”Sect Leader!!!”“Ama!!!”Nataranta ang lahat matapos makidnap ang pinuno ng Mount Thunder Sect.“James, pagsisisihan mo ito kapag sinaktan mo ang ama ko!!!!” Sigaw ni Delainey sa direksyon kung saan umalis si James.Samantala, sa pinakamataas na bahagi ng kabundukan, isang matanda ang nanood sa laban.Ngunit, hindi niya sinubukan na makielam at pinanood lamang si James habang paalis siya mula sa teritoryo ng Mount Thunder Sect.Matapos dakipin ni James si Jackson, agad siyang nawala mula sa paningin ng buong Mount Thunder Sect.Ibinaba ni James si Jackson sa tuktok ng bundok sa malayong kabundukan mula sa Mount Thunder Sect.Cough!Umubo at sumuka ng dugo si Jackson.Sinulyapan ni James si Jackson na namumutla.Dinilaan ni Jackson ang mga labi niya at nagsalita ng mahina, “James, walang sama ng loob o away ang Mount Thunder Sect at mga Caden. Sa pagkakaalam ko, wala din kami nagawang masama. Kaya bakit mo ito ginagawa?”Umupo ng pa-lotus position si James.Tinignan niya si Jackson at
Nagmadali na tumungo si James sa lokasyon na ibinigay sa kanyaGamit ang kanyang True Energy, mabilis siyang nakapunta sa lokasyon. Sa loob lamang ng kalahating oras, mahigit sa 200 kilometro ang nalakbay niya.Inilabas niya ang phone niya para masiguro na nasa tamang lokasyon siya. Tinignan niya ang villa na nasa harapan niya.Isa itong tatlong palapag na villa na ilang libong kilometro ang sakop. Mula sa malayo, tila resort ito.Hinawakan ni James ang espada niya at pumasok sa entrance ng villa.Kumatok siya sa pinto.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at isang lalake sa nasa dalawampung taong gulang ang edad ang nagbukas nito. Noong nakita niya si James, umatras siya bigla na tila nakakita ng multo.“Nandito na si James! Dumating na siya…”Napukaw ang atensyon ng iba sa villa dahil sa pagsigaw niya.Dali daling lumabas ang mga tao.Ang nangunguna ay si Lucjan.Pumasok si villa si James at sinuri ang mga taong nasa loob. Lalo na ang matandang nangunguna, tinitigan niya ito ng husto.A
Habang tinitignan ni James ang mga babae, nakikita niya na okay ang kalusugan nila at maganda ang kundisyon nila sa pag-iisip. Malinaw na hindi sila natorture sa mga nakalipas na araw.“Pakawalan mo sila.”Sumenyas si Lucjan. “Siyempre, puwede ko sila pakawalan, James. Malaya silang umalis kahit na kailan, pero makinig ka. Pinatay mo ang pinuno ng Mount Thunder Sect. Sigurado akong alam mo kung gaano kabigat ang pumatay ng pinuno ng ancient martial world?”Tahimik si James at hindi sumagot.Nagpatuloy si Lucjan. “Kilala at respetado sa ancient martial world ang pinuno ng Mount Thunder Sect. Ang sect leader nila 100 taon na ang nakararaan ang Great Grandmaster, at ang Mount Thunder Sect ang namumuno sa lahat ng ancient martial artists. Bukod pa dito, sila ang pangunahing lakas ng King. Sa tingin mo ba makakabalik ka pa din bilang Dragon King at Emperor sa kabila ng lahat ng ito?”Napasimangot si Quincy matapos marinig ang mahabang kuwento ni Lucjan. “James… Anong ginawa mo?”Kahit na wa
Tinignan ng mga babae si James. Lahat sila hindi mapakali at nag-aalala.Huminga ng malalim si James bago sumagot, “Kung magiging okay ang lahat, makakabalik ako bago mag New Year’s Day.”Ang Mount Thunder Conference ay magaganap sa Pasko.Ilang araw lang ito mula sa New Year’s Day.Tatagal ang conference ng mahigit sa ilang mga araw.Kung maayon ang lahat sa plano, makakabalik si James pagkatapos ng New Year’s Day.Kung hindi…Hindi naglakas loob si James na isipin kung anong maaari na mangyari sapagkat wala siyang kumpiyansa na makakabalik siya ng buhay.Matapos marinig ang sagot niya, natahimik ang mga babae.Matapos ang ilan sandali, binasag ni Cynthia ang katahimikan at nagsalita siya, “James, na-cultivate ko na ang True Energy, pero mahina pa ako at hindi pa kita matutulungan.”“Bumalik ka na muna sa Cansington. Hindi ninyo na kailangan isipin kung anong mga nangyayari dito. Matapos niyo bumalik, puwede ninyo gawin ang gusto ninyo pero huwag kayong aalis ng Cansington,” malumanay
