May isang linggo pa bago ang Mount Thunder Conference, pero ilang sects at pamilya na ng nagsimula maglakbay papunta sa Mount Thunder Sect. Sa kasamaang palad, hinarang at inatake sila ni James. Ilang Sect Leaders at family heads ang namatay o malubhang nasugatan sa daan. Ang mga tao mula sa mga sect at pamilya na ito ay nagtipon-tipon sa Mount Thunder Sect. Sa galit nila sa mga ginawa ni James, gusto nilang magkaisa at patayin siya nang sama-sama. Nawalan ng leader ang Mount Thunder Sect sa pagkamatay ni Jackson. Pansamantala, ang young lady na si Delainey ang humawak sa pamamahala ng sect. Gayunpaman, isa siyang dalaga na walang karanasan sa ganitong bagay at hindi niya alam kung anong gagawin. "Bakit hindi sumasagot sa'tin ang Mount Thunder Sect? Ngayong nandito na tayo, resonable lang na salubungin tayo ng sect bilang host!" "Sino ang may hawak sa Mount Thunder Sect ngayon?"Nagtanong ang galit na madla. Tumingin si Donovan sa madla at nag-isip nang malalim. Pak
Gayunpaman, naisip na James na mag-uusap-usap ang mga sect na ito at magkakaisa para patayin siya pagkatapos nilang dumating sa Mount Thunder Sect. Tumingin siya kay Bryce na nakatayo sa tabi niya at kalmadong nagtanong, "Marami na akong napatayo na tao. Pwede na ba akong umalis? Kung hindi tayo aalis, ang martial artists na dumating sa Mount Thunder Sect ay magkakaisa at bababa para patayin tayo." Ngumiti si Bryce at nagsabing, "Mahihina lang sila at hindi sila dapat problemahin. Hindi pa lumilitaw ang totoong powerhouses kagaya ng Ancient Four." Ang pakay ni Lucjan ay gamitin ang mga kamay ni James para pahinain ang ilang sects at pamilya at sirain ang reputasyon ni James para wala siyang magawa kundi umasa sa kanila. Nang marinig ito, kumunot ang noo ni James. Noong una, gusto niyang gamitin ito bilang palusot para bumalik at manghingi kay Lucjan ng antidote. Gayunpaman, hindi gumana ang plano niya. Dahil ganun ang sitwasyon, nagpasya siyang manatili pa ng ilang araw.
Daan-daang mga tao ang lumapit ng may nakakatakot na mga aura.Ang nakakatakot nilang mga dating ay sapat na para takutin ang ilan sa mga Caden.“James, pinatay mo ang Valley Master! Hindi ka patatawarin ng Medical Valley!”“James, simula sa araw na to, ikaw ngayon ay kaaway na ng Paragon Martial Arts School!”“Sinusumpa ng Heaven and Earth Sect na papatayin ka namin!”Samu’t saring mga deklarasyon ang maririnig sa paligid.Nang makita niya ang maraming tao, napasimangot si Maxine at binulong, “Gaano karaming tao ba ang pinatay ni James?”Tiningnan ni James ang mga taong palapit mula sa malayo ng may seryosong ekspresyon.Kapag hindi sila umalis, isang matinding labanan ang tiyak na magsisimula, at ayaw niya itong mangyari. Tiningnan niya si Bryce at binulong dito, “May lakas ka pa rin ba ng loob na patayin ang lahat ng mga tao dito ngayon?”Bakas ang pag-aalangan sa mukha ni Bryce, na bihirang makita sa kanya.Ito na ang tamang pagkakataon para patayin si Tobias. Hindi n
”Kahit na sampung metro ang layo, ang pwersa ng Sword Energy ay may sapat na lakas para saktan ang mga tao sa paligid. Talaga ngang ito ang pinakamalakas na Sword Technique sa mundo. Wala nang makakatalo sayo kapag alam mo ang technique na ito! Walang makakalapit!”Ang mga martial artists ay napatingin kay Tobias na puno ng paghanga habang paatras sila.Muling nagpakawala ng isa pang Sword Energy si Tobias habang pababa siya, pahwasiwas niya ng espada niya kay James. Tinaas ni James ang kanyang espada para harangin ang atake.Clank!Nagbanggaan ang dalawang espada, na lumikha ng isang malakas na tunog. Nagbanggaan ang kanilang mga enerhiya at nagdulot ng isang malakas na pagsabog sa paligid. Tumama ito sa mga yelo sa parehong bangin, at biglang bumagsak ang mga yelo pababa ng bundok. Kasabay nito, isang nakakabinging ingay ang umalingawngaw sa buong paligid, nagkaroon ng pagguho, at nabitak ang lupa na para bang lumindol. Ramdam ni James ang nakakatakot na enerhiya na nagmu
