Ang Medical Saint, na siya ring Valley Master, ay hindi kayang gamutin ang kondisyon ni Thea sa loob ng isang linggo. Kampante siya na mapapagaling niya siya, ngunit aabutin ito ng tatlong taon. "Hindi." Hindi umatras si Thea. "Kailangan mo kong gamutin sa loob ng isang linggo, o sisirain ko ang Medical Valley," utos niya. "Kahit na pagbantaan mong sirain ang Medical Valley at patayin ako, hindi kita magagamot." Huminga nang malalim si Thea para pakalmahin ang sarili niya at humingi ng tawad, "Pasensya ka na. Sumobra ako. May isang linggo lang ako para gamutin ang mga sugat ko. Pagkatapos ng isang linggo, kailangan kong magmadali papunta sa Durandal. Ikaw ang pinakamagaling na medical practitioner sa Sol. Kung maski ikaw ay hindi ako kayang gamutin, sino pa bang makakagawa ng kahit na ano tungkol sa kondisyon ko?" Seryoso ang ekspresyon ng Medical Saint. Kamakailan, may napakaraming usap-usapan tungkol sa Celestial Sect. Pinaparating ng mundo sa labas na isang masamang
Tumango si Thea. Pagkatapos, tumalon siya papunta sa swamp. Kaagad siyang nakaramdam ng matinding lamig sa buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay nasa isang napakalamig na kawalan siya at hindi niya mapigilang manginig sa nagyeyelong tubig. Sa sandaling iyon, nagsimulang bumugso nang mabilis sa mga ugat niya ang dugo sa katawan niya. May malakas na enerhiya ang dugo niya at umikot ito sa katawan niya, na nilabanan ang Cold Energy na pumasok sa katawan niya. Patuloy na lumangoy si Thea nang palalim nang palalim sa latian. Habang lumalalim ang nalalangoy niya, mas bumaba ang temperatura ng tubig. Higit pa roon, kailangan niyang kayanin ang matinding pressure ng tubig. Napakalakas ng pressure ng tubig at mahirap itong kayanin kahit na gamit ang dugo ng Spirit Turtle. Sa wakas ay naintindihan niya kung bakit sinabi ng Medical Saint na maski eighth-ranked grandmaster ay baka hindi kayaning makarating sa ilalim. Pagkatapos gumana ng dugo ng Spirit Turtle sa katawan niya, ma
Napasok si Thea sa kweba habang dumadaan sa batong pader. May malakas na vortex na humila sa kanya papasok sa kweba. Hinimatay si Thea, at nang nagkamalay siya, natagpuan niyang nasa loob na siya ng kweba. Wala siyang ideya kung nasaan siya. Tinignan ni Thea ang paligid niya at sinubukang makahanap ng paraan para makaalis. Naglakad siya papunta sa dulo at napansin niya kaagad na basa ito at nababalot ng lumot. Kung kaya't nagpatuloy siyang umusad nang maingat. Pagkatapos ng maikling paglalakad, nakarating siya sa dulo nito. Nalaman niyang nakakulong siya sa isang maliit na kweba na halos limandaang metro kwadrado kalawak. Napapalibutan ito ng mga batong pader at walang malinaw na daan palabas. "Ito na ang dulo?" Nakatayo si Thea sa madilim at basang kweba habang tumitingin sa paligid. Hinawakan niya ang baba niya at bumulong, "Sa tubig lang ba ang daan palabas dito?" Walang malinaw na labasan at para bang sa tubig lang ang daan niya palabas. Gayunpaman, hindi na m
Isang slate ang nakita sa ilalim ng mga bato. Naalala ni Thea na nakuha rin ni James ang Medical Book Volume Two sa ilalim ng isang estatwa ng ulo ng dragon sa iba pang kweba. Binuksan niya ang slate at nakita ang isang kahon sa ilalim nito. Dinampot ito ni Thea, hinawakan ito, at sinuri. "Paano ko bubuksan to? Kailangan ko ba ang Exalter para buksan ito?" Sa kasamaang palad, walang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng Exalter sa pader na bato. Napaisip siya ulit at naalala niyang nahanap ni James ang Crucifier sa espasyo sa estatwa ng ulo ng dragon. Naghanap si Thea sa mga bato. Gayon na nga, may itim na alambre sa mga bato. Maliban sa kulay, kamukhang-kamukha ito ng Crucifier ni James. Naalala niya kung paano niya itong ginamit para magpatuyo ng underwear nang ikinasal si James sa mga Callahan. Nang maisip ito, namula ang mukha niya at bakas sa mukha niya ang ligaya. Pinaglaruan niya sandali ang Exalter at diniinan ang isang dulo ng itim na alambre kagaya n