Pagkatapos lamang na mahatid si Quincy at ang iba pa sa Cansington ay bahagyang nakahinga ng maluwag si James.Naniniwala siya na hindi na siya banta ni Lucjan sa buhay ng iba dahil naubos na niya ang Soul Eating Pill.Malaki rin ang tiwala ni Lucjan na patuloy na magtatrabaho si James para sa kanya.Tinitigan ni Lucjan si James sa villa nang may paghanga at sinabing, “Gusto talaga kita, James. Isa kang napakabihirang hiyas at nakamit mo ang napakahusay na lakas sa murang edad. Sa ilang higit pang mga dekada, halos hindi ka na matatalo. Kapag nasa tabi kita, makakapagsimula tayo ng bagong era ng walang katulad na kasaganaan!"Kalmadong tanong ni James, "Wala akong ideya kung ano ang layunin ng Gu Sect. Gusto mo bang ipaliwanag ito sa akin?""Ganoon ba?"Tumingin si Lucjan kay James at nakangiting sumagot, “Karamihan sa mga tao ay hinahabol ang lakas at kapangyarihan sa buong buhay nila. Likas lamang ng tao na maging sakim at tumayo sa tuktok ng mundo. Kung hindi, hindi na sana na
Hindi nag-abala sa kawalan ng tugon ni James, nagpatuloy si Lucjan sa pagsasalita. “Noon, maraming bansa sa buong mundo ang natangay sa labanang nangyayari. Ang kaaway ay nagngangalit at gumawa ng mga karumal-dumal na krimen sa buong mundo. Ngunit, ang Hari noong panahong iyon ay tumanggi sa mga reparation sa digmaan."Nakinig nang mabuti si James."Iminungkahi ng aming sect na samantalahin ang pagkakataon na maglunsad ng isang pag-atake, ngunit inuna ng Hari ang pagpapanumbalik ng bansa. Kaya, ang relasyon sa pagitan ng magkabilang partido ay nasira at kalaunan ay bumagsak, na humantong sa unang labanan laban sa Gu Sect. Ang aming sect ay dumanas ng matinding pagkalugi, ngunit isinantabi ng Hari ang lahat ng naunang kontribusyon nito sa bansa at winasak ang mga Owen at Davis."Naiintindihan ko na ang isang pinuno ay dapat maging mapagpasya sa mga ganitong sandali upang maiwasan ang mga problema bago ito lumitaw.“...Ngunit hindi siya nagpakita ng anumang awa.”Habang nagsasalita
Naunawaan ni James na papatayin ang dalawang babae kapag tumanggi siya sa kanilang serbisyo. Wala siyang choice kundi tanggapin dahil ayaw niyang may mamatay ng iba dahil sa kanya.Tumayo ulit ang dalawang babae at nagsimulang hubaran si James.Hindi nagtagal, nawala ang kanyang damit, boxers na lang ang natira.Lumapit ang isa sa mga babae para tulungan siyang hubarin ito.Mabilis na naglahad ng kamay si James para pigilan siya. "Tama na yan."Pagkatapos, lumublob siya sa bathtub.Ang temperatura ng tubig ay kaaya-aya. Humiga siya sa bathtub at nagpakawala ng maluwag na buntong-hininga.Biglang lumuhod ang dalawang babae sa sahig at nagsimula na ring maghubad.Sinubukan agad silang gambalain ni James "Anong ginagawa niyong dalawa?"Magalang na sagot ng isa sa mga babae habang dinidiin ang kanyang ulo sa sahig, "Emperor, sa’yo kami ngayong gabi."Naguguluhan si James."Isang karangalan na pagsilbihan ka ngayong gabi, Emperor.""Pakiusap tanggapin mo kami, Emperor.""Naiint
Nagbulungan ang dalawa at nag-usap tungkol kay James.“Nakarinign ako ng ilang rumor tungkol kay James... sabi nila devoted ito at loyal to Thea. Nagpakasal pa siya sa mga Callahan at tiniis ang lahat ng pagmamaltrato nila para makasama niya ito.”"Oo, narinig ko na rin yan. Maswerteng babae si Thea. Ang mga taong tulad natin ay maaari lamang mangarap na magkaroon ng buhay na katulad niya...”“Yeah…”Biglang bumalik si James sa banyo.Mabilis na tumayo ang kambal, tumambad kay James ang hubad nilang katawan.Mabilis na tumalikod si James."Tama na yan. Kaya ko maligo mag-isa. Pwede na kayong dalawa bumalik sa kwarto at doon na magdamag." No choice si James kundi hayaan silang magpalipas ng gabi sa kanyang kwarto kahit na wala siyang balak na kahit ano sa kanila.Nagpalitan ng tingin ang kambal at sabay na lumabas ng bathtub.Ang mahahabang balingkinitan nilang binti ay tuluyang nakalabas para makita ni James.Niyakap ng isa sa mga kambal si James mula sa likod at pinadaan ang