Ang mga pambihirang bagay na ito ay lumitaw sa isipan niya kahit na tuluyan na niyang naintindihan ang Ataraxia. Hindi niya maisip kung anong mangyayari sa mga grandmaster na ginamit ang Spirit Turtle core nang hindi natututo ng Ataraxia. Huminga siya nang malalim at dinampot ang Malevolent Sword. Pagkatapos, tumayo siya at umalis para magmaneho papunta sa Cadens' residence. Pagkatapos umalis ni James, nakaupo si Maxine sa sala nang tulala sa pag-iisip. Hindi nagtagal, lumipas ang isang oras na parang bula. Pinakalma niya lang ang sarili niya nang nakarinig siya ng mga papalapit na yabag. Tinaas niya ang mukha niya at nakasalubong niya ang titig ni Thea. Nang nakita niya ang pagdating ni Thea, hindi na jgla si Maxine. Nang kalmado at walang ekspresyon, tinuro niya ang sofa at nagsabing, "Maupo ka." Umupo si Thea at nilapag ang Malevolent Sword sa mesa. Habang nakatingin sa Malevolent Sword, bahagyang ngumisi si Maxine. "Alam mo bang darating ako?" Tumingin si Thea sa
Hindi nagulat si Maxine sa pagdating ni Thea. Base sa kalkulasyon niya, tiyak na pupunta rito si Thea para harapin siya dahil alam na niya ang tungkol sa pagkatao ni Thea bilang Sect Leader ng Celestial Sect. Sa kasalukuyang prestihiyo at lakas ni Thea, paano siya uupo na lang habang pinapanood ang pinakamamahal niya na yakapin ng ibang babae? Pero ngayon, nahirapan siyang intindihin ang pag-iisip ni Thea. "Wala lang yun." Marahan niyang sagot. "Nagpunta ako rito para sabihan kang tulungan si James sa abot ng makakaya mo. Kung may kapangyarihan akong gawin kang family head ng mga Caden, kaya rin kitang tanggalin sa posisyon mo." Pagkatapos, tumayo siya at umalis. Nang nakarating siya sa pinto, huminto siya at lumingon kay Maxine. "Siya nga pala, wag mo nang akitin ang asawa ko. Kung hindi, wag mo kong sisihin sa susunod na mangyayari." Pagkatapos niyang sabihin yan, tumalikod siya para umalis. Habang pinanood ni Maxine ang paalis na anyo ni Thea, naging seryoso ang
Nalugi ang korporasyon dahil nakagawa ito ng isang research breakthrough sa isang teknolohiya. Napansin ito ng Tuckson family at nilugi ito. Sa kabilang banda, ang may-ari ng korporasyon, si Xavion Zachary, ay naglaho.Base sa kung paanong nagpatuloy ang mga Tuckson sa panggugulo kay Delilah, buhay pa si Xavion. Nagtatago lang siya kasama ng teknolohiya na binuo ng korporasyon niya. "Sige, gagawin ko na ngayon din." Tumango si Henry at nagmadaling umalis sa opisina. Pagkatapos niyang umalis, ginamit ni Henry ang awtoridad ng Red Flame Army para simulang mag-imbestiga sa Blue Tech Corporation. Hindi rin umalis si James at nagbigay sa military region headquarters. Naghintay siya nang dalawang oras. Pagkatapos ng dalawang oras, bumalik si Henry dala ang isang dokumento. Iniabot niya ito kay James at nagsabing, "Mr. Caden, ito ang lahat ng impormasyon ng Blue Tech Corporation, kasama ang detalyadong impormasyon tungkol sa may-ari ng Blue Tech Corporation." "Sige." Kinuha ito ni
Tinulak ni Halvor ang bakal na gate at galit na sumigaw. Kahit na matandang-matanda na siya, malinaw at malakas ang boses niya. Para subukang makalabas, sinubukan niyang alugin nang malakas ang bakal na gate, ngunit nanatili itong hindi natitinag. Bahagyang ngumisi si James habang tinignan niya ang galit na si Halvor sa kulungan. "Halvor, hindi mo pa rin ba ang kasalukuyan mong sitwasyon sa puntong ito? Naniniwala ka ba talaga na itatakas ka ng mga tao sa labas?" Nang sinabi niya iyon, sinensyasan niya ang sundalo sa likuran niya at nagsabing, "Buksan mo ang pinto."Lumapit ang sundalong nasa likuran niya at binuksan ang bakal na pinto. Sa sandaling bumukas ang pinto, tumakbo si Halvor, at itinaas naman kaagad ng sundalong nasa likod ni James ang sandata niya. Kaagad na huminto si Halvor at tinignan si James nang may mukhang puno ng galit. "Umatras ka," malamig na sabi ng sundalo. Umatras si Halvor at pumasok si James sa kulungan. Nagdala ng upuan ang isang Red Flame Ar
Nabigla si Halvor sa mga sinabi ni James. Hindi niya inaasahan na malakas ang loob ni James. “Kaya mo bang akuhin ang kalalabasan ng lahat, James? Nauunawaan mo ba ang kahihinatnan ng pag-atake sa mga taong ito? Sila ay mga opisyal ng Sol na nagpamalas ng pambihirang merito at serbisyo. Kahit na may sala sila, malaki naman ang naiambag nila sa pagtaguyod ng Sol. Magkakagulo sa Sol kapag dinakip sila.”“Hindi mo kailangan alalahanin ang bagay na iyon. May lakas ako ng loob para gawin ito. Natural, meron akong mga estratehiya para asikasuhin ang pagbagsak nila,” walang pakialam na sinabi ni James. Nang marinig niya ito, napaatras si Halvor. Inabot ng ilang segundo si Halvor bago siya kumalma. “Hindi ka mangangahas, James, hindi mo gagawin yun. Hindi mo alam kung gaano ka-komplikado ang sitwasyon. Isa kang ancient martial artist, kaya alam mo ang tungkol sa Orient Commerce. Kapag pinagpatuloy mo ito, hindi ito palalampasin ng Orient Commerce.”“Orient Commerce?” kumunot ang noo ni
”Alam mo ba kung gaano kalaking halaga ng pera ang maidadala nito kapag natapos na ang pagsasaliksik?”“Wala kang alam. Hindi mo lubos na maisip kung gaano kalaki ang kikitain mo dito.”Lalo naging emosyonal si Halvor habang nagsasalita siya. Tumayo siya, tinuro si James, at malakas na sinabi, “James, ang maipapayo ko lang sayo ay pakawalan mo na ako kaagad, kung hindi ay magkakaroon ka ng problema. Isang malaking problema.”Lumingon si James at umalis, at hindi siya pinansin. Pagkatapos niyang umalis, isang sundalo ng Red Flame Army ang kumuha sa upuan at kinandado ang bakal na pinto.“James! Bumalik ka rito!”Mula sa kanyang likuran, ang galit na sigaw ni Halvor ang maririnig.“Pagsisisihan mo to. Tiyak na pagsisisihan mo ito! Hindi mo alam kung gaano kaunlad ang Orient Commerce. Ang lahat ng mga miyembro ay mga malaking tao, at hindi mo sila pwedeng kalabanin.”Nung narinig ni James ang mga salitang ito, bahagyang kumunot ang kanyang noo. Ang mga ancient martial artists ay sa
Huff!Huminga ng malalim si Mr. Lee, pinipilit na pakalmahin ang kanyang sarili.Hindi ngayon ang tamang oras para sisihin ang kahit na sino. Umupo siya at tiningnan ang Hari na nasa tapat niya. “Hindi na natutuwa ang Guro sayo. Gusto nilang sabihin ko sayo na gawin mo ang iyong tungkulin ng maayos sa susunod na anim na buwan at asikasuhin ang succession. Huwag mong abalahin ang iyong sarili sa ibang bagay, at huwag kang mangialam, kung hindi…”Sinabi ni Mr. Lee ang mga salitang ito, pagkatapos ay lumingon at umalis. Naging taimtim ang ekspresyon ng Hari.Mabilis na nakarating si James sa Peace Mansion. Nang makalabas siya ng sasakyan, nakita niya si Mr. Lee na galit na galit na naglalakad. Tiningnan ni Mr. Lee si James at medyo nagulat. Subalit, hindi niya ito binati. Pagkatapos niyang magulantang ng mga ilang sandali, lumingon siya, naglakad palayo, at sumakay sa isang malapit na itim na sasakyan. Habang pinapanood si Mr. Lee, na paalis, hinimas ni James ang kanyang baba at
Sinimulan ng Hari na magsalita tungkol sa Orient Commerce.“Ng mga panahon na iyon, ang bansa ay napag-iwanan na sa bawat aspeto. Marami pa ring mga mahihirap na tao sa sa bansa. Marami ang nilalamig at nagugutom. Wala pang kuryente sa maraming lugar.“Itinatag ni Lance ang Orient Commerce para sa dalawang layunin.“Una sa lahat, nag-aalala siya na baka ang mga ancient martial artists na pinamumunuan ng Ancient Four ay mangialam sa mga suliranin ng bansa. Kaya naman itinatag niya ang Orient Commerce, hinikayat ang mga pamilyang ito at ancient martial artists sa sumali, at pinamunuan sila sa pagyaman. Higit pa doon, gumawa sila ng kasunduan na hindi mangingialam sa mga malaking suliranin ng bansa.“May isa pa itong layunin, at ito ay para gabayan ang mga tao ng bansa sa kasaganaan.“Ang Great four, pati na rin ang ilang mga martial artists, ay lumitaw mula dito at itinaguyod ang kanilang mga sarili sa Capital. Nitong mga nakalipas na ilang dekada, ang ekonomiya ng Sol ay nakaranas