Pagkatapos niyang inumin ang elixir, lalong lumakas ang True Energy ni James. Agad nitong nalampasan ang Spiritual Gate sa kanyang ulo at naabot nito ang Summit. Tatlong bulaklak ang namukadkad sa Summit. Ang Three Shapeless Flowers ay nabuo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng True Energy, Blood Energy, at Spiritual Power. Sa mga sandaling iyon, ang lahat ng True Energy, Blood Energy, at Spiritual Energy ni James ay nadagdagan ang lakas. Naabot niya ang isang hindi maipaliwanag na realm. Sa pagkakaalam ni James, kapag naabot niya ang realm na ito bago pa ang edad na isandaan, hihinto ang pagtanda niya sa susunod na ilang dekada. Huminga siya ng malalim. "Pambihira talaga." Humupa ang kanyang enerhiya, at naglaho ang mga Shapeless Flower sa kanyang ulo. Hindi agad ininom ni James ang isa pang elixir. Dahil hindi maayos ang daloy ng kanyang True Energy, kailangan niya muna itong kontrolin at ang kanyang realm. Sa unang palapag ng villa… Tumingin sa direksyon ng ik
”Makikilala siya sa kasaysayan bilang ang pinakabatang indibidwal na naabot ang seventh-rank.” Nagulat sila sa aura na nagmumula sa taas, na sa sobrang lakas nito ay naramdaman ito ng lahat ng nasa loob ng villa.“Labas!” Ang sabi ni Lucjan. “Hindi na kaya ng villa ang aura niya. Guguho na ang gusali.”Pagkatapos, nagmadaling lumabas ang lahat ng tao sa loob ng villa at nagtungo sila sa isang bakanteng lote na ilang daang metro ang layo mula sa villa. Sumabog ang True Energy ni James. Sa loob lang ng maikling panahon, nakamit niya ang isang cultivation base na hindi basta makakamit ng iba sa loob lang ng ilang dekada. Pumasok ang True Energy sa kanyang mga braso’t binti at pinalakas nito ang kanyang mga kalamnan.Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni James ang isang vortex na mabilis na humihigop sa kanyang True Energy sa talampakan ng kanyang mga paa. "I-Ito ba ang huling Spiritual Gate ng katawan ko?" Nanigas si James. Kahit na alam niya na mayroong huling Spiritual
Malaki ang agwat ng lakas ng True Energy sa pagitan ng isang sixth-rank at isang seventh-rank na martial artist. Kampante si James na kaya niyang talunin ang sinuman na mababa sa eighth rank. Bumaba siya mula sa langit at lumapag siya sa lupa. Isang grupo ng mga tao ang naglakad palapit sa kanya. Nangunguna dito si Lucjan, na nakangiting nagsalita, "Binabati kita, James. Nagawa mong abutin ang seventh-rank sa napakabatang edad. Marahil ikaw ang unang nakagawa nito sa loob ng napakaraming siglo."Habang nakatingin siya kay Lucjan, nagkaroon ng ngiti sa mukha ni James. Noong binigay sa kanya ng kanyang lolo ang mga elixir, sinabi niya sa kanya na gawin kung ano ang kailangan niyang gawin. Kinilabutan si Lucjan sa pagngisi ni James. Wala siyang ideya kung ano ang iniisip ni James. Ang sabi ni Bryce, "Congratulations." "Napakalakas mo… Naabot mo ang seventh-rank bago ang edad na treinta. Ikaw ang magiging pinakamalakas na martial artist sa mundo sa susunod na ilang deka
Hindi siya interesado sa naging Hari isang daang taon na ang nakakaraan. Sa halip, mas interesado siya sa Elite Four na nasa tabi ng Hari—Sky, Earth, Wind, at Thunder. Sa pagkakaalam niya, naabot ng apat ang seventh-rank isang siglo na ang nakakaraan. Naitatag ang Sol dahil sa tulong nila. Samantala, si Mr. Lee, ang taong nasa likod ng Hari, ay isang disipulo ni Sky. Alam ni James na ang mga ancient martial artist ay mga tao din. Subalit, sa normal na sitwasyon, basta't mapanatiling maayos ng isang tao ang kanyang True Energy pagkatapos niyang maabot ang seventh-rank, madaling mapapahaba ng isang tao ang kanyang buhay anuman ang edad niya. Posibleng buhay pa sila. Kung buhay pa nga sila, malamang naabot na nila ang eighth-rank ngayon. "May narinig ka bang balita tungkol sa Elite Four ng unang Hari?" Bahagyang umiling si Lucjan. "Wala, wala akong narinig na balita tungkol sa kanila. Pagkatapos ng digmaan laban sa Gu Sect, malubha silang nasugatan at sumailalim sila
