatandang lalake, “Sino itong si… James? Anong klaseng tao siya?”“Master, isa siyang Solean ancient martial artist. Bata pa siya, pero makapangyarihan na, Wala akong laban sa kanya at madali niya akong natalo. Character-wise, mukhang desente at makatarungan na tao.”Ikinuwento ni Polaris kung anong klaseng tao si James.Pinagisipan ito ng nakatatandang lalake at sinabi, “Sige, ikaw na ang bahala dito.”Matapos niya itong sabihin, ipinikit niya muli ang mga mata niya at nagpatuloy sa pagcultivate ng Deadwood Martial Technique.”“Maraming salamat, Master.”Habang natutuwa, mabilis na umalis si Polaris.Walang alam si James sa internal affairs ng Polaris Sect, at hindi rin siya nagtanong tungkol dito. Matapos dumating sa sect, natuon ang atensyon niya sa pagpapagaling ng mga p
Kumaway si Polaris ng kaunti at isang dokumento sa lamesa ang lumipad patungo kay James.“James, ito ang detalyadong impormasyon tungkol kay Rodent. Tignan mo.”Natanggap ito ni James at binuksan ang dokumento.Isang litrato ang nakadikit sa tuktok ng dokumento, at medyo malabo ito. Sapagkat nakasuot ng maskara ang tao at kalahati ng mukha ay natatakpan ng maskara, hindi makita ni James kung anong itsura niya.Nagsalita si Polaris, “Sapagkat wala tayong oras masyado, ito na ang pinaka kumpletong impormasyon na mayroon kami. Maingat na tao si Rodent. Nakasuot siya lagi ng maskara kahit sa mga pampublikong lugar. Ito lang nag litrato na nakuha namin.”“Mhm.” Sagot ni James habang sinusuri ang litrato.Pangalan: Yasser LeonardPalayaw: RodentEdad: Halos 146 taong gulangIpinanganak sa Westborough City ng Sol. Naulila sa murang edad, nagkataon na nakuha niya ang Internal Martial Arts cultivation method at naging martial artist. Noong mga panahon ng defensive war kalaban ang mga foreginer,
“Oo nga pala, tulungan mo ako hanapin ang isa pang tao.”“Ang stepfather ni Delilah?” tanong ni Archbishop Polaris.Matapos imbestigahan ang tungkol dito, napagalaman niya ang tungkol sa pagkatao ni Delilahat James. Mayroon siyang insider information.“Mhm.” Tumango si James at sinabi, “Ang stepfather ni Delilah, si Xavion Zachary. Gusto ko siya makita, patay o buhay. Kung hindi mo siya mahanap, subukan mo hanapin ang mga dokumento sa mga kamay niya.”“Susubukan ko.”Hindi kayang masiguro ni Archbishop Polaris kung may mahahanap siya. Sapagkat alam niyang marami na ang sumubok at nabigo.“Hindi ko maintindihan, James. Ganoon ba talaga kahanga-hanga ang technology na nasa kamay ni Xavion? Bakit siya hinahanap ng lahat?”Nagkibit balikat si James at sinabi, “Hindi ko din alam. Hindi ako nagtatrabaho doon. Pero, base sa impormasyon na nakuha ko, isa itong ground-breaking technological breakthrough. Kung mangyayari ito, napakalaking hakbang nito patungo sa bagong panahon.”“Huwag natin mad