Natahimik si Henry at nagpatuloy sa pagmamaneho patungo sa airport.Hindi nagtagal, dumating sila at bumili ng tatlong ticket papuntang Utarbergh.Naka-black hat at oversized na sunglasses si Yelena habang naghihintay sa boarding gate, pero hindi iyon sapat para maitago ang dismayadong tingin niya.Bilang princessni Durandal, hindi na niya kinailangan pang maghintay para makasakay ng eroplano.“Bakit kailangan pang sumakay ng commercial plane kung may private plane naman ako? Isa pa, bakit kailangan kong magbihis ng boring? Hindi nakikita ng mga tao ang aking mga maselang feature dahil sa mga masalimuot na accessory na ito. Walang pumapansin sa akin."Hindi na lang pinansin ni James ang palagi niyang pag-aagaw.Kung hindi dahil sa posibleng mawalan siya ng pagkakataon na gamitin ang mga opisyal na network ng impormasyon ni Durandal sa hinaharap, hindi siya mag-abala na aliwin ang princess ni Durandal at isama ito sa kanila. Wala rin siyang magandang dahilan para iwan siya.Haban
“Hoy, gaano pa ba tayo kalayo maglalakad?”Nakasuot ng high heels si Yelena at hindi na niya kaya. Nag squat siya sa sahig at hindi na gustong maglakad pa.Nagreklamo siya, “Bakit pa natin kailangan maglakad kung puwede naman tayo magsasakyan?”“Malapit na tayo. Ikuha kita ng taxi para dalin ka sa hotel at makapagpahinga?”Matapos niya marinig ang mga salitang iyon, tumayo si Yelena.“Hindi!”Naglakad siya palapit kay James, sumimangot, at sinabi, “Huwag na huwag mong isipin na iwan ako!”Matapos maglakad ng malayo, makikita sa hindi kalayuan ang villa district.Sa puntong ito, ang ilang mga mersenaryong nakasuot ng camouflage uniforms at armado ng mga armas ay sumugod papunta sa kanila at humarang sa daan.Matapos makita ang mga taog pasugod sa kanila, napukaw ang atensyon ni Yelena.“Wow! Mga mersenaryo sila.”Si Yelena ang Prinsesa ng Durandal at nakaranas na ng iba’t ibang klase ng mga pangyayari. Kaysa matakot, nasabik siya sa nakikita niya.“Sino kayong tatlo?”Isang lalake ang l
Kuminang ang mga mata ni Yelena habang humahanga.Alam niyang malakas si James pero hindi niya alam na ganito siyang kalakas.Napatumba niya ang dose-dosenang mga mersenaryo sa isang iglap, napahiga na lang sila sa sakit at hindi na makabangon.Lumapit siya at tumabi kay James. Nakangiti siya ng malapad. “Hindi ko inaasahan na ganito ka kalakas.”Ngumiti lang ng kaunti si James bilang sagot.Bigla, may naalala siya at tumalikod, sumenyas sa ere.Ang Blade of Justice na nasa sahig ay agad na lumipad patungo sa kanya. Nasalo niya ang espada at sinabi, “Tara at makipagkita na tayo kay Mr. Woods.”Nagpatuloy si James sa paglalakad.Matapos umalis, ang isa sa mga mersenaryo ay nakabangon at inilabas ang phone niya para tumawag.“Mr. Woods, ang founder ng Dragon Palace, na si James, ay napatumba ang karamihan sa mga tao ko at papasok na siya.”Isang matangkad na maitim na lalake ang umupo sa sa sofa.Matapos marinig ang ulat ng tagasunod niya, ngumisi siya at bumulong, “Interesting. Wala pa
Bago pa siya matapos sa sinasabi niya, ang caucasian na lalake ay tumalsik.Kasabay nito, ang lahat ng mga mersenaryo sa paligid ay tumumba sa sahig.Isang malakas na puwersa ang nagmula kay James at nagpatumba sa mga kalaban niya.Pati ang mga sniper na nasa high ground ay bumagsak din sa sahig at hindi makaipon ng lakas para bumangon.Hinatak ni James ang enerhiya niya at tinignan ang caucasian na lalake sa sahig, na sumisigaw sa sakit.Naglakad siya palapit at tinapakan ang mukha ng caucasian na lalake habang kalmadong sinasabi, “Mataas ang tingin ko sa abilidad ni Zyaire, kaya gusto ko siya makita. Bumangon ka at ihatid mo ako sa kanya.”Sa oras na ito, isang bugso ang namuo sa puso ng caucasian na lalake.Anong nangyari?Hindi niya maintindihan kung anong nangyari ilang segundo lang ang nakararaan.Sino ba itong tao na nasa harapan niya? Diyos ba ito?Nabigla din si Henry sa lakas ni James.Alam niyang eighth-rank grandmaster si James pero hindi niya alam kung gaano siya kalakas.
