“Oh, James…” Tinawag siya ni Bryce. Palapit na siya ng palapit sa kanila James at Thea. Di nagtagal, natagpuan na niya si James. Noong nakita niya na ginagamot ni James ang kanyang mga sugat habang nakatayo sa tabi niya si Thea, bumuntong-hininga siya bago siya nakangiting nagsalita, "Sabi na makakaligtas ka sa pagtalon sa bangin e."Nanatiling tahimik si James. Naglakad si Bryce palapit sa kanya at nagtanong, "Kamusta ang pakiramdam mo?" Minulat ni James ang kanyang mga mata at nanghihina siyang tumingin kay Bryce. "Medyo malala ang mga sugat ko. Kailangan ko ng oras para magpagaling. Mauna ka na kayang bumalik? Sa oras na maghilom ang mga sugat ko, susunod ako sa inyo sa Mount Thunder Sect.""Ah…" Nag-alinlangan sandali si Bryce bago niya sinabi na, "James, sa tingin ko mas mabuti kung tutulungan na kitang umakyat." Tumingin si James sa kanya at tumango. "Pwede rin 'yun." Pagkatapos ay lumapit sa kanya si Bryce. Dahan-dahang bumangon si James sa tulong ng Bla
Pagkatapos ng ilang minuto ng pagkucultivate, umayos na ang kondisyon ni James. Tumingin siya sa bangkay ni Bryce. Alam niya na siguradong magpapadala ng tauhan si Lucjan para hanapin si Bryce kapag hindi siya nakabalik agad. "Thea, maghukay ka." Ang sabi ni James. "Sige." Nagsimulang maghukay si Thea gamit ng kanyang espada. Bilang isang martial artist, malakas ang taglay niyang True Energy. Dahil dito, madali lang para kanya ang maghukay sa lupa. Di nagtagal, isang butas na may lalim na ilang metro ang nahukay niya. Bahagyang kinumpas ni James ang kanyang kamay. Ginamit niya ang natitira niyang True Energy upang ilipat ang bangkay ni Bryce sa hukay. Samantala, sinimulan naman itong tabunan ni Thea gamit ng yelo at niyebe sa paligid. Umulan ng niyebe. Di nagtagal, wala nang natirang bakas ng dugo sa paligid. Samantala, umalis si James sa lugar at nagtungo siya sa kabilang bahagi ng bangin upang ipagpatuloy ang panggagamot sa kanyang mga sugat. Nagtungo si
”Anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sa’yo?” Pumasok si Delainey at tumingin siya kay Maxine masama at may pagdududa.Tumingin si Maxine kay Delainey at nagtanong, “Ano? Hindi ba ako pwedeng sumilip dito?”“Dapat nating igalang ang mga patay. Ikaw…”“Sige, naiintindihan ko. Aalis na ako.” Hindi na pinatagal ni Maxine ang usapan at umalis na siya.Tumingin si Delainey sa mga bangkay sa lupa, at umalis na din siya.Sa may bangin…Ginagamot ni James ang kanyang mga sugat.Subalit, malubha ang kanyang mga sugat. Hindi maghihilom ang mga ito sa loob ng napakaikling oras.Gayunpaman, paglipas ng ilang oras ng pagkucultivate, umayos na ang kanyang kondisyon. Basta’t hindi siya magpapadalos-dalos sa paggamit ng True Energy, hindi malalagay sa panganib ang kanyang buhay.Mula pa kanina, nasa tabi niya si Thea at nagbabantay sa paligid.Alam ni Thea na malubha ang mga sugat ni James. Dahil nakokonsensya siya tungkol dito, nanatili siyang tahimik.“James…” Isang boses ang narinig
Isang nag-iisang kahoy na kama at manipis na kutson, wala ng ibang laman na kagamitan ang pansamantalang tutuluyan nila na gawa sa kahoy.Inalis ni James ang mga damit niya ay nahiga sa kama.Maingat na ginamot ni Thea ang mga sugat ni James sa likod, na naging resulta ng pagtama ng likod niya sa pader ng bangin. Madugo ito, at kita na din pati ang mga buto.Mabuti na lang at seventh-rank martial artist siya, at nakokontrol niya ang pagdaloy ng dugo niya sa loob ng katawan. Kung pangkaraniwan ito na tao, matagal na itong patay. Gayunpaman, napapapikit siya sa sakit sa tuwing nadidikitan ni Thea ang mga pinsala niya.Hindi nagtagal, bumalik na si Lucjan. Matapos makita ang mga pinsala ni James, nagtanong siya, “Okay ka lang ba, James?”Habang nakakagat sa mga ngipin niya, sumagot si James, “Well, buhay pa naman ako.”Sa puntong ito, inabutan ni Aphrodite at Venus ng mainit na tuwalya si Thea. Kinuha ito ni Thea at nagsimula sa pagkuskos sa likod ni James.Samantala, naglabas ng maliit n
