Bago pa man makakilos si James, tumilapon siya pabalik sa bulwagan. Noong sandaling tumama sa dibdib niya ang malakas na atakeng iyon, nakaramdam siya ng matinding sakit sa buong katawan niya. Pagkatapos, kumulo ang kanyang Blood Energy, at sumuka siya ng dugo. Mabilis siyang bumangon at umupo siya ng naka lotus position, ginamit niya ang Heavenly Breath upang pigilan ang nagwawalang Blood Energy sa kanyang katawan. Pagkatapos, inangat niya ang kanyang ulo. Isang matandang lalaki na may tungkod ang naglakad papasok sa bulwagan. Noong nakita ni Tobias ang itsura ng lalaki, namutla ang kanyang mukha, at napasigaw siya, "Mr. Yaakov?" Ito ay si Yaakov Johnston, ang Grand Patriarch ng mga Johnston. Higit na mas mataas ang estado niya kaysa kay Bennett Caden. Pagpasok niya sa bulwagan, humanap siya ng mauupuan. Pagkatapos, tinakpan niya ang kanyang bibig, at umubo siya ng ilang beses. Nakaupo si James ng naka lotus posisyon sa sahig upang gamutin ang pinsalang tinamo niya.
Tumingin siya kay James at kwinestiyon niya siya, "James, totoo ba na ninakaw mo ang mga painting ng tatlo pang pamilya ng Ancient Four at natuklasan mo ang sikreto sa likod ng mga ito?" Interesado rin si Tobias na malaman kung paano naging ganito kalakas si James sa loob lang ng maikling panahon. Subalit, tumanggi si James na sabihin sa kanya ang totoo. Kaya naman, ginagamit niya ang pagkakataong ito upang pilitin si James na sabihin ang totoo. Pinag-isipang maigi ni James ang tungkol dito. Alam niya na hindi siya poprotektahan ng mga Caden mula sa Grand Patriarch ng mga Johnston kapag hindi siya nagbigay ng kapani-paniwalang eksplanasyon. "Hindi." Pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, sinabi niya na, "Noong nakakulong ako sa piitan ng mga Blithe, nakilala ko ang isang lalaki na nagngangalang Spencer Blithe. Dahil alam niya na hindi na siya magtatagal, ipinasa niya sa'kin ang kanyang True Energy at tinuro niya sa'kin ang Blithe Fist of Abomination. "Tsaka,
Matagal nang interesado si Tobias sa Blithe Fist of Abomination.Kahit na na-cultivate niya ang Thirteen Heavenly Swords, ang signature martial art skill ng mga Caden, masama pa rin ang loob niya tungkol sa pagkatalo niya laban sa Blithe Fist of Abomination.Ngayong alam na niya na kinultivate ni James ang martial art skill na ‘to, gusto niyang matutunan rin ito. Alam ni James kung ano ang iniisip ni Tobias.Paano niya magagawang ituro ang Blithe Fist of Abomination sa kanya?“James, simula sa araw na ‘to, ikaw na ang magiging Minor Patriarch ng Caden family. Pagkatapos ng Mount Thunder Conference, bababa ako mula sa posisyon ko bilang Patriarch para sa’yo, ‘yun ay kung buhay pa ang mga Caden.” May malungkot na ekspresyon sa mukha ni Tobias.“Napapaligiran ng mga kalaban ang mga Caden ngayon. Marami ang naghihintay sa pagbagsak ng pamilya natin. Gayunpaman, dahil limitado ang lakas ko, hindi ko kayang protektahan ang buong pamilya. Subalit, kung matututunan ko ang Blithe Fist of
Kahit na hindi alam ni James kung gaano kalakas si Bennett, alam niya na malakas siya. Isinantabi muna niya ang mga nasa isip niya sa ngayon. Nagtanong si Thea, “Ano nang balak mong gawin ngayon, Mahal? Malapit na ang Mount Thunder Conference. Balak mo bang gamitin ang pagkakataon na ‘to para pumasok sa closed-door meditation o gusto mo bang ituloy ang plano mo na patayin si Mr. Gabriel?”“Huwag nating madaliin ang mga bagay…” Ang sabi ni Maxine.“Huh?” Tumingin sila James at Thea sa kanya. Nag-isip ng malalim si Maxine. “Naisip ko lang… Sa tingin ko si Mr. Gabriel ang mastermind sa likod ng insidenteng ito.”Nagtanong si James, “Paano mo naman nasabi?”Pinaliwanag ni Maxine ang kanyang obserbasyon, “Kompidensyal ang taglay mong lakas. Kaunting tao lang ang nakakaalam ng tungkol dito. Ngayon, biglang nakatanggap ang iba pang pamilya na kabilang sa Ancient Four ng impormasyon tungkol dito at nagdesisyon silang kumilos. Hindi nangingialam ang tatlong pamilya sa mga kaganapan