Nagulantang, hawak ni Tobias ang kanyang espada at tiningnan si James, na nababalot ng tanso.Anong klase ng martial arts technique ang gamit niya?Ang mga Caden ay may maraming koleksyon ng mga sinaunang kasulatan na naglalaman ng nakalipas na mga pangyayari sa iba’t ibang punto ng kasaysayan. Subalit, wala pa siyang nakitang tala ng martial arts technique na gamit ni James sa alinmang mga sinaunang kasulatan.Tinaas ni Tobias ang kanyang espada, at lalo itong nagniningning.“Tanggapin mo to!”Dumilim ang kanyang mukha, at sumigaw siya, habang pasugod kay James gamit ang kanyang espada.Habang pasugod siya kay James, ang hawak niyang longsword ay nagpakawala ng nakakatakot na Sword Energy.Ang unang Sword Energy!Ang pangalawang Sword Energy!Ang panlimang Sword Energy!Ang pangsampung Sword Energy!Ang panglabing isang Sword Energy!Ang panglabindalawang Swords Energy!Ang labindalawang mga Sword Energy ay kaagad bumulusok.Tinagilid ni Tobias ang kanyang longsword.An
”Ikaw…”Nanlaki ang mga mata ni Tobias dahil sa hindi siya makapaniwala.“Ano?”Ang ekspresyon ng mga martial artists na nanonood sa malayo ay nagbago.Binunot ni James ang kanyang espada, at kasabay nito, mabilis niyang hinampas ang kanyang palad sa dibdib ni Tobias.Kahit na hindi nilakasan ni James ang kanyang atake, tumalsik pa din ang katawan ni Tobias, um ikot sa ere, at bumagsak sa lupa ng ilang daang metro ang layo.Natuwa si James. Tama siya sa hinala niya!“Tara na!”Hindi nangahas na magtagal pa doon si James. Lumingon siya sa kanyang likuran at tinawag si Bryce. Pagkatapos, tumalon siya papunta sa kanila Aphrodite at Venus. Hinawakan niya ang mga ito sa mga kamay ng bawat isa at mabilis na tumalon ng ilan pang mga hakbang sa ere, hanggang sa naglaho sa paningin ng lahat.Nang makita niya na magtagumpay si James na atakihin ng palihim si Tobias, hindi na rin nangahas pa si Bryce na manatili doon at mabilis na tumakas. “Tobias…”“Ama…”“Lolo..” “Mr. Tobias…
Kahit na ang Invincible Body Siddhi ni James ay hindi nbura ng Thirteen Heavenly Swords ni Tobias, ang pwersa naman ng mga atake ni Tobias ay masyadong malakas. Dahil sabay-sabay na tumama sa kanya ang lahat ng labindalawang Sword Energies, masyadong malakas ang pagtama ng mga ito at naging dahilan para magkaroon ng pinsala sa loob ng katawan si James. At nang makabalik siya sa kwarto, hindi na niya ito kinaya at bumulagta na lang sa sahig.Habang hirap na hirap, umupo siya ng pa-lotus posisyon sa sahig at sinimulan gawin ang healing cultivation method na mula sa medical book para pagalingin ang kanyang mga sugat.Kahit na binigyan siya ni Lucjan ng isang healing elixir, walang tiwala sa kanya si James. Kung ikukumpara sa healing elixir, mas pinagkakatiwalaan pa ni James ang medical book. Sinimulan na niyang magpagaling.Samantala, sa sala sa ibaba, ikinuwento ni Bryce ang lahat ng mga nangyari sa Romsdalen Valley. Wala siyang inilihim o pinalampas na anumang detalye.Pagkatap
Medyo nagulantang si James.Sino ba ang mga taong to?Ang Twelve Zodiacs ay nakatingin rin kay James. Muling nagpakilala si Lucjan, “Siya ang tanyag na James, na kamakailan lang ay naging sikat sa buong mundo. Siya ang nakapatay sa pinuno ng Ancient Four, si Tobias Caden. Kahit na bata pa siya, isa na siyang malakas na grandmaster. Bigyan pa siya ng ilan pang dekada, at tiyak na siya ang magiging numero uno sa mundo ng mga martial artists.”“Ikaw pala si James. Marami na akong narinig tungkol sayo.”“Sino pa ba ang hindi nakakarinig tungkol sa Dragon King?”Ang Twelve Zodiacs ay tumayo at binati si James ng sunod-sunod.Tumago rin si James bilang tugon.Pagkatapos, lumapit siya at naupo.Tiningnan niya si Lucjan, na nakaupo, at tinanong dito, “Sinabi sa akin ng kambal na gusto mo daw akong kausapin tungkol sa isang bagay.”Tiningnan ni Lucjan si James at tinanong, “Kamusta na ang iyong mga sugat, James?”Marahan na sinagot ni James, “Pansamantalang nasa ilalim na ito ng aki