Sa oras na tumayo siya, naramdaman niya ang matinding sakit sa buong katawan niya. Hinawakan niya ang dibdib niya habang nasasaktan.Matapos ang ilang segundo, nabawasan ng kaunti ang sakit.Lumabas siya ng pinto patungo sa hardin at binuksan ang gate.Nakatayo sa labas nito ay isang babae na payat, maganda at may mahabang brown na buhok na naka ponytail. Sa kamay ng bisitang ito ay isang pack ng mga medisina.Sinulyapan ni Thea si Maxine at sinabi, “Tuloy ka.”Naglakad si Maxine at sinundan si Thea sa living room.Ibinaba niya ang medisina sa lamesa at sinabi, “Ito ay medisina na gawa ng mga nakatatanda sa Cadens. Maganda ang epekto nito sa paghilom ng mga internal injuries.”Naglabas si Maxine ng maliit na puting bote at iniabot kay Thea.“Isa itong medisina na kinuha ko mula sa medicine cabinet ng pamilya. Ginagamit ito specifically para gamutin ang internal injuries.“Salamat.”Nabawasan ang hindi natutuwang itsura ni Thea pero nanatili ang dating na malayo siya.“Pero, hindi epek
“Medical Valley?”Naalala ni Thea na binanggit ni Maxine ang Medical Valley. Sa sandaling iyon, nagka-ideya siya na makipagkita sa Medical Saint sa Medical Valley para pagalingin ang sugat niya. Pagkatapos lumitaw ng ideyang ito, kaagad siyang bumalik sa kwarto niya at binuksan ang aparador niya. Binuksan niya ang hidden storage sa loob ng aparador at kinuha ang maskara at damit ng Celestial Sect leader, pati ang Malevolent Sword. Nilagyan ni Thea ang mga gamit sa isang suitcase at nagmadaling umalis. Bumili siya ng plane ticket at nagpunta sa lungsod kung nasaan ang Medical Valley. Hindi nagtagal, lumabas si Maxine sa pinagtataguan niya malapit sa courtyard house ni Thea. Tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Thea at bumulong, "Hindi na mapakali si Thea ngayon. Pupunta ba siya sa Medical Valley para hanapin ang Medical Saint at pagalingin ang mga sugat niya o sa Durandal?" Hindi sigurado si Maxine ngunit isinantabi niya ang ideyang ito. Ang layunin niya sa
Ang matandang lalaking mukhang isang banal na nilalang ay ang Valley Master na tinatawag na Medical Saint. Ang kakayahan niya sa panggagamot ay ang pinakamagaling sa Sol, maski ang mga Caden ay hindi maikukumpara sa kanila. Humakbang paharap ang Medical Saint at hinawakan ang kamao niya, sabay nagsabing, "Pasensya na at natagalan ako para salubungin ka. Maaari ko bang matanong ang dahilan ng pagbisita ng leader ng Celestial Sect sa Medical Valley ngayong araw?" Sa harap ng Celestial Sect leader na sumikat sa ancient martial world, hindi nagtangkang kumilos nang pabalang ang Medical Saint. "Kailangan kong magpagamot." Hindi nagpaligoy-ligoy si Thea at direktang binanggit ang layunin ng pagbisita niya. "Magpagamot?" Nabigla ang Medical Saint. Nanatiling nag-iingat ang mga disipulo ng Medical Valley sa bisita nila. "Oo." Marahang sumagot si Thea, "Nilabanan ko ang Grand Sect Leader, si Simon, sa Mount Thunder Sect. Ginamit niya sa'kin ang isang lumang martial art techn
Ang Medical Saint, na siya ring Valley Master, ay hindi kayang gamutin ang kondisyon ni Thea sa loob ng isang linggo. Kampante siya na mapapagaling niya siya, ngunit aabutin ito ng tatlong taon. "Hindi." Hindi umatras si Thea. "Kailangan mo kong gamutin sa loob ng isang linggo, o sisirain ko ang Medical Valley," utos niya. "Kahit na pagbantaan mong sirain ang Medical Valley at patayin ako, hindi kita magagamot." Huminga nang malalim si Thea para pakalmahin ang sarili niya at humingi ng tawad, "Pasensya ka na. Sumobra ako. May isang linggo lang ako para gamutin ang mga sugat ko. Pagkatapos ng isang linggo, kailangan kong magmadali papunta sa Durandal. Ikaw ang pinakamagaling na medical practitioner sa Sol. Kung maski ikaw ay hindi ako kayang gamutin, sino pa bang makakagawa ng kahit na ano tungkol sa kondisyon ko?" Seryoso ang ekspresyon ng Medical Saint. Kamakailan, may napakaraming usap-usapan tungkol sa Celestial Sect. Pinaparating ng mundo sa labas na isang masamang
