”Ikaw…”Nanlaki ang mga mata ni Tobias dahil sa hindi siya makapaniwala.“Ano?”Ang ekspresyon ng mga martial artists na nanonood sa malayo ay nagbago.Binunot ni James ang kanyang espada, at kasabay nito, mabilis niyang hinampas ang kanyang palad sa dibdib ni Tobias.Kahit na hindi nilakasan ni James ang kanyang atake, tumalsik pa din ang katawan ni Tobias, um ikot sa ere, at bumagsak sa lupa ng ilang daang metro ang layo.Natuwa si James. Tama siya sa hinala niya!“Tara na!”Hindi nangahas na magtagal pa doon si James. Lumingon siya sa kanyang likuran at tinawag si Bryce. Pagkatapos, tumalon siya papunta sa kanila Aphrodite at Venus. Hinawakan niya ang mga ito sa mga kamay ng bawat isa at mabilis na tumalon ng ilan pang mga hakbang sa ere, hanggang sa naglaho sa paningin ng lahat.Nang makita niya na magtagumpay si James na atakihin ng palihim si Tobias, hindi na rin nangahas pa si Bryce na manatili doon at mabilis na tumakas. “Tobias…”“Ama…”“Lolo..” “Mr. Tobias…
Kahit na ang Invincible Body Siddhi ni James ay hindi nbura ng Thirteen Heavenly Swords ni Tobias, ang pwersa naman ng mga atake ni Tobias ay masyadong malakas. Dahil sabay-sabay na tumama sa kanya ang lahat ng labindalawang Sword Energies, masyadong malakas ang pagtama ng mga ito at naging dahilan para magkaroon ng pinsala sa loob ng katawan si James. At nang makabalik siya sa kwarto, hindi na niya ito kinaya at bumulagta na lang sa sahig.Habang hirap na hirap, umupo siya ng pa-lotus posisyon sa sahig at sinimulan gawin ang healing cultivation method na mula sa medical book para pagalingin ang kanyang mga sugat.Kahit na binigyan siya ni Lucjan ng isang healing elixir, walang tiwala sa kanya si James. Kung ikukumpara sa healing elixir, mas pinagkakatiwalaan pa ni James ang medical book. Sinimulan na niyang magpagaling.Samantala, sa sala sa ibaba, ikinuwento ni Bryce ang lahat ng mga nangyari sa Romsdalen Valley. Wala siyang inilihim o pinalampas na anumang detalye.Pagkatap
Medyo nagulantang si James.Sino ba ang mga taong to?Ang Twelve Zodiacs ay nakatingin rin kay James. Muling nagpakilala si Lucjan, “Siya ang tanyag na James, na kamakailan lang ay naging sikat sa buong mundo. Siya ang nakapatay sa pinuno ng Ancient Four, si Tobias Caden. Kahit na bata pa siya, isa na siyang malakas na grandmaster. Bigyan pa siya ng ilan pang dekada, at tiyak na siya ang magiging numero uno sa mundo ng mga martial artists.”“Ikaw pala si James. Marami na akong narinig tungkol sayo.”“Sino pa ba ang hindi nakakarinig tungkol sa Dragon King?”Ang Twelve Zodiacs ay tumayo at binati si James ng sunod-sunod.Tumago rin si James bilang tugon.Pagkatapos, lumapit siya at naupo.Tiningnan niya si Lucjan, na nakaupo, at tinanong dito, “Sinabi sa akin ng kambal na gusto mo daw akong kausapin tungkol sa isang bagay.”Tiningnan ni Lucjan si James at tinanong, “Kamusta na ang iyong mga sugat, James?”Marahan na sinagot ni James, “Pansamantalang nasa ilalim na ito ng aki
Pagkatapos nilang marinig ang tawa, bumukas ang pintuan ng villa, at isang matandang lalaki ang pumasok sa loob ng villa.Ang matandang lalaki ay may malinis at maikling puting buhok at nakasuot ng martial art robe. Kahit na matanda na siya tingnan, mukha pa din siyang masigla at puno ng enerhiya. “Lolo.”Tuwang tuwa si James nang makita niya ang tandang lalaki. Walang malay siyang lumapit at tinitigan ang papalapit na matandang lalaki ng puno ng kaligayaha.Alam niya na hindi pa patay ang lolo niya.Subalit, hindi niya mahanap ang kinaroroonan ng kanyang lolo.Sa wakas at nagkita na sila ng kanyang lolo.“Maganda ang ginawa mo.”Nilahad ni Thomas ang kanyang kamay at tinapik ang balikat ni James, at sinabi ng nakangiti, “Hindi na masama. Ang lakas mo na kaagad sa loob lamang ng maikling panahon. Halos nakarating ka na sa seventh rank at napatay mo pa ang matandang Tobias na yun.” Pinuri ni Thomas si James. Maraming katanungan si James sa loob ng kanyang puso.Ano ba ang na