Nalaglag ang isang manipis na bakal na kable mula sa manggas ni James.Habang hawak ang bakal na kable mula sa kabilang dulo, agad na naging mga karayom ito.Nag-utos si James. “May oras pa tayo. Sa paggamit ng Crucifier, gagaling agad ang mga pinsala ko. Thea, kailangan kita para tulungan ako ipasok ang mga karayom.”Para maibalik ang lakas niya, kailangan ni James umasa sa Crucifier.“Mhm.”Tumango si Thea.Habang hawak ang Crucifier sa isang kamay, sinimulan niya ipasok ang mga karayom base sa gabay ni James.Third-rank martial artist si Thea. Sa buong panahon na ito, masipag siya sa pagcu-cultivate. Ngayon, naabot na niya ang middle-stag third rank. Sapagkat makapangyarihan na ngayon ang True Energy niya, kaya na niya magpasok ng mga karayom ng maraming beses.Matapos ipasok ang mga karayom, naubos ang True Energy niya.Ginabayan siya ni James sa pag-alis ng mga karayom.“Kumusta ang pakiramdam mo, Darling? Maganda na ba ang pakiramdam mo?” Namumutla si Thea, butil butil ang pawis
Si Maxine.Alam ni Maxine na iniligtas ni James si Thea. Matapos ang pag-aatubili, napagdesisyunan niyang bisitahin sila.“Napagalaman ko na may pinsala si James, kaya naparito ako para bisitahin siya.” Kalmado ang itsura niya na tila wala siyang nararamdaman na nagkasala siya.“Hindi na kailangan.”Hindi natutuwa si Thea kay Maxine. Kung hindi dahil sa mga walang kuwenta niyang mga ideya, hindi sana aatakihin ni Thea si James. Hindi sana masasaktan si James, at hindi sana sila magkakaroon ng mga problema.“Ako ba ang sinisisi mo para dito, Thea?” Tinignan niya si Thea. “Kilala mo si James. Kung hindi natin siya papatayin ngayon, magkakagulo sa Mount Thunder Conference. Marami ang mamamatay sa mga kamay ng Gu Sect. Kaya mo ba panoorin si James na maging masama? Paano ka naging iba kay Thomas Caden ilang dekada na ang nakararaan?”“Kahit ano pa ang gawin niya, mananatili ako sa tabi niya.”Slam!Matapos niya ito sabihin, isinara ng malakas ni Thea ang pinto.“Ano ba naman?” napasimangot
“Sige, maaari na kayong umalis. Hahanapin ko ang Supreme Leader.”Kumaway ng kaunti si Luchan, at tumalikod ang Twelve Zodiac para umalis.Matapos ang panandaliang pag-iisip, umalis na din si Lucjan.Sa likod ng kabundukan ng Mount Thunder Sect…Maraming mga tahanan kung saan matatagpuan ang mga sinaunang mga martial artist mula sa martial world, at dumating si Lucjan sa isa sa mga ito.Walong mga nakamaskarang mga lalake na nakasuot ng itim na robe ang nakatayo sa harap ng gate.“Deputy Leader,” magalang nila na binati si Lucjan.Diretso ang lakad ni Lucjan ng hindi ibinabalik ang pagbati.Maraming mga tao ang nagtipon dito, at lahat sila nakasuot ng mga itim na robe at itim na maskara.“Deputy Leader.”Magalang din nilang binati si Lucjan, pero dumiretso lamang si Lucjan at binuksan ang pinto.Marami rin na tao dito. At lahat sila mga nakamaskara din.“Nandito na siya,” sagot ng isang boses.Ang nagsalita ay isang lalake na nakasuot ng itim na robe. Ngunit, iba ang maskara nito. Naka
Napasimangot si Lucjan.Umaasa siyang magiging kakampi niya si James at hindi kailanman inisip na gamitin siya. Ngunit, ngayon at ibinigay na ng Supreme Leader ang utos niya, hindi niya ito kayang tanggihan. Tumango lang siya at sinabi, “Naiintindihan ko.”“Sige, maaari ka ng umalis.”Matapos lisanin ang hardin, isinuot ni Thomas ang maskara niya at hinanap si James.Sa oras na dumating siya sa pinto ng bahay na tinutuluyan ni James, humarang si Aprhodite at Venus.“Sinong nandyan?”Tinignan ni Thomas ang dalawa. Kahit na nakamaskara siya, namumula ang mga mata niya na tila demonyo siya. Isang sulyap lang at nanigas na sa takot mula sa kinatatayuan nila sina Aphrodite at Venus.Pagkatapos, binuksan ni Thomas ang pinto.Nakahinga sa kama si James. Matapos bumukas ang pinto, ang akala niya ay si Thea ito, “Bakit ka nakabalik agad? Nahanap mo ba si lolo?”“Ako ito,” sagot ni Thomas.Matapos marinig ang boses, agad na bumangon si James at nakita ang lalake na nakasuot ng maskara na pumasok