"Anong klaseng wine 'to?" Nagulumihanan si James habang tinitingnan niyang maigi ang basong gawa sa jade. Nginitian siya ng matandang lalaki at sinabing, "Ito ay Mount Thunder Snow Lotus Wine. Kilala din ito sa tawag na Sacred Snow Lotus Wine."Hindi napigilan ni James na damputin ang baso sa pagkamangha. Pinaikot niya ang ilang patak ng wine at inamoy niya ito. Isang matamis, at nakakahalinang amoy ang nanuot sa kanyang ilong, at naramdaman niya ang naging reaksyon dito ng True Energy sa kanyang katawan. "Pambihira 'to," ang sabi ni James. Pagkatapos niyang magsalita, sinimulan niyang ilapit ang baso sa kanyang mga labi. Bago niya matikman ang wine, agad na hinablot ng matanda ang baso ng wine mula sa kanyang mga kamay. "Una sa lahat, kailangan ko munang makita kung karapatdapat ka bang uminom ng wine na 'to."Inangat ni James ang kanyang ulo at nakita niya ang matandang lalaki na nakatingin sa kanya habang hawak ang kanyang baso. Nahumaling si James sa wine. Walang
Ininom ni James ang milagrosong patak ng wine. Noong pumasok sa sikmura ni James ang patak ng wine, nakaramdam siya ng apoy na sumindi sa kaloob-looban ng kanyang katawan. Ang kanyang True Energy ang nagsilbing mitya nito, patuloy nitong pinag-alab ang apoy at hindi tumigil ang pagbugso ng enerhiya sa buong katawan niya. Habang nakatuon ang atensyon ni James sa paghigop sa enerhiya, tumayo ang matandang lalaki sa gilid ng bangin sa di kalayuan habang nasa likuran niya ang kanyang mga kamay. Tahimik na tumingin ang kanyang mga mata sa malayo. Mabilis na lumipas ang gabi. Magdamag na sinubukan ni James na higupin ang enerhiya mula sa isang patak ng Mount Thunder Snow Lotus Wine. Napansin niya na ang kanyang True Energy ay naging mas malakas sa paglipas ng gabi. Tinapos niya ang kanyang meditation at bumuntong hininga siya. Pagkatapos, tumayo siya at sinabing, "Salamat, Sir."Lumingon ang matandang lalaki. Humakbang siya paharap at agad siyang sumulpot sa harap ni James. Um
Ngumiti ang matandang lalaki. Inangat niya ang kanyang kamay at isang nakakatakot na aura ang agad na lumabas mula dito. Sa isang iglap, huminto ang pagguho ng bundok na nasa malayo na para bang huminto ang oras nito.“Ano ‘to…?” Nagulat si James.“Ang aura niya…”May naramdaman na siyang ganitong aura noon.Noong nasa Mount Littleroot siya, nagawa niyang saktan si Donovan hanggang sa puntong sumusuka na siya ng dugo. Pagkatapos humingi ni Donovan ng tulong, naramdaman niya ang isang aura na gaya nito. Ang kapangyarihan na ito na kinaiinggitan ng mga martial artist saan mang sulok ng mundo ay may kakayahang pagalawin ang hangin at ang mga ulap. May hinala si James na ang matandang lalaki sa harap niya ay isang eighth-rank na martial artist, na kilala rin bilang isang Celestial Raiser. Noong maramdaman niya ang posibilidad, nagsalita si James. "Sir, posible bang isa kang… Grandmaster na nasa eighth-rank?" "Haha…" Hinaplos ng matandang lalaki ang kanyang puting balbas at tuma
Ang eighth-rank, ang Celestial Raiser, ay may kakayahang pagalawin ang hangin at mga ulap gamit ng kanilang enerhiya. Imposibleng hindi naramdaman ni Jackson Cabral ang napakalakas na kapangyarihan na kailangan upang magawa ito. Dahil ang pinakamahalagang martial art event, ang Mount Thunder Conference ay malapit nang ganapin, normal lang na sumulpot ang mga eighth-rank na grandmaster sa panahon na ito. "Dad, nagdulot ng napakalaking komosyon ang taong ito sa mga miyembro nh Mount Thunder Sect. Halatang isa itong pagbabanta laban sa'tin. Pinadala ng sect natin ang lahat ng mga martial artist natin sa digmaan isang daang taon na ang nakakaraan at maraming namatay sa kanila. Sa wakas nakabawi na tayo paglipas ng napakahabang panahon. Kapag may sumugod sa'tin ngayon, kinakatakot ko na baka…"Lalong napasimangot si Delainey. "Tsaka, nanakaw ang Mount Thunder Snow Lotus Wine.""Ano?!" Dumilim ang ekspresyon ni Jackson, at nagtanong siya at maririnig sa kanyang boses ang galit ni