Hindi lang makahanap si Zyaier ng impormasyon kay Delilah at mabilis na naintindihan ni James na hindi pangkaraniwang tao ang dumukot sa kanya. Sa kabila ng impluwensya ni Zyaier, hindi pa rin siya makahanap ng kahit na ano tungkol sa kinaroroonan niya. Walang magagawa si James kundi pumunta sa maliit na bansang Simzerdon na nasa borders ng Durandal para mag-imbestiga. Gusto niyang makita kung makakakuha siya ng kahit na anong impormasyon tungkol sa paglaho niya at sa mga taong dumukot sa kanya. "Pumunta tayo sa Simzerdon. Henry, bumili ka kaagad ng tickets," utos ni James. "Sige." Tumango si Henry, kinuha ang phone niya, at bumili ng tickets online. Sumunod si Yelena sa likod ni James. Higit isang araw na niyang kasama si James ngunit hindi pa rin niya alam kung sino ang hinahanap ni James at kung anong ginagawa niya. "Sinong hinahanap mo, James? Sino si Delilah? Importante ba siya sa'yo? Siya ba ang asawa mo?" Sinundan niya si James at patuloy na nagtanong. Mara
Inisip muna ni James ang tungkol dito ng mga ilang sandali.Nung una, ito marahil ay nung may inutusan siya na imbestigahan ito.Ang pangalawa marahil ay ang mga tauhan ni Zyaier. “Sinong kumuha sa kanila?”Nag-isip sandali ang mayordomo at saka sinabi, “Nangyari ito dalawang buwan na ang nakakaraan. Ang pagkakatanda ko ay ika-lima ng Enero nun. Isang gabi, isang away ang naganap sa kwarto nila. Pumunta ako para tingnan ang sitwasyon at nakita ko sila na dinakip ng mga tao na hindi ko kilala.”Tanong ni James, “Anong klase ng tao sila?”“Hindi ko alam. Hindi ko sila nakita ng malinaw.”“Alam mo ba kung ano ang lahi nila?”“Halo-halo silang mga lahi. Ilan sa kanila ay mga Asyano, ilan ay mga Puti, at ilan sa kanila ay mga Negro.”“Meron ka bang mga surveillance camera dito?”“Wala.”…Maraming tinanong si James sa mayordomo. Subalit, ang impormasyon ay walang halaga at hindi importante. “Yelena, i-kansela mo ang transaksyon. Ang mga impormasyon na ito ay walang silbi at
Ang True Demonic Energy ay napakabanayad na Yin energy na natural nang malamig. Ito ay ang malaking kabaliktaran ng Heavenly Breath ni James, na isang purong Yang True Energy. Naisip bigla ni Thea si Cynthia. Ang True Energy ni Cynthia ay may Yin nature rin, at bagay ito sa True Energy ni James. Kaya niyang sanayin ang martial art manual na nakatala sa Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge. Kahit na nag-aalangan siya tungkol sa pagsasanay ng dalawa nang magkasama, hindi niya mapigilan si James na sanayin ang martial arts manual.Kapag nagawa niyang i-cultivate ang Demonic Breath, magagawa na niyang sanayin ang martial art manual na nakatala sa painting kasama si James. Nang maisip niya ito, naging determinado si Thea. Sinubukan niyang sanayin ang Demonic Breath.Ang cultivation method na Demonic Breath ay kagaya ng Heavenly Breath. Pamilyar na si Thea sa Heavenly Breath, at hindi siya nahirapan na gawin ang Demonic Breath. Sinimulan ni Thea na sanayin ang Demonic Breath s
Sa loob ng silid, may ilang mga deboto ng simbahan ang naghanda ng tsaa at binigay sa kanila. Umupo silang tatlo. “Ikinalulungkot ko ngunit limitado ang aming mga kwarto, at kayong tatlo ay kailangan na maghati sa isang kwarto ngayong gabi,” sabi ng matandang lalaki. “Ayos lang, hindi iyon isang problema,” kaswal na sagot ni James. Pagkatapos, tinanong niya, “Siya nga pala, kami ay mula sa Sol at hindi pa narinig ang tungkol sa St. Anne’s Church. Interesado ako sa kultura ng ibang bansa at gusto kong malaman kung pwede mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa kasaysayan ng inyong simbahan?” “Ah, ganun ba? Malalim na ang gabi, kaya kayong tatlo ay dapat nang magpahinga ngayong gabi. Paano kung sabihin ko na lang sa inyo ang tungkol sa aming simbahan bukas ng umaga?”“Sige ba!”Wala nang sinabi pa si James. “Kung ganun, sana naman ay maging mahimbing ang tulog ninyong tatlo. Maiwan ko na kayo.”Ang matandang lalaki na mukhang mahikero na may pulang robe at sombrero ay yumuko