Pinagkakatiwalaan ni Thea si Thomas.Ngunit, may punto nga naman si maxine. Maganda na rin na subukan.Pinagisipan ito ni James. Ang plano niya ay patayin si Mr. Gabriel, palabasin ang Gu Sect, at sabay sabay silang hulihin. Pero, ang pakikipagtulungan lamang kay Mr. Gabriel ang tanging paraan para madagdagan ang kaalaman niya sa Gu Sect. Hindi na rin masama ang bagay na ito.“Sige, bibisitahin ko ang mga Sullivan at mga Lee. Pero hindi ko alam kung saan sila nakatira.”“Sasama din ako,” sagot ni Maxine, “Minsan na akong isinama ni lolo doon. Alam ko ang daan.”“Mhm,” sumangayon si James. Hindi na ito masyadong problema kung ituturo ni Maxine ang daan.Sapagkat ayaw ni Thea hayaan na magkaroon ng pagkakataon na maiwan silang dalawa ng magkasama, agad niyang sinabi, “Sasama din ako, Darling.”“Thea, seryosong bagay ito.”“Alam ko. Hindi na ako ang Thea noon. Bilang third-rank martial artists, mas malakas pa ako kay Maxine,” sagot niya matapos sulyapan si Maxine.Dahil alam ni Maxine kun
“Masusunod.”Tumango si Madelyn.“Sige na, maaari ka ng umalis. Hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nakaraang mga araw, kaya magpapahinga na ako sa kuwarto ko.”Tumayo si Yaroslav. Hindi niya alam kung makakatulog siya, pero maliban sa pagtulog, wala na siyang iba na magagawa.Bumalik siya sa kuwarto niya at nahiga sa kama, pero hindi siya makatulog.Maraming taon na ang lumipas mula ng nakaramdam siya ng pagkabalisa. Ipinikit niya ang mga mata niya, at milyun-milyong mga ideya ang sumagi sa isip niya.Bigla siyang may naalala at napabangon mula sa kama.Ilang araw lang ang nakararaan, pumunta si Thomas doon para ipaalam sa kanya ang lakas ni James. Sinabi niya na mamamatay siya sa mga kamay ni James. Pero, sinabi rin niya na makakaligtas siya kung makakaisip siya ng paraan.“Hindi kaya…?”Umisip ng posibilidad si Yaroslav.Maaaring may ipinapahiwatig si Thomas. Ipinapaalala niya na makipagtulungan kay James para mabuhay.Hindi ito pag-iisipan ni Yaroslav kung ibang tao ang nagsabi ni
Sa suburbs sa Capital…Isang convoy ang tumigil sa paanan ng burol.Tatlong tao ang bumaba mula sa convoy. Ito ay sina James, Thea at Maxine.Itinuro ni James ang hardin sa paanan ng burol at sinabi, “Ito ang tirahan ng mga Sullivan. Kumilos na tayo.”Pagkatapos, lumapit siya patungo sa mga Sullivan kasama sina Thea at Maxine.Hindi nagtagal, nakarating sila doon.Bago pa sila kumatok sa pinto, bumukas na ito, at isang lalakeng nasa dalawampung taong gulang ang lumabas. Siya si Skylar Sullivan, disipulo ng mga Sullivan sa main branch at manliligaw ni Maxine.Pinaglalaruan ni Skylar ang mga susi sa kamay niya. Matapos mapansin na may tao sa pinto, tumingala siya. Ng makita niya sina James at iba pa, kinilabutan siya. Napaupo siya at sumigaw, “Nandito si James, tulong!”Kumalat ang balita tungkol sa pagkakatalo ng Patriarch ng mga Johnston sa mga kamay ni James.Ngayon, alam na nila ang walang kapantay na lakas ni James.Matapos marinig ang sigaw ni Skylar, nagtipon ang mga Sullivan sa p
Matapos ang ilang sandali, sumagot si Zaiden, “Pag-usapan natin ito sa loob.”Matapos ito sabihin, tinignan niya ang paligid at nag-utos, “Maaari na kayong umalis.”“Masusunod.”Pagkatapos, umalis ang mga martial artists.“Dito tayo,” si Zaiden ang personal na nag-welcome papasok kay James.Hindi inaasahan ni James na susunod na lang ng ganito ang Patriarch ng mga Sullivan. Handa siya maging bayolente kung kinakailangan sakaling ayaw isiwalat ng mga Sullivan ang impormasyon na hinahanap niya.Pumasok sila sa mansion ng mga Sullivan.Sa living room…Isang katulong ang naghanda ng tsaa para kay James at sa iba.Tinignan ni James si Zaiden at sinabi, “Sa tingin ko oras na para sagutin mo ang mga tanong ko.”Nanatiling tahimik si Zaiden. Tinitigan niya si James habang napapaisip at tinanong, “Bago ang tanong mo, may gusto ako itanong.”“Tanong lang.”Nagtanong si Zaiden, “Dalawang buwan na ang nakararaan, isa ka lamang martial artist na hindi kailangan bigyan ng pansin. Paano ka naging gan