Samantala, binuksan ni Maxine ang pinto ng isang liblib na villa na matatagpuan sa Military Region ng Cansington. Napaliligiran ng napakaraming mga armadong sundalo ang villa.Noong sandaling sinubukan niyang lumabas, maraming sundalo ang humarang sa daan niya. Bigla silang lumuhod sa lupa at nagmakaawa, “Ms. Maxine, pakiusap huwag mo na kaming pahirapan. Napag-utusan lang kami ng mga nakakataas sa’min at papatawan kami ng parusa ng kamatayan kapag nabigo kami. Kapag hinayaan ka naming umalis, mapaparusahan kami ng batas militar. Kung papalarin kami, aalisin lang ang ranggo namin at papaalisin kami sa militar. Kung mamalasin kami, papatawan kami ng parusa ng kamatayan.Noong narinig niya ito, nag-alala si Maxine.Kagabi pa bumalik ang mga acupoint niya, at gusto sana niyang umalis ngunit nakaharap niya ang mga sundalo na nagmamakaawa na sumunod na lang siya sa takot na mamatay sila.Noong sandaling iyon, naglakad din palabas ng villa si Thea at nakita din niya ang mga nakaluhod na
Nag-aalalang bumulong ang Blithe King.Agad niyang nilisan ang kanyang opisina at tumungo sa villa kung nasaan sina Maxine at Thea. Hindi nagtagal, dumating siya at kumatok sa pinto.Nag-iisip pa ng plano sina Thea at Maxine ng bigla sila nakarinig ng hindi inaasahang pagkatok mula sa pinto.Tumayo si Maxine at sinabi habang palapit sa pinto, “Titignan ko kung sino.”Binuksan niya ang pinto at nakita ang Blithe King na nakatayo sa labas.“Ms. Maxine,” pagbati ng Blithe King habang nakangiti.“Tuloy ka.”Tumalikod si Maxine at pumasok sa villa.Pumasok ang Blithe King.Matapos makita ang Blithe King, tumayo si Thea at galit na sumigaw, “Anong ibig mo sabihin dito, Blithe King? Gaano katagal mo kami balak na ikulong dito?”Hindi alam ng Blithe King kung paano sasagot, “Ms. Thea, hindi mo ako masisisi dito. Si James ang nag-utos na pinagbabawalan kayong dalawa na umalis dito. Kung hindi magagawa ng mga sundalo ang utos na ito, bibitayin sila. Sana naiintindihan na ninyo kung bakit hindi k
“Haha. Hindi na masma bata. Natutuwa ako sa iyo. Ito, ilang mga patak na lang ng wine ang nandito. Maaari mo na itong inumin lahat. Hindi ka nito matutulungan sa paglampas sa Summit, pero makakatulong ito sa True Energy mo.”Natuwa si James matapos payagan na uminom pa ng mala alamat na wine.Pero hindi na ito katulad noong umpisa, hindi na ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya.Nagsimula siya sa pag-absorb ng enerhiya mula sa wine. Sa loob lamang ng isang oras, naging bahagi na niya ang Mount Thunder Snow Lotus Wine energy at nagawa niya na itong gawin na kanyang enerhiya.“Oo nga pala…”Matapos ma-absorb ang enerhiya, may naalala si James at sinabi, “Sir, may nakaengkwentro akong problema. Maaari ko po ba hingin ang payo ninyo?”“Walang problema. Sabihin mo.”“Ang ilan sa mga kaibigan ko ay nahuli ng kalaban ko. Naghihinala ako na miyembro ang mga ito ng Gu Sect. Inutusan nila ako na tumungo agad ng Mt. Thunder Sect para patayin ang pinuno nito. Ang kapalit nito, sisiguraduhin nila
Mahigit sa isang dosenang mga disipulo ng Mount Thunder Sect ang sumubok na pumigil kay James.Ngunit, mahina ang mga disipulong ito. Ang karamihan sa kanila ay nasa first rank.Wala silang laban kay James. Sa loob lang ng isang sandali, nahati na ni James ang mga espada nila, pero ang nakita lang nila ay tila isang pigura na mabilis na nawawala.Nanlaki ang mga mata ng mga disipulo, nabalot ang isip ng takot. Hindi makapaniwala sa mga nakita nila at nagpanic na.Anong klaseng lakas ito?Hindi gusto ni James na lumala pa ang sitwasyon. Tumayo siya sa likod nila at kalmadong sinabi, “Bilisan na ninyo at ipaalam sa pinuno na naparito ako para bumisita.”Naayos ng mga disipulo ang mga sarili nila, pinulot ang mga nasirang espada at pumasok na.Tumayo si James at naghintay.Samantala, hindi mabilang na dami ng mga beteranong mandirigma ng Mount Thunder Sect ang nagtipon sa palace hall.Ang nakaupo sa harap ay pinuno ng Mount Thunder Sect, si Jackson Cabral, at sa ibaba niya ay ilang mga s