Sa loob ng Capital, dose dosenang mga tao ang nagtipon sa meeting room ng mansyon ng mga Caden.Umupo si Maxine sa harap.May suot siyang gintong robe, at ang mahabang buhok niya ay nakatali, kita ang kanyang mukha. May suot siyang perlas at bulaklak na accessory sa buhok niya at may makeup siya na nagpaganda lalo sa kanya.“Dear family members, ang layunin ng pagtitipon na ito ngayong araw ay ang pag usapan ang follow-up tungkol sa mga Caden. Si Bennett, ang Grand Patriarch, ay inatake ng pinuno ng pamilya natin, si Tobias, at ang kinaroroonan niya ngayon ay hindi pa nalalaman. Susunod, may dalawang mahalagang bagay tayo na dapat gawin. Una, hanapin ang Grand Patriarch, si Bennett, sa madaling panahon. Pangalawa, hanapin ang pinuno ng pamilya, si Tobias, para makuha ang katotohanan dito sa madaling panahon.”Tumunog ang boses ni Maxine.May dose dosenang mga tao na nagtipon sa meeting room, ngunit walang sumagot sa kanya.Walang kahit sino sa mga tao ang tumanggap kay Maxine bil
Nabigla si Gloom sa balita.Si Maxine, bilang pinuno ng pamilya?Bilang personal bodyguard ng King, may malakas na intelligence network si Gloom sa Capital. Kahit na wala siyang kumpletong impormasyon tungkol sa mga problema ng mga major family sa Capital, halos alam niya ang lahat. Kaya naman, alam niya na hindi kadugo ni Maxine ang mga Caden.Hindi siya makapaniwala na si Maxine ang pinuno ng pamilya.Pagkatapos ng sandaling gulat, tumingin siya kay Maxine at tinanong niya, “Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito? Hindi kaya’t tumanggi ang mga Caden na tanggapin ka bilang pinuno ng pamilya? Gusto mo bang gamitin ang kapangyarihan ng King para palakasin ang posisyon mo sa mga Caden?”Ngumiti si Maxine.Ang pakikitungo sa mga matalinong tao ay nakakabawas sa problema.“Ito ay magiging isang kooperasyon na makakatulong sa atin pareho. Basta’t manatili ako bilang pinuno ng mga Caden, tatayo ako sa tabi ng King at magiging kanyang pinakatapat na partner.” Ang naisip ni Maxine a
Hindi inaasahan ni Maxine na maging pinuno ng pamilya.Ngayon at itinalaga na siya dito, kailangan niyang isipin ang darating na panahon.Ano man ang layunin ni Lorenzo para italaga si Maxine bilang pinuno ng pamilya, kailangan may gawin siya para patibayin ang posisyon siya.Umalis siya para makipagkita kay Yaroslav.Samantala, sumakay na si James sa isang private military plane pabalik sa Cansington.Sa eroplano, hawak ni Thea ang itim na espada.Kumunot ang noo ni James at tinanong niya, “Ito ba ang Malevolent Sword na binanggit ni lolo?”“Oo.” Tumango si Thea.Nagpatuloy si James, “Sinabi ni lolo na isa itong espada na ubod ng kasamaan na kayang magbago ng puso ng isang tao. Kaya nitong kontrolin ang gumagamit nito.”“Hindi.” Umiling ng mabilis si Thea.Sinabi ni Thomas na kapag hinawakan ang espada, magkakaroon ka ng malalim na kagustuhan para pumatay.Gayunpaman, wala siyang kagustuhan na ganito.Tumingin si Thea kay James at pinaliwanag niya, “Honey, hindi ito isang
Nang hindi nila namamalayan, nakarating sa sila sa Cansington Military Region. Nang sumakay si James sa eroplano, itinawag at pinaalam na sa kanila ng Capital Military Region ang pagdating ni James. Bago lumapag ang eroplano, handa na ang Blithe King habang naghihintay kasama ng isang grupo ng tao. Lumapag ang eroplano, bumukas ang pinto ng cabin, at lumabas ang partido ni James. Lumapit ang Blithe King at ang mga kasamahan niya. “James…”Narinig ni James ang boses ng Blithe King nang bumaba siya ng eroplano. Nilapitan ng Blithe King si James at nagsabi nang may masiglang ngiti, "Maligayang pagbabalik sa Cansington, James!"Narinig din ng Blithe King ang tungkol sa sitwasyon sa Mount Thunder Conference. Delikado ang sitwasyon at inakala niyang nasa panganib si James, ngunit nandito siya at nakabalik nang buo. "Yadiel, dahilan mo at salubungin mo si Mr. Caden," tinawag ng Blithe King ang isang binata sa likuran niya. Sa likuran niya, isang binatang nasa dalawampung t
