Kabanata 1327
"Ikaw ang commander-in-chief ng Red Flame Army at mabuting kaibigan ng Blithe King. Ang ama ni Whitney Walker—ng girlfriend ni Henry—ay ang Centurion ng Northern Border. Nakakatakot ang mga koneksyon mo.

"Kontrolado mo na ngayon ang karamihan sa forces ng Sol. Sino pang magtatangkang sumuway sa kagustuhan mo kung gugustuhin mong maging Hari?

"Para naman sa ancient martial world, may suporta ka ni Maxine, ang family head ng mga Caden. Hindi lang yun, malapit mo ring kaibigan si Jackson Cabral, ang Sect Leader ng Mount Thunder Sect. Nasa'yo rin si Callan sa Capital para tulungan ka.

"Maski ang kalangitan ay hinihiling kang maging Hari," sabi ni Thea.

Kinamot ni James ang ilong niya at nagsabing, "Mukha nga. Pero hindi talaga ako interesadong maging Hari. Kapag mas malaki ang awtoridad, mas malaki ang responsibilidad na kasama nito. Sa tingin ko hindi ko kayang pamunuan nang maayos ang bansang ito."

Habang nakasandal sa upuan, bumunot siya ng sigarilyo at sinindihan ito.

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP