Hindi pinansin ni James ang mga puri ni Bryce.Umupo siya sa bato at tinusok niya ulit ang Blade of Justice sa nyebe ng hindi nagsasalita.“James, hindi ka pagbibigyan ng Medical Valley!” May mga galit na sigaw na tumunog sa malayo.Hindi pinansin ni James ang galit na mga disipulo sa Medical Valley.Ang mga disipulo ng Medical Valley ay dinala ang kanilang master ayon sa kagustuhan nito. Nilagpasan nila si James, at pumunta sila sa Mount Thunder Faction para maghintay sa conference para maibigay ng martial community ang hustisya.Ang grupo ay umalis na ng bundok.Muling tumahimik ang Romsdales Valley.Ang mga disipulo ng Medical Valley ay mabilis na umalis at naglaho sila sa Romsdalen Valley.Pagkatapos maglakabay ng ilang distansya, may isang lalaking may suot na itim na winter coat ang dumating.Nang makita siya, muling naghanda ang mga disipulo ng Medical Valley.Kakasalubong lang nila kay James, kaya bakit may isa pang tao na humaharang sa daan nila?May isang matanda
Tumango si Jackson at nagsabing, "Gayunpaman, hindi pa ako nagpapakita simula noon, kaya masama na ang tingin kay James. Sa kasamaang palad, kailangan niyang tiisin ang pangungutya sa ngayon para mabura nang tuluyan ang Gu Sect." Nang marinig ito, kaagad na naintindihan ng mga disipulo ng Medical Valley ang sitwasyon. Nagtanong si Jackson, "Medical Saint, ipinasa mo na ba ang mga gamot sa iba?" Seryoso ang ekspresyon ng Medical Saint at nagsabing, "Wala akong oras at kulang ako sa koneksyon. Gayunpaman, naipasa ko na'to sa lahat ng pinagkakatiwalaan ko. Para naman sa mga walang matibay na pinapanigan, hindi ko to binigay sa kanila dahil malamang ay napasok na sila ng Gu Sect. Hindi ko gustong mabunyag ito." "Maaasahan ba ang gamot?" "Mhm, syempre. Isa tong natatanging pormula mula sa Medical Valley. Pagkatapos itong inumin, mawawalan ka ng senyales ng buhay at hindi ka maiiba sa patay na tao. Walang makakahanap ng kahit na anong kakaiba rito. Naniniwala ako na matalino si Ja
Malakas na bumuhos ang niyebe at mabilis nitong natabunan ang mantsa ng dugo sa lapag. Matiyagang naghintay si James. Lumipas ang mga oras at dumilim ang langit. Gayunpaman, hindi pa rin dumarating ang pangalawang grupo ng martial artists. Sa halip, si Thea ang lumitaw. Nagpadala si Lucjan ng ilang tao para ihatid si Thea kay James. Dumating si Thea sa Romsdalen Valley. Kahit na gabi na, nakita niya kaagad si James sa malawak at puting kapaligiran na nakaupo sa isang bato sa malayo. Kasabay nito, napansin niya rin ang isang pares ng magagandang kambal na nakatayo sa likuran ni James. Kaagad na napuno ng selos ang puso niya. 'Bakit may ibang babae sa tabi ni James? 'Sino ang mga babaeng to? 'Anong relasyon nila kay James?' Tatlong magkakasunod na tanong ang lumitaw sa loob niya. Napansin rin ni James si Thea at ang ilang tauhan ni Lucjan na nagmumula sa malayo. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya habang tinignan niya silang papalapit. Nakarating kaagad si Th
"Masusunod!" Mabilis na hinabol si Thea ng mga taong naghatid sa kanya. Tumingin si Bryce kay James at tinapik ang balikat niya habang nakangiting nagsabi, "Matalino ka, James. Naiintindihan mo ang kasalukuyang sitwasyon at alam mong kami lang ang kayang prumotekta sa'yo at kay Thea. Wag kang mag-alala. Kapag sinunod mo si Mr. Owen, poprotektahan ka niya at ang mga Callahan. Walang magtatangkang manakit sa kanila." Tumingin si James sa kanya ngunit wala siyang sinabi. Umupo siya sa isang bato at kumuha ng sigarilyo. Nang kukuha pa lang siya ng lighter, si Aphrodite na nasa likod niya ay kumuha ng lighter at mabilis na lumapit sa kanya para sindihan ang sigarilyo niya. Humithit ng malalim si James at lumipad sa ere ang usok. "Sana ibalik ni Lucjan si Thea nang ligtas. Kung hindi, hindi ko na kailangang ipagpatuloy ang pagtutulungang ito." Walang kinakatakutan si James maliban sa gawing hostage ni Lucjan si Thea. Maaapektuhan nito ang buong plano niya. Kampanteng suma
