Kabanata 1373
Bago pa siya matapos sa sinasabi niya, ang caucasian na lalake ay tumalsik.

Kasabay nito, ang lahat ng mga mersenaryo sa paligid ay tumumba sa sahig.

Isang malakas na puwersa ang nagmula kay James at nagpatumba sa mga kalaban niya.

Pati ang mga sniper na nasa high ground ay bumagsak din sa sahig at hindi makaipon ng lakas para bumangon.

Hinatak ni James ang enerhiya niya at tinignan ang caucasian na lalake sa sahig, na sumisigaw sa sakit.

Naglakad siya palapit at tinapakan ang mukha ng caucasian na lalake habang kalmadong sinasabi, “Mataas ang tingin ko sa abilidad ni Zyaire, kaya gusto ko siya makita. Bumangon ka at ihatid mo ako sa kanya.”

Sa oras na ito, isang bugso ang namuo sa puso ng caucasian na lalake.

Anong nangyari?

Hindi niya maintindihan kung anong nangyari ilang segundo lang ang nakararaan.

Sino ba itong tao na nasa harapan niya? Diyos ba ito?

Nabigla din si Henry sa lakas ni James.

Alam niyang eighth-rank grandmaster si James pero hindi niya alam kung gaano siya kalakas.

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP