Tumayo si James at sinabi niya ng nakangiti. “Aalis na ako. Tawagan mo ako kung may kailangan ka pa.”Tumayo si Callan at hinatid niya palabas si James.Pagkatapos umalis ni James sa bahay ni Callan, dumiretso siya sa bahay ng mga Caden.Hindi nagtagal, dumating siya sa gate ng mga Caden.Nang makita ng mga guard si James, napahinto sila bago nila binati ng magalang si James, “Emperor.”Noon, ang mga Caden—pati na ang mga katulong, mga guard, at ang iba—ay mababa ang tingin kay James. Simula noong naganap ang Mount Thunder Conference, ang pangalan at katayuan ni James ay kumalat na sa mundo ng ancient martial arts. Walang kahit sino na ang pwedeng maliitin siya ngayon.“Nandito ba si Maxine?”“Nasa labas ang pinuno ng pamilya.”“Sige pala, maghihintay ako sa loob.”Naglakad si James patungo sa courtyard ng mga Caden. Kasabay nito, nilabas niya ang kanyang phone at tumawag siya kay Maxine.Sa mga sandaling ito, si Maxine ay nasa isang business conference sa Capital.Nang maki
Malalim ang iniisip ni Maxine.Ang Capital ang core at economic lifeline ng Sol. Ang mga kilos ni James ay hindi lang makakaapekto sa isang kumpanya o isang conglomerate. Walumpung porsyento ng mga kumpanya at conglomerate sa Sol ay maaapektuhan. “Ito ang palagay ko, James.” Pagkatapos itong pag isipan, sinabi ni Maxine, “Kahit na sumama ang mga Caden sa pagsuyo sa mga conglomerate na may malinis na background, hindi garantisado na mahaharap natin ng maayos ang sitwasyon. Tutal, kapag kapakanan lang ang layunin, imposible para magsama sama tayo ng iisa.”Nakinig ng mabuti si James. Kaunti lang ang alam niya tungkol sa sinasabi ni Maxine.Nagpatuloy si Maxine, “Bakit hindi tayo mismo ang magtayo ng conglomerate o isang Chamber of Commerce at hilahin natin ang mga negosyong ‘yun? Sa pagsama sama ng pwersa kasama ang mga kumpanya, maging mga SME o malalaking conglomerate, doon lang natin mahaharap ng maayos ang sitwasyon. Kung hindi, magkakagulo sa Sol, at siguradong magkakaroon ng p
“Gusto kita, James. Gagawin ko ang lahat para sayo at tutulungan kita sa lahat ng makakaya ko. Para sayo, kokontrolin ko ang mga Caden at kukuha ako ng mga kakampi sa pulitika para tulungan kang makaangat sa eleksyon. Magkakampanya ako para sayo at tutulungan kitang umakyat sa trono ng King.”Habang nagsasalita siya, mas nababalisa siya.Sa mga sandaling ito, malalim ang iniisip ni James. Lumabas ang mga imahe sa kanyang isip—malawak na teritoryo, maraming mga magagandang babae, at ang tanawin sa gabi ng isang maunlad na Sol—lahat ay sa kanya.Natakot siya sa imahe na ito, mabilis niyang nag catalyze ng Ataraxia para iklaro ang kanyang isip. Halos agad na naklaro ang isip niya, at ang mga ideyang ito ay nabaon na sa dulo ng isip niya.Kumalma siya.Yakap pa rin siya ni Maxine.“I—Ikaw…!” Ang tunog ng isang gulat na boses, pumasok si Thea.Pagkatapos umalis ni James nitong umaga, nanatili siya sa bahay ng ilang oras. Dahil naiinip siya, binisita niya si maxine para humanap ng mak
Binuksan ni James ang pinto at tumalon papunta sa passenger seat. Inapakan ni Thea ang gas at wala siyang intensyong tumigil. Hindi siya nag-aalala sa kaligtasan ni James. Sinagot niya siya nang nakita niya siya sa passenger seat, "Anong ginagawa mo rito? Bakit di mo hanapin si Maxine?" "Thea, nagkakamali ka lang ng pagkakaintindi," paliwanag ni James. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya ngayong araw. Binisita ko siya para pag-usapan ang susunod naming plano. Bigla na lang, nagbago ang ugali niya at nagsimula siyang magsabi ng kakaibang bagay. Sa huli, niyakap pa niya ako nang mahigpit…" Kwinento ni James ang sunod-sunod na pangyayari. Kahit na galit si Thea, nakinig siya sa kanya nang maigi. Nang marinig niyang nagtapat si Maxine kay James, sumimangot si Thea. "Naguluhan ako. Lumitaw sa utak ko ang kakaibang mga imahe, pero mabilis kong ginamit ang Ataraxia para pigilan ang mga yun. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya naitulak palayo sa tamang oras. "Thea,
"Ikaw ang commander-in-chief ng Red Flame Army at mabuting kaibigan ng Blithe King. Ang ama ni Whitney Walker—ng girlfriend ni Henry—ay ang Centurion ng Northern Border. Nakakatakot ang mga koneksyon mo. "Kontrolado mo na ngayon ang karamihan sa forces ng Sol. Sino pang magtatangkang sumuway sa kagustuhan mo kung gugustuhin mong maging Hari? "Para naman sa ancient martial world, may suporta ka ni Maxine, ang family head ng mga Caden. Hindi lang yun, malapit mo ring kaibigan si Jackson Cabral, ang Sect Leader ng Mount Thunder Sect. Nasa'yo rin si Callan sa Capital para tulungan ka. "Maski ang kalangitan ay hinihiling kang maging Hari," sabi ni Thea. Kinamot ni James ang ilong niya at nagsabing, "Mukha nga. Pero hindi talaga ako interesadong maging Hari. Kapag mas malaki ang awtoridad, mas malaki ang responsibilidad na kasama nito. Sa tingin ko hindi ko kayang pamunuan nang maayos ang bansang ito." Habang nakasandal sa upuan, bumunot siya ng sigarilyo at sinindihan ito.