Marami ng pinagdaanan na mahihirap na mga sitwasyon si Zyaire.Ngunit, hindi pa niya nakikita ang eksanang pinagdaanan niya.Paano nagawa ng isang tao na hulihin ang bala sa pagitan ng mga daliri niya?Tao pa ba ang lalakeng ito?Nagsimula siyang pagpawisan sa noo niya.Katabi ni James ay si Yelena na sumulyap kay James at napaisip.Matapos ang ilang sandali, naayos ni Zyaire ang sarili niya at tinignan niya si James. Kinilabutan siya at nanginig na tila nakatingin sa demonyo.Sa oras na ito, hindi siya naglakas ng loob na magpadalos-dalos at mabilis na sumagot ng magalang. “M-Mr. Caden, sino po ang gusto mo imbestigahan?”Inilabas ni James ang litrato ni Delilah, inilagay sa lamesa, at inilapit ito habang sinasabi, “Hinahanap ko ang babaeng ito. Ang pangalan niya ay Delilah Kimberly, mula siya sa Sol. Tumungo siya sa Eyrothia dalawang buwan na ang nakararaan at nahuli sa isang maliit na bansa na nangngangalang Simzerdon sa border ng Durandal. Hindi pa din alam kung nasaan siya.”“M-Ma
Sa oras na tumayo siya, naramdaman niya ang matinding sakit sa buong katawan niya. Hinawakan niya ang dibdib niya habang nasasaktan.Matapos ang ilang segundo, nabawasan ng kaunti ang sakit.Lumabas siya ng pinto patungo sa hardin at binuksan ang gate.Nakatayo sa labas nito ay isang babae na payat, maganda at may mahabang brown na buhok na naka ponytail. Sa kamay ng bisitang ito ay isang pack ng mga medisina.Sinulyapan ni Thea si Maxine at sinabi, “Tuloy ka.”Naglakad si Maxine at sinundan si Thea sa living room.Ibinaba niya ang medisina sa lamesa at sinabi, “Ito ay medisina na gawa ng mga nakatatanda sa Cadens. Maganda ang epekto nito sa paghilom ng mga internal injuries.”Naglabas si Maxine ng maliit na puting bote at iniabot kay Thea.“Isa itong medisina na kinuha ko mula sa medicine cabinet ng pamilya. Ginagamit ito specifically para gamutin ang internal injuries.“Salamat.”Nabawasan ang hindi natutuwang itsura ni Thea pero nanatili ang dating na malayo siya.“Pero, hindi epek
“Medical Valley?”Naalala ni Thea na binanggit ni Maxine ang Medical Valley. Sa sandaling iyon, nagka-ideya siya na makipagkita sa Medical Saint sa Medical Valley para pagalingin ang sugat niya. Pagkatapos lumitaw ng ideyang ito, kaagad siyang bumalik sa kwarto niya at binuksan ang aparador niya. Binuksan niya ang hidden storage sa loob ng aparador at kinuha ang maskara at damit ng Celestial Sect leader, pati ang Malevolent Sword. Nilagyan ni Thea ang mga gamit sa isang suitcase at nagmadaling umalis. Bumili siya ng plane ticket at nagpunta sa lungsod kung nasaan ang Medical Valley. Hindi nagtagal, lumabas si Maxine sa pinagtataguan niya malapit sa courtyard house ni Thea. Tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Thea at bumulong, "Hindi na mapakali si Thea ngayon. Pupunta ba siya sa Medical Valley para hanapin ang Medical Saint at pagalingin ang mga sugat niya o sa Durandal?" Hindi sigurado si Maxine ngunit isinantabi niya ang ideyang ito. Ang layunin niya sa
Ang matandang lalaking mukhang isang banal na nilalang ay ang Valley Master na tinatawag na Medical Saint. Ang kakayahan niya sa panggagamot ay ang pinakamagaling sa Sol, maski ang mga Caden ay hindi maikukumpara sa kanila. Humakbang paharap ang Medical Saint at hinawakan ang kamao niya, sabay nagsabing, "Pasensya na at natagalan ako para salubungin ka. Maaari ko bang matanong ang dahilan ng pagbisita ng leader ng Celestial Sect sa Medical Valley ngayong araw?" Sa harap ng Celestial Sect leader na sumikat sa ancient martial world, hindi nagtangkang kumilos nang pabalang ang Medical Saint. "Kailangan kong magpagamot." Hindi nagpaligoy-ligoy si Thea at direktang binanggit ang layunin ng pagbisita niya. "Magpagamot?" Nabigla ang Medical Saint. Nanatiling nag-iingat ang mga disipulo ng Medical Valley sa bisita nila. "Oo." Marahang sumagot si Thea, "Nilabanan ko ang Grand Sect Leader, si Simon, sa Mount Thunder Sect. Ginamit niya sa'kin ang isang lumang martial art techn