Tumingin si Maxine kay Thea, na kasalukuyang kinkompronta si James. Hindi niya alam kung anong binabalak ni James. Inisip niya na kailanman ay hindi mawawala sa lugar si James. Subalit, base sa kung gaano karaming tao ang pinatay ni James, imposibleng humahanap lang siya ng paraan upang makapasok sa Gu Sect. Malamang ay pinilit lang siya. Nagbago na si James. Noong una ay pinuntahan siya ni Thea upang pag-usapan kung ano ang gagawin nila. Subalit, ngayon, wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang patayin si James. Masyadong malakas si James. Hindi siya kayang patayin ng isang ordinaryong tao. Si Thea lamang ang kayang lumaban sa kanya.Habang nakatayo siya sa niyebe, tumingin si Maxine sa dalawa sa baba. Kahit na mahinahon siya sa labas, sa loob-loob niya ay kinakabahan siya. Hindi niya alam kung talaga bang papatayin ni Thea si James. Subalit, sigurado siya na hinding-hindi sasaktan ni James si Thea. Hinihiling ni Maxine na kabaligtaran ang mangyari. Hiniling niya n
Habang pinapanood niya ang pag-alis ni James, bumuhos ang mga luha ni Thea. "Bakit, James? Bakit…" Noong sandaling iyon, wala na siyang dahilan para mabuhay. Tumayo siya sa tabi ng kalsada at umiyak. Pagkatapos, tumalon siya sa bangin ng walang pag-aalinlangan. Binuo ang kalsada sa paligid ng bangin. Sa kabilang gilid nito ang isang matarik na bindok, at sa kabila naman ay isang napakalalim na bangin. Kahit na nakatalikod si James kay Thea, naging napakalakas na din ng kanyang pakiramdam pagkatapos niyang maabot ang seventh-rank. Alam niya kung an o ang nangyayari kahit na hindi siya lumingon. Noong sandaling tumalon si Thea sa bangin, agad niya itong naramdaman. "Yung tangang 'yun," Tahimik siyang nagmura. Pagkatapos, sa isang iglap, tumalon siya sa ere at pababa sa matarik na mga bangin. Kahit na isa siyang seventh-rank martial artist, hindi niya kayang kontrolin ang True Energy niya ng maayos dahil sugatan siya. Dahil dito, hindi niya makontrol ang bilis ng pa
'Bakit ako gustong patayin ni Maxine?' Nagtaka si James. Naniniwala siya na hindi ito normal para kay Maxine. Isang matalinong babae si Maxine at susuriin niya ang isang problema mula sa iba't ibang anggulo. Kung pati si Maxine ay napapaniwala niya na naging masama siya, ibig sabihin nito ay matagumpay niyang naloko ang mundo. Subalit, isinantabi niya ang mga bagay na ito. Malamang may binabalak si Maxine. Ngunit, hindi niya malaman kung ano ito. "M-Mahal, pakiusap, sabihin mo sa'kin na hindi totoo ang lahat ng nakita ko. Parte lang 'yun ng plano mo, hindi ba?" Tumingin si Thea kay James at nagmakaawa. "Mahabang kwento." Dahil walang ibang tao sa lugar, sinabi ni James kay Thea ang buong katotohanan. "Pagdating ko sa Mount Thunder Sect, inutusan ako ni Lucjan na patayin si Jackson Cabral, ang Sect Leader ng Mount Thunder Sect. Wala akong pagpipilian. Subalit, hindi ko naman talaga siya pinatay. Dahil alam ko na puno ng mga espiya mula sa Gu Sect ang Mount Thunder
“Oh, James…” Tinawag siya ni Bryce. Palapit na siya ng palapit sa kanila James at Thea. Di nagtagal, natagpuan na niya si James. Noong nakita niya na ginagamot ni James ang kanyang mga sugat habang nakatayo sa tabi niya si Thea, bumuntong-hininga siya bago siya nakangiting nagsalita, "Sabi na makakaligtas ka sa pagtalon sa bangin e."Nanatiling tahimik si James. Naglakad si Bryce palapit sa kanya at nagtanong, "Kamusta ang pakiramdam mo?" Minulat ni James ang kanyang mga mata at nanghihina siyang tumingin kay Bryce. "Medyo malala ang mga sugat ko. Kailangan ko ng oras para magpagaling. Mauna ka na kayang bumalik? Sa oras na maghilom ang mga sugat ko, susunod ako sa inyo sa Mount Thunder Sect.""Ah…" Nag-alinlangan sandali si Bryce bago niya sinabi na, "James, sa tingin ko mas mabuti kung tutulungan na kitang umakyat." Tumingin si James sa kanya at tumango. "Pwede rin 'yun." Pagkatapos ay lumapit sa kanya si Bryce. Dahan-dahang bumangon si James sa tulong ng Bla