Kabanata 1321
”Sino ang gusto mong kandidato para sa King?” Ang tanong ni James.

Pagkatapos mag isip ng matagal, sinabi ng King, “Noong una, ikaw.”

“Ako?”

Napahinto si Kames.

“Oo.”

Nagpatuloy ang King, “Noong sinetup ka ng dating Emperor, plano ko na ipakita sayo ang mundo ng pulitika. Pero, maraming nangyari pagkatapos, at napagtanto ko na kahit isa kang mabuting heneral, wala kang kwalipikasyon para maging isang leader.”

Kinamot ni James ang noo niya at tinanong niya, “Paano naman ngayon?”

Pumalakpak ang King.

May pumasok na isang lalaking nasa kwarentang taon ang edad at 180 sentimetro ang tangkad. May suot siyang itim na suit, at mataas ang kanyang charis.a

“King… Emperor…” Ang magalang na bati ng lalaki sa dalawa.

Ipinaliwanag ng King. “Si Mr. Zander ang Deputy Director General ng Sol.”

“Mhm.” Tumango ng mahina si James.

Dahil inutos ng King kay Mr. Zander na pumasok sa sandaling ito, siya siguro ay gustong kandidato nito para sa posisyon ng King.

Nagpatuloy ang King, “Magkakaroon
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP