Magagawa lamang ang True Energy Materialization sa sixth rank. Kapag ginawa ito, maaaring kunin ng True Energy ng isang tao ang anumang hugis. Samantala, kailangan munang maabot ng isang tao ang sixth rank upang makagamit ng Sword Energy. Nangangailangan ito ng kahusayan sa mga sword technique at malakas na True Energy.Noong sandaling nagpakawala si James ng malakas na Sword Energy, nagulat si Hades. Iniwasan niya ang atake. Gaya ng isang homing missile, sinundan siya ng Sword Energy. Lumapag sa lupa si Hades. Nagdilim ang kanyang mukha, at nagpakawala siya ng sunud-sunod na mga suntok. Whoosh! Ang mga kamao ay naging isang buhawi at sinangga nito ang Sword Energy, na unti-unting naglaho. Noong makita niya ito, kinilabutan si James. Hindi niya inaasahan na ganito kalakas ang Patriarch ng mga Johnston. "Hmph…" Nagsalita si Hades ng may malagim na ekspresyon, "Hindi ko inakala na naabot mo na ang Second Sword Realm ng Thirteen Heavenly Swords at nakakagamit ka na n
Mayroon siyang espada sa kanyang likod. Ito ay si Tobias. Subalit, hindi siya nangialam. Higit pa sa inaasahan niya ang taglay na lakas ni James. Interesado siyang malaman kung hanggang saan ang kakayanin niya. Samantala, natatalo na si James. Alam niya na mamamatay siya kapag hindi niya ginamit ang kanyang signature martial art skill. Kaya naman, gumamit siya ng Heavenly Breath. Binalot siya ng malakas na True Energy at pumasok ito