Tumango si Thea. Pagkatapos, tumalon siya papunta sa swamp. Kaagad siyang nakaramdam ng matinding lamig sa buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay nasa isang napakalamig na kawalan siya at hindi niya mapigilang manginig sa nagyeyelong tubig. Sa sandaling iyon, nagsimulang bumugso nang mabilis sa mga ugat niya ang dugo sa katawan niya. May malakas na enerhiya ang dugo niya at umikot ito sa katawan niya, na nilabanan ang Cold Energy na pumasok sa katawan niya. Patuloy na lumangoy si Thea nang palalim nang palalim sa latian. Habang lumalalim ang nalalangoy niya, mas bumaba ang temperatura ng tubig. Higit pa roon, kailangan niyang kayanin ang matinding pressure ng tubig. Napakalakas ng pressure ng tubig at mahirap itong kayanin kahit na gamit ang dugo ng Spirit Turtle. Sa wakas ay naintindihan niya kung bakit sinabi ng Medical Saint na maski eighth-ranked grandmaster ay baka hindi kayaning makarating sa ilalim. Pagkatapos gumana ng dugo ng Spirit Turtle sa katawan niya, ma
Napasok si Thea sa kweba habang dumadaan sa batong pader. May malakas na vortex na humila sa kanya papasok sa kweba. Hinimatay si Thea, at nang nagkamalay siya, natagpuan niyang nasa loob na siya ng kweba. Wala siyang ideya kung nasaan siya. Tinignan ni Thea ang paligid niya at sinubukang makahanap ng paraan para makaalis. Naglakad siya papunta sa dulo at napansin niya kaagad na basa ito at nababalot ng lumot. Kung kaya't nagpatuloy siyang umusad nang maingat. Pagkatapos ng maikling paglalakad, nakarating siya sa dulo nito. Nalaman niyang nakakulong siya sa isang maliit na kweba na halos limandaang metro kwadrado kalawak. Napapalibutan ito ng mga batong pader at walang malinaw na daan palabas. "Ito na ang dulo?" Nakatayo si Thea sa madilim at basang kweba habang tumitingin sa paligid. Hinawakan niya ang baba niya at bumulong, "Sa tubig lang ba ang daan palabas dito?" Walang malinaw na labasan at para bang sa tubig lang ang daan niya palabas. Gayunpaman, hindi na m
Isang slate ang nakita sa ilalim ng mga bato. Naalala ni Thea na nakuha rin ni James ang Medical Book Volume Two sa ilalim ng isang estatwa ng ulo ng dragon sa iba pang kweba. Binuksan niya ang slate at nakita ang isang kahon sa ilalim nito. Dinampot ito ni Thea, hinawakan ito, at sinuri. "Paano ko bubuksan to? Kailangan ko ba ang Exalter para buksan ito?" Sa kasamaang palad, walang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng Exalter sa pader na bato. Napaisip siya ulit at naalala niyang nahanap ni James ang Crucifier sa espasyo sa estatwa ng ulo ng dragon. Naghanap si Thea sa mga bato. Gayon na nga, may itim na alambre sa mga bato. Maliban sa kulay, kamukhang-kamukha ito ng Crucifier ni James. Naalala niya kung paano niya itong ginamit para magpatuyo ng underwear nang ikinasal si James sa mga Callahan. Nang maisip ito, namula ang mukha niya at bakas sa mukha niya ang ligaya. Pinaglaruan niya sandali ang Exalter at diniinan ang isang dulo ng itim na alambre kagaya n
Hindi lang makahanap si Zyaier ng impormasyon kay Delilah at mabilis na naintindihan ni James na hindi pangkaraniwang tao ang dumukot sa kanya. Sa kabila ng impluwensya ni Zyaier, hindi pa rin siya makahanap ng kahit na ano tungkol sa kinaroroonan niya. Walang magagawa si James kundi pumunta sa maliit na bansang Simzerdon na nasa borders ng Durandal para mag-imbestiga. Gusto niyang makita kung makakakuha siya ng kahit na anong impormasyon tungkol sa paglaho niya at sa mga taong dumukot sa kanya. "Pumunta tayo sa Simzerdon. Henry, bumili ka kaagad ng tickets," utos ni James. "Sige." Tumango si Henry, kinuha ang phone niya, at bumili ng tickets online. Sumunod si Yelena sa likod ni James. Higit isang araw na niyang kasama si James ngunit hindi pa rin niya alam kung sino ang hinahanap ni James at kung anong ginagawa niya. "Sinong hinahanap mo, James? Sino si Delilah? Importante ba siya sa'yo? Siya ba ang asawa mo?" Sinundan niya si James at patuloy na nagtanong. Mara