Nag-aalala ang mga tao mula sa Paragon Martial Arts School. Kumalat ang balita tungkol sa masasamang gawain ni James sa buong ancient martial art world. Alam ng lahat na pinatay ni James ang leader ng Mount Thunder Sect, si Jackson. Mabilis silang umatras at maingat na tinitigan si James. Seryoso ang ekspresyon ni Gerald, ang principal ng martial arts school, habang nagsabi siya, "Wala akong ginawang masama sa'yo, James. Anong ibig sabihin nito?" Walang pakialam na tumingin si James sa kanya at nagsabing, "Sumugod ka sa'kin." "Sa tingin mo malakas ka na?!" Dumilim ang ekspresyon ni Gerald at isang malakas na enerhiya ang sumabog mula sa katawan niya. "Humanda ka!" Sumugod si Gerald kay James. Sumugod siya papunta kay James na parang isang cheetah at tinaas ang kamay niya para umatake. Isang malakas na pwersa ang sumabog at nagsanhi ng malakas na pagyanig sa buong kabundukan. Tinaas ni James ang kamay niya at madaling sinalo ang kamaong pasugod sa kanya. Mabilis niyang
Hindi pinaniwalaan ni James ang kalokohan ni Bryce. Tumayo siya sa tabi at sinenyasan ang mga Blithe na magpatuloy. "Sige." Hindi umalis ang mga tao mula sa mga Blithe dahil hindi kumilos si Donovan. May pagdududa si Donovan sa puso niya. Hindi siya sigurado sa relasyon ni James sa matandang lalaki na tumalo sa kanya sa Mount Littleroot. "May tanong ako para sa'yo, James. Anong relasyon mo sa matandang lalaki na tumalo sa'kin sa Mount Littleroot noon?" Bahagyang ngumiti si James at iniwasan ang tanong niya. "Anong problema? Ayaw mong umalis? Kung ganun, paano kung maglaban tayo?" Nang biglaan niyang tinaas ang kamay niya, lumipad sa langit ang Blade of Justice at maayos itong nasalo ni James. Whoosh!Binunot niya ang Blade of Justice. "Kalimutan mo na yan. Panalo ka na." Pinili ni Donovan na di labanan si James at umalis kasama ng mga Blithe. Pagkatapos umalis, nagsabi ang isang elder ng mga Blithe, "Donovan, pinatay ng binatang yun ang leader ng Mount Thunder. N
May isang linggo pa bago ang Mount Thunder Conference, pero ilang sects at pamilya na ng nagsimula maglakbay papunta sa Mount Thunder Sect. Sa kasamaang palad, hinarang at inatake sila ni James. Ilang Sect Leaders at family heads ang namatay o malubhang nasugatan sa daan. Ang mga tao mula sa mga sect at pamilya na ito ay nagtipon-tipon sa Mount Thunder Sect. Sa galit nila sa mga ginawa ni James, gusto nilang magkaisa at patayin siya nang sama-sama. Nawalan ng leader ang Mount Thunder Sect sa pagkamatay ni Jackson. Pansamantala, ang young lady na si Delainey ang humawak sa pamamahala ng sect. Gayunpaman, isa siyang dalaga na walang karanasan sa ganitong bagay at hindi niya alam kung anong gagawin. "Bakit hindi sumasagot sa'tin ang Mount Thunder Sect? Ngayong nandito na tayo, resonable lang na salubungin tayo ng sect bilang host!" "Sino ang may hawak sa Mount Thunder Sect ngayon?"Nagtanong ang galit na madla. Tumingin si Donovan sa madla at nag-isip nang malalim. Pak
Gayunpaman, naisip na James na mag-uusap-usap ang mga sect na ito at magkakaisa para patayin siya pagkatapos nilang dumating sa Mount Thunder Sect. Tumingin siya kay Bryce na nakatayo sa tabi niya at kalmadong nagtanong, "Marami na akong napatayo na tao. Pwede na ba akong umalis? Kung hindi tayo aalis, ang martial artists na dumating sa Mount Thunder Sect ay magkakaisa at bababa para patayin tayo." Ngumiti si Bryce at nagsabing, "Mahihina lang sila at hindi sila dapat problemahin. Hindi pa lumilitaw ang totoong powerhouses kagaya ng Ancient Four." Ang pakay ni Lucjan ay gamitin ang mga kamay ni James para pahinain ang ilang sects at pamilya at sirain ang reputasyon ni James para wala siyang magawa kundi umasa sa kanila. Nang marinig ito, kumunot ang noo ni James. Noong una, gusto niyang gamitin ito bilang palusot para bumalik at manghingi kay Lucjan ng antidote. Gayunpaman, hindi gumana ang plano niya. Dahil ganun ang sitwasyon, nagpasya siyang manatili pa ng ilang araw.