Bahagyang nadismaya si Thea. Hindi niya maintindihan si James. Mga kaibigan niya lang ang mga taong ito. Ngunit, sa halip na umuwi muna sa mga Callahan, mas gugustuhin niya munang makita sila bago ang lahat. Kahit na nainis siya, nanatili siyang tahimik. Umandar papalapit sa kanya ang isang military vehicle at bumaba ang isang sundalo. Sumaludo siya at sumigaw, "Dragon King, sumakay kayo sa kotse. Ihahatid ko kayo." "Mhm." Hindi tumanggi si James at sumakay sa kotse. Pinadala ng military vehicle si James sa villa district kung nasaan ang villa ni Cynthia. Hindi nagtagal, lumitaw sila sa pintuan ng villa ni Cynthia. Pinindot ni James ang doorbell. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at ilang babae ang sumugod palabas ng pinto papunta sa gate. Bumukas ang bakal na gate. “James!”“James…”Tumingin sina Quincy, Tiara at Cynthia kay James nang may ligaya sa mga mukha nila. Akala nila ay hindi na makakabalik si James para sa bagong taon at nag-aalala sila sa kaligtasan
Sinimulang ipaliwanag ni Callan ang benepisyo ng core. "Sa karamihan, ang mga hayop na nabubuhay nang mas matagal ay nagkakaroon ng biles. Ang biles ay mabibisang tonics para sa martial artists. Pagkatapos itong inumin, tataas nang malaki ang lakas ng isang martial artist. "Para naman sa mga core, mas malaki ang pakinabang nito kumpara sa biles." "Hindi pa ako nakakasalubong ng core ng isang hayop noon, pero nakita ko na ang mga ito sa records." Samantala, isang itim na sasakyan ang dahan-dahang umandar sa daan sa labas ng siyudad sa Cansington. "Finn, mapagkakatiwalaan ba ang balitang ito?" Narinig ang isang boses sa loob ng kotse. Sumandal ang isang lalaking nasa apatnapung taong gulang sa passenger seat. Nakasuot siya ng itim na coat at may makapal na kilay at malalaking mata. "Finn, hindi ito ganun kadali. Baka mamatay tayo kapag pumalpak tayo." Dumiretso ng upo ang lalaking nakasandal sa passenger seat at seryosong sumagot, "Mapagkakatiwalaan man ito o hindi, kaila
Nang marinig ito, ibinalik ni Cynthia ang core kay James. "Kunin mo na'to, James. Mukhang napakahalaga nito. Baka masira ko pa to." Kinuha ito ni James at itinabi ito. "Siya nga pala, bagong taon na bukas. Saan mo balak magdiwang nito, James?" Binago ni Quincy ang usapan at tumingin kay James. "Sa bahay ko, syempre." Tinignan ni Thea si Quincy at hinawakan ang kamay ni James. Mapagmataas niyang tinaas ang mukha niya na para bang inaanunsyo niyang sa kanya si James at hindi na dapat umasa pa si Quincy. Hindi gustong bumalik ni James sa mga Callahan dahil sakim sila sa kapangyarihan. "Hindi ako babalik sa mansyon ng mga Callahan," sabi ni James. "Bakit?" Kaagad na hindi natuwa si Thea. Sabi James, "Tungkol sa opisyal nating relasyon, divorced na tayo, kaya hindi nababagay para sa'kin na bumalik sa mansyon ng mga Callahan. Balak kong hanapin si Newton at magpalipas ng bagong taon kasama niya." May balak si James na hanapin si Newton. Ang pinaka-dahilan nito ay gusto niy
Pagkatapos lumabas ng villa gate, hawak ni Thea ang espada niya sa isang kamay at hawak nang mahigpit ang kamay ni James sa kabila. Natatakot siya na baka tumakbo si James. Sa likod nila, nagtanong si Callan, "Siya nga pala, James, saan mo ko balak na patirahin? Hindi mo naman siguro iniisip na dalhin ako sa villa ng mga Callahan, tama?"Huminto si James. Hindi pa niya naiisip kung saan papatirahin si Callan dahil pambihira ng pagkatao niya. Si Callan ang Supreme Leader ng Gu Sect, at nagrerebelde ang Deputy Commander na si Lucjan. Palihim na sinuhulan ni Lucjan ang karamihan sa malalakas na tao sa Gu Sect. Ang susunod na hakbang ay ang tuluyang pamumunuan ang sect. Hindi magpapahinga si Lucjan hangga't hindi pa patay si Callan. Patuloy siyang magpapadala ng tao para ipapatay siya, o baka siya pa mismo ang personal na kumilos. Nag-isip sandali si James at nagsabing, "Pwede mo kong sundan sa ngayon." "Hindi ka ba natatakot na katukin ka ng mga tao ni Lucjan? Baka pers