Agad na binunot ni James ang Blade of Justice at naglaho ang katawan niya. Pagkatapos, bigla siyang nagpakita sa harapan ni Jackson matapos ang ilang segundo.Mabilis na sumigaw si Delainey, “Ama, mag-ingat ka!”Itinaas ni Jackson ang kamay niya at isang malakas na True Energy ang namuo dito, gumawa ito ng kalasag na humarang sa atake ni James.Pakiramdam ni James bakal ang hinihiwa niya, hindi niya masira ang harang kahit anong pilit niya.Kasabay nito, nabigla rin si Jackson sa taglay na lakas ni James. Kinailangan niya gamitin ang buong lakas niya para lang harangan ang atake ni James.“James, walang problema ang Mount Thunder Sect at mga Caden. Anong ibig mo sabihin dito?” Tinignan siya ni Jackson ng mata sa mata.Hindi sumagot si James at umatras siya. Tumalon siya at muling umatake.Whoosh!Isang sampung metro na haba ng Sword Energy ang nabuo mula sa Blade of Justice at humiwa patungo kay Jackson dala ang matinding puwersa.“Delainey, magtago ka!”Iniabot ni Jackson ang kamay ni
Walang ng pagpipilian si James.Kailangan niyang talunin at patayin si Jackson tulad ng utos ng mga kalaban niya.Tinibayan niya ang loob niya at tumalon sa ere habang hawak ang Blade of Justice at sumugod kay Jackson.Habang mahigpit ang hawak sa Frost Sword, isang malamig na awra ang mararamdaman na nagmumula sa katawan ni Jackson at sa espada. Sa loob ng isang iglap, isang malamig na hangin ang bumalot sa paligid.Nagpakita si James sa harap ni Jackson at itinaas niya ang espada niya para protektahan ang sarili mula sa atake ni James.Clang!Nagdikit ang dalawang espada, at isang matinding bugso ng True Energy ang nagmula dito.Naramdaman ni James ang tindi ng puwersa mula sa Blade of Justice, at naging manhid ng kaunti ang braso niya. Bago pa siya maka-react, agad na ginamit ni Jackson ang espada para mailiko ang espada ni James at atakihin ang braso niya.Inikot ni James ang Blade of Justice para maiwasan ang atake. Pagkatapos, umikot siya at nagpakawala ng Sword Energy patungo sa
Sinubukan ni James na iwasan ang mga espada habang paatras pero mas mabilis ang mga kilos nito kay sa sa kanya.Itinaas niya ang espada niya para salagin ang mga atake.Clang!Ang isa sa mga yelong espada ay nadurog pagdikit sa espada niya at sumabog sa pira-pirasong yelo.Ang ibang mga yelong espada ay patuloy sa pagsugod sa kanya sa pa-ekis na pattern, na tila sinusubukan siyang harangin. Napalibutan si James ng mga espada at wala na siyang nagawa kung hindi umiwas at salagin ang mga atake.Dahil sa isang pagkakamali, nahiwa ang isang braso niya.Sa isang iglap, nagsimulang dumugo ng husto ang braso niya.Nahirapan siyang hawakan ng maayos ang espada niya dahil sa sakit.Hindi sinubukan kalimutan ni James ang pinsala niya at agad niyang ginamit ang pinakamalakas na technique ng Heavenly Breath. Matinding True Energy ang bumalot sa katawan niya. Naging kulay tanso ang balat niya.“T-Teka… siya iyon?!”Sagot ni Delainey matapos makita ang pagbabagong kulay ng balat ni James.“Siya ang
”Sect Leader!!!”“Ama!!!”Nataranta ang lahat matapos makidnap ang pinuno ng Mount Thunder Sect.“James, pagsisisihan mo ito kapag sinaktan mo ang ama ko!!!!” Sigaw ni Delainey sa direksyon kung saan umalis si James.Samantala, sa pinakamataas na bahagi ng kabundukan, isang matanda ang nanood sa laban.Ngunit, hindi niya sinubukan na makielam at pinanood lamang si James habang paalis siya mula sa teritoryo ng Mount Thunder Sect.Matapos dakipin ni James si Jackson, agad siyang nawala mula sa paningin ng buong Mount Thunder Sect.Ibinaba ni James si Jackson sa tuktok ng bundok sa malayong kabundukan mula sa Mount Thunder Sect.Cough!Umubo at sumuka ng dugo si Jackson.Sinulyapan ni James si Jackson na namumutla.Dinilaan ni Jackson ang mga labi niya at nagsalita ng mahina, “James, walang sama ng loob o away ang Mount Thunder Sect at mga Caden. Sa pagkakaalam ko, wala din kami nagawang masama. Kaya bakit mo ito ginagawa?”Umupo ng pa-lotus position si James.Tinignan niya si Jackson at
