Kabanata 1177
Malakas na bumuhos ang niyebe at mabilis nitong natabunan ang mantsa ng dugo sa lapag.

Matiyagang naghintay si James.

Lumipas ang mga oras at dumilim ang langit.

Gayunpaman, hindi pa rin dumarating ang pangalawang grupo ng martial artists.

Sa halip, si Thea ang lumitaw.

Nagpadala si Lucjan ng ilang tao para ihatid si Thea kay James.

Dumating si Thea sa Romsdalen Valley. Kahit na gabi na, nakita niya kaagad si James sa malawak at puting kapaligiran na nakaupo sa isang bato sa malayo. Kasabay nito, napansin niya rin ang isang pares ng magagandang kambal na nakatayo sa likuran ni James.

Kaagad na napuno ng selos ang puso niya.

'Bakit may ibang babae sa tabi ni James?

'Sino ang mga babaeng to?

'Anong relasyon nila kay James?' Tatlong magkakasunod na tanong ang lumitaw sa loob niya.

Napansin rin ni James si Thea at ang ilang tauhan ni Lucjan na nagmumula sa malayo. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya habang tinignan niya silang papalapit.

Nakarating kaagad si Th
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP