“Ano naman si Maxine? Magkasama silang dalawa ngayon."“Maxine…” Huminto muli si Lucjan. “Walang silbi sa akin ang taong ito. Kung tratuhin ko ito gaya ng dati, papatayin ko na lang siya, ngunit malapit siya kay James at may kawili-wiling background. Gayunpaman, nabalitaan ko na siya ay isang taong mapagkalkula. Hindi natin siya mapapapunta dito. Otherwise, it’ll be hard to persuade Thea with her around.”, he said.“Sige, naiintindihan ko.”"Sige, dismiss ka na." Kinaway-kaway ni Lucjan ang kanyang kamay.Agad na lumabas ng silid ang nasasakupan.Maya-maya pa ay bumaba na si James na may kasamang magandang kambal."Sa wakas gising ka na, James." Tumayo si Lucjan at lumakad para yakapin si James nang masigla.“Paano ito? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"Tinanggal ni James ang braso ni Lucjan at pinigilan siyang makalapit.Pumunta siya sa sofa at umupo. “Nakatulog ako ng maayos. Kailan ko sisimulan ang iyong susunod na gawain? Pagkatapos kong gawin ang gusto mo, gusto kong i
Dahil may taong sumusunod, walang magawa si James kundi ang maghintay para sa tamang pagkakataon para kumilos.Hindi sumagot masyado si James, tumalikod siya at naglakad siya palabas ng villa habang hawak ang Blade of Justice.Tumingin si Lucjan kay Bryce at inutos niya, “Sumunod ka lang.”“Masusunod.” Tumango si Bryce.Naglakad siya palabas ng villa at mabilis siyang humabol kay James, sumigaw siya, “James, handa na ang kotse. May pagkain na kasya ng maraming araw dito. Pumasok ka na.”Habang nagsasalita, tumuro siya sa off-road na sasakyan sa labas ng yard.Lumapit si James, binuksan niya ang back door ng off-road na sasakyan, at umupo siya sa likod.Sumakay si Bryce sa driver’s seat.Sumakay din sa sasakyan sina Aphrodite at Venus, umupo sila sa magkabilang tabi ni James.Ang isa sa kambal ay kumapit sa braso ni James, at ang isa naman ay sumandal kay James, tila malapit sila sa isa’t isa.Hindi masyado nagsalita si James.Binuksan ni Bryce ang makina ng kotse at nagmaneh
Nabigla din si Thea sa kanyang nakita.Ano ang nangyayari?“Si-Sino kayo?” Tumingin si Thea sa mga taong nakaluhod sa sahig.Magalang na sinabi ng lalaking nasa harap, “Ms. Thea, inutusan kami ng Dragon King na samahan kayo sa villa.”Nabigla si Thea at mabilis niyang tinanong, “Si James? Nasaan siya?”“Sumama kayo sa amin, Ms. Thea. Malalaman niyo kapag dumating tayo sa villa.”Naglakad si Maxine patungo kay Thea, tumingin siya dito, at tinanong niya, “Hindi ka naniniwala sa kalokohan nila, hindi ba?Syempre, hindi naniniwala si Thea sa kanila. Hindi siya isang tanga.Gayunpaman, kinokontrol si James, at ang makipagkita sa kanya ay mahirap. Pero, kailangan niya pa rin makipagkita sa kanya para pag usapan ang sitwasyon.Sumagot si Thea, “Sasama ako sa inyo.”Mabilis siyang hinila pabalik ni Maxine at sinabi, “Tanga ka ba? Maraming pinagdaanan na gulo si James para iligtas si Quincy at ang iba. Papasok ka sa isang patibong kapag sinundan mo sila. Hindi ba’t mas maraming gulo a
Lumapit si Lucjan kay Thea ng nakangiti. Tumingin siya dito ng may mabait na ekspresyon at sumenyas siya ng pagbati, sinabi niya, “Thea, halika dito sa loob.”Dahil nagdesisyon si Thea na pumunta, hindi siya takot.Pumunta siya sa sala ng villa.Tumingin si Thea kay Lucjan at tinanong niya ng malamig, “Paano naman si James? Nasaan siya?”Pinitik ni Lucjan ang mga daliri niya at inutos niya, “Ilabas ang tsaa.”Hindi nagtagal, dinala sa kanila ang tsaa.Gayunpaman, hindi uminom si Thea.Alam niya na ang taong nasa harap niya ay ang deputy leader ng faction ng Gu Sect. Isa rin siyang miyembro ng mga Owen, magaling sila sa Gu venom. Ang hinala ni Thea ay nilason ng Gu venom ang tsaa.“Tinatanong kita, nasaan si James?”Sumagot si Lucjian, “Ang Dragon King ay umalis para may gawing utos. Pinatay niya ang leader ng Mount Thunder Sect at hinahabol na siya ng sect. Nag aalala siya sa kaligtasan mo at inutusan niya ako na kumuha ng mga tao para dalhin ka dito para protektahan ka. Kapag