Nagmadali na tumungo si James sa lokasyon na ibinigay sa kanyaGamit ang kanyang True Energy, mabilis siyang nakapunta sa lokasyon. Sa loob lamang ng kalahating oras, mahigit sa 200 kilometro ang nalakbay niya.Inilabas niya ang phone niya para masiguro na nasa tamang lokasyon siya. Tinignan niya ang villa na nasa harapan niya.Isa itong tatlong palapag na villa na ilang libong kilometro ang sakop. Mula sa malayo, tila resort ito.Hinawakan ni James ang espada niya at pumasok sa entrance ng villa.Kumatok siya sa pinto.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at isang lalake sa nasa dalawampung taong gulang ang edad ang nagbukas nito. Noong nakita niya si James, umatras siya bigla na tila nakakita ng multo.“Nandito na si James! Dumating na siya…”Napukaw ang atensyon ng iba sa villa dahil sa pagsigaw niya.Dali daling lumabas ang mga tao.Ang nangunguna ay si Lucjan.Pumasok si villa si James at sinuri ang mga taong nasa loob. Lalo na ang matandang nangunguna, tinitigan niya ito ng husto.A
Habang tinitignan ni James ang mga babae, nakikita niya na okay ang kalusugan nila at maganda ang kundisyon nila sa pag-iisip. Malinaw na hindi sila natorture sa mga nakalipas na araw.“Pakawalan mo sila.”Sumenyas si Lucjan. “Siyempre, puwede ko sila pakawalan, James. Malaya silang umalis kahit na kailan, pero makinig ka. Pinatay mo ang pinuno ng Mount Thunder Sect. Sigurado akong alam mo kung gaano kabigat ang pumatay ng pinuno ng ancient martial world?”Tahimik si James at hindi sumagot.Nagpatuloy si Lucjan. “Kilala at respetado sa ancient martial world ang pinuno ng Mount Thunder Sect. Ang sect leader nila 100 taon na ang nakararaan ang Great Grandmaster, at ang Mount Thunder Sect ang namumuno sa lahat ng ancient martial artists. Bukod pa dito, sila ang pangunahing lakas ng King. Sa tingin mo ba makakabalik ka pa din bilang Dragon King at Emperor sa kabila ng lahat ng ito?”Napasimangot si Quincy matapos marinig ang mahabang kuwento ni Lucjan. “James… Anong ginawa mo?”Kahit na wa
Tinignan ng mga babae si James. Lahat sila hindi mapakali at nag-aalala.Huminga ng malalim si James bago sumagot, “Kung magiging okay ang lahat, makakabalik ako bago mag New Year’s Day.”Ang Mount Thunder Conference ay magaganap sa Pasko.Ilang araw lang ito mula sa New Year’s Day.Tatagal ang conference ng mahigit sa ilang mga araw.Kung maayon ang lahat sa plano, makakabalik si James pagkatapos ng New Year’s Day.Kung hindi…Hindi naglakas loob si James na isipin kung anong maaari na mangyari sapagkat wala siyang kumpiyansa na makakabalik siya ng buhay.Matapos marinig ang sagot niya, natahimik ang mga babae.Matapos ang ilan sandali, binasag ni Cynthia ang katahimikan at nagsalita siya, “James, na-cultivate ko na ang True Energy, pero mahina pa ako at hindi pa kita matutulungan.”“Bumalik ka na muna sa Cansington. Hindi ninyo na kailangan isipin kung anong mga nangyayari dito. Matapos niyo bumalik, puwede ninyo gawin ang gusto ninyo pero huwag kayong aalis ng Cansington,” malumanay
Pagkatapos lamang na mahatid si Quincy at ang iba pa sa Cansington ay bahagyang nakahinga ng maluwag si James.Naniniwala siya na hindi na siya banta ni Lucjan sa buhay ng iba dahil naubos na niya ang Soul Eating Pill.Malaki rin ang tiwala ni Lucjan na patuloy na magtatrabaho si James para sa kanya.Tinitigan ni Lucjan si James sa villa nang may paghanga at sinabing, “Gusto talaga kita, James. Isa kang napakabihirang hiyas at nakamit mo ang napakahusay na lakas sa murang edad. Sa ilang higit pang mga dekada, halos hindi ka na matatalo. Kapag nasa tabi kita, makakapagsimula tayo ng bagong era ng walang katulad na kasaganaan!"Kalmadong tanong ni James, "Wala akong ideya kung ano ang layunin ng Gu Sect. Gusto mo bang ipaliwanag ito sa akin?""Ganoon ba?"Tumingin si Lucjan kay James at nakangiting sumagot, “Karamihan sa mga tao ay hinahabol ang lakas at kapangyarihan sa buong buhay nila. Likas lamang ng tao na maging sakim at tumayo sa tuktok ng mundo. Kung hindi, hindi na sana na