Dahil ayos lang ang lahat kay Thea, gumaan ang loob ni James. Gayunpaman, pinaalalahanan niya pa rin si Thea, "Kahit na anong mangyari, dapat ka pa ring mas mag-ingat. Iniisip ko pa ring dapat itapon mo na ang espadang yan." "Ayos lang ang lahat, Darling." Tumayo si Thea at hinawakan ang Malevolent Sword, sabay sabing, "Matalas at hindi nasisira ang espadang ito. Kaya pa nitong humiwa ng bakal nang napakadali." Tumingin si James kay Thea. Kahit na siya pa rin ang Thea na kilala niya mula sa panlabas, kakaiba ang mga salita niya para kay James. 'Akala ko ba mahilig ang mga babae sa magagandang damit o cosmetic products. Bakit masyado siyang interesado sa isang malamig na espada?' Gayunpaman, isinantabi niya ang mga kaisipang iyon. "Thea, balak kong sabihan si Quincy na pumunta sa Capital at bumuo ng Chamber of Commerce. Pagkatapos, hihilahin natin ang mga negosyo para maayos ang magulong sitwasyon na maaaring mangyari." Binanggit ito ni James kay Thea. Kung tatanggihan
Ang mga pambihirang bagay na ito ay lumitaw sa isipan niya kahit na tuluyan na niyang naintindihan ang Ataraxia. Hindi niya maisip kung anong mangyayari sa mga grandmaster na ginamit ang Spirit Turtle core nang hindi natututo ng Ataraxia. Huminga siya nang malalim at dinampot ang Malevolent Sword. Pagkatapos, tumayo siya at umalis para magmaneho papunta sa Cadens' residence. Pagkatapos umalis ni James, nakaupo si Maxine sa sala nang tulala sa pag-iisip. Hindi nagtagal, lumipas ang isang oras na parang bula. Pinakalma niya lang ang sarili niya nang nakarinig siya ng mga papalapit na yabag. Tinaas niya ang mukha niya at nakasalubong niya ang titig ni Thea. Nang nakita niya ang pagdating ni Thea, hindi na jgla si Maxine. Nang kalmado at walang ekspresyon, tinuro niya ang sofa at nagsabing, "Maupo ka." Umupo si Thea at nilapag ang Malevolent Sword sa mesa. Habang nakatingin sa Malevolent Sword, bahagyang ngumisi si Maxine. "Alam mo bang darating ako?" Tumingin si Thea sa
Hindi nagulat si Maxine sa pagdating ni Thea. Base sa kalkulasyon niya, tiyak na pupunta rito si Thea para harapin siya dahil alam na niya ang tungkol sa pagkatao ni Thea bilang Sect Leader ng Celestial Sect. Sa kasalukuyang prestihiyo at lakas ni Thea, paano siya uupo na lang habang pinapanood ang pinakamamahal niya na yakapin ng ibang babae? Pero ngayon, nahirapan siyang intindihin ang pag-iisip ni Thea. "Wala lang yun." Marahan niyang sagot. "Nagpunta ako rito para sabihan kang tulungan si James sa abot ng makakaya mo. Kung may kapangyarihan akong gawin kang family head ng mga Caden, kaya rin kitang tanggalin sa posisyon mo." Pagkatapos, tumayo siya at umalis. Nang nakarating siya sa pinto, huminto siya at lumingon kay Maxine. "Siya nga pala, wag mo nang akitin ang asawa ko. Kung hindi, wag mo kong sisihin sa susunod na mangyayari." Pagkatapos niyang sabihin yan, tumalikod siya para umalis. Habang pinanood ni Maxine ang paalis na anyo ni Thea, naging seryoso ang