Ang master ng Medical Valley, ang Medical Saint, ay tumingin kay James, na siyang nakaupo sa isang bato habang nakatusok ang espada sa lupa. Lumapit siya at pinagdikit niya ang mga kamay niya at sinabi niya, “May appointment ang Medical Valley sa Mount Thunder. Bakit niyo hinaharangan ang daan namin?”Mabagal na tumayo si James at tinanggal niya ang mahabang espada mula sa nyebe.Tinuro niya ang espada niya sa mga taong mula sa Medical Valley.“Nandito ako para kunin ang buhay niyo.”Nagulat ang mga disipulo ng Medical Valley sa mga sinabi niya, at umatras sila nang marinig ito.Ang balita na pinatay ni James ang leader ng Mount Thunder Sect, si Jackson, ay kumalat na sa mundo ng ancient martial arts.Ang Mount Thunder Sect ay nagbigay na ng global wanted order para kay James.“James, ‘wag kang mapangahas! Sa tingin mo ba ay walang makakatalo sayo?” May isang matanda mulasa Medical Valley na bumukas ang bibig at pinuna ang ugali ni James.“Bilang Dragon King ng Southern Plains
Hindi pinansin ni James ang mga puri ni Bryce.Umupo siya sa bato at tinusok niya ulit ang Blade of Justice sa nyebe ng hindi nagsasalita.“James, hindi ka pagbibigyan ng Medical Valley!” May mga galit na sigaw na tumunog sa malayo.Hindi pinansin ni James ang galit na mga disipulo sa Medical Valley.Ang mga disipulo ng Medical Valley ay dinala ang kanilang master ayon sa kagustuhan nito. Nilagpasan nila si James, at pumunta sila sa Mount Thunder Faction para maghintay sa conference para maibigay ng martial community ang hustisya.Ang grupo ay umalis na ng bundok.Muling tumahimik ang Romsdales Valley.Ang mga disipulo ng Medical Valley ay mabilis na umalis at naglaho sila sa Romsdalen Valley.Pagkatapos maglakabay ng ilang distansya, may isang lalaking may suot na itim na winter coat ang dumating.Nang makita siya, muling naghanda ang mga disipulo ng Medical Valley.Kakasalubong lang nila kay James, kaya bakit may isa pang tao na humaharang sa daan nila?May isang matanda
Tumango si Jackson at nagsabing, "Gayunpaman, hindi pa ako nagpapakita simula noon, kaya masama na ang tingin kay James. Sa kasamaang palad, kailangan niyang tiisin ang pangungutya sa ngayon para mabura nang tuluyan ang Gu Sect." Nang marinig ito, kaagad na naintindihan ng mga disipulo ng Medical Valley ang sitwasyon. Nagtanong si Jackson, "Medical Saint, ipinasa mo na ba ang mga gamot sa iba?" Seryoso ang ekspresyon ng Medical Saint at nagsabing, "Wala akong oras at kulang ako sa koneksyon. Gayunpaman, naipasa ko na'to sa lahat ng pinagkakatiwalaan ko. Para naman sa mga walang matibay na pinapanigan, hindi ko to binigay sa kanila dahil malamang ay napasok na sila ng Gu Sect. Hindi ko gustong mabunyag ito." "Maaasahan ba ang gamot?" "Mhm, syempre. Isa tong natatanging pormula mula sa Medical Valley. Pagkatapos itong inumin, mawawalan ka ng senyales ng buhay at hindi ka maiiba sa patay na tao. Walang makakahanap ng kahit na anong kakaiba rito. Naniniwala ako na matalino si Ja
Malakas na bumuhos ang niyebe at mabilis nitong natabunan ang mantsa ng dugo sa lapag. Matiyagang naghintay si James. Lumipas ang mga oras at dumilim ang langit. Gayunpaman, hindi pa rin dumarating ang pangalawang grupo ng martial artists. Sa halip, si Thea ang lumitaw. Nagpadala si Lucjan ng ilang tao para ihatid si Thea kay James. Dumating si Thea sa Romsdalen Valley. Kahit na gabi na, nakita niya kaagad si James sa malawak at puting kapaligiran na nakaupo sa isang bato sa malayo. Kasabay nito, napansin niya rin ang isang pares ng magagandang kambal na nakatayo sa likuran ni James. Kaagad na napuno ng selos ang puso niya. 'Bakit may ibang babae sa tabi ni James? 'Sino ang mga babaeng to? 'Anong relasyon nila kay James?' Tatlong magkakasunod na tanong ang lumitaw sa loob niya. Napansin rin ni James si Thea at ang ilang tauhan ni Lucjan na nagmumula sa malayo. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya habang tinignan niya silang papalapit. Nakarating kaagad si Th