”Syempre naman hindi. Paano magagawa ng mga pangkaraniwang tao na sinugin ang ating pamilya?” Ngumiti ng bahagya si Thomas. “Kung ganun, nasaan na ang ibang miyembro ng ating pamilya?”“Nasa ibang bansa sila. Makikita mo din sila.”“Kung ganun, hindi pa patay ang aking ama?”“Syempre naman. Paano magagawa ng isang pangkaraniwang tao kagaya ni Rowena na pabagsakin ang ating pamilya?”Nang marinig niya ito, nakahinga ng maluwag si James. “Lolo, bakit ka nakikipagsabwatan sa mga tao mula sa Gu Sect? Ano ba talaga ang balak mong gawin?”“Hindi mo kailangan malaman.” Kinaway ni Thomas ang kanyang kamay.Naglabas siya ng isang maliit ba bote at inabot ito kay James, saka sinabi, “May dalawang pills sa loob nito. Ang isa ay pula na kaya kang tulungan na malampasan ang Summit. Ang asul naman ay kaya kang tulungan na malampasan ang Ultimate Spiritual Gate. inumin mo ang dalawang ito ng sabay at mag-meditate ka ng mag-isa. Subukan mong makapasok ng seventh rank bago magsimula ang Mount
Pagkatapos niyang inumin ang elixir, lalong lumakas ang True Energy ni James. Agad nitong nalampasan ang Spiritual Gate sa kanyang ulo at naabot nito ang Summit. Tatlong bulaklak ang namukadkad sa Summit. Ang Three Shapeless Flowers ay nabuo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng True Energy, Blood Energy, at Spiritual Power. Sa mga sandaling iyon, ang lahat ng True Energy, Blood Energy, at Spiritual Energy ni James ay nadagdagan ang lakas. Naabot niya ang isang hindi maipaliwanag na realm. Sa pagkakaalam ni James, kapag naabot niya ang realm na ito bago pa ang edad na isandaan, hihinto ang pagtanda niya sa susunod na ilang dekada. Huminga siya ng malalim. "Pambihira talaga." Humupa ang kanyang enerhiya, at naglaho ang mga Shapeless Flower sa kanyang ulo. Hindi agad ininom ni James ang isa pang elixir. Dahil hindi maayos ang daloy ng kanyang True Energy, kailangan niya muna itong kontrolin at ang kanyang realm. Sa unang palapag ng villa… Tumingin sa direksyon ng ik
”Makikilala siya sa kasaysayan bilang ang pinakabatang indibidwal na naabot ang seventh-rank.” Nagulat sila sa aura na nagmumula sa taas, na sa sobrang lakas nito ay naramdaman ito ng lahat ng nasa loob ng villa.“Labas!” Ang sabi ni Lucjan. “Hindi na kaya ng villa ang aura niya. Guguho na ang gusali.”Pagkatapos, nagmadaling lumabas ang lahat ng tao sa loob ng villa at nagtungo sila sa isang bakanteng lote na ilang daang metro ang layo mula sa villa. Sumabog ang True Energy ni James. Sa loob lang ng maikling panahon, nakamit niya ang isang cultivation base na hindi basta makakamit ng iba sa loob lang ng ilang dekada. Pumasok ang True Energy sa kanyang mga braso’t binti at pinalakas nito ang kanyang mga kalamnan.Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni James ang isang vortex na mabilis na humihigop sa kanyang True Energy sa talampakan ng kanyang mga paa. "I-Ito ba ang huling Spiritual Gate ng katawan ko?" Nanigas si James. Kahit na alam niya na mayroong huling Spiritual
Malaki ang agwat ng lakas ng True Energy sa pagitan ng isang sixth-rank at isang seventh-rank na martial artist. Kampante si James na kaya niyang talunin ang sinuman na mababa sa eighth rank. Bumaba siya mula sa langit at lumapag siya sa lupa. Isang grupo ng mga tao ang naglakad palapit sa kanya. Nangunguna dito si Lucjan, na nakangiting nagsalita, "Binabati kita, James. Nagawa mong abutin ang seventh-rank sa napakabatang edad. Marahil ikaw ang unang nakagawa nito sa loob ng napakaraming siglo."Habang nakatingin siya kay Lucjan, nagkaroon ng ngiti sa mukha ni James. Noong binigay sa kanya ng kanyang lolo ang mga elixir, sinabi niya sa kanya na gawin kung ano ang kailangan niyang gawin. Kinilabutan si Lucjan sa pagngisi ni James. Wala siyang ideya kung ano ang iniisip ni James. Ang sabi ni Bryce, "Congratulations." "Napakalakas mo… Naabot mo ang seventh-rank bago ang edad na treinta. Ikaw ang magiging pinakamalakas na martial artist sa mundo sa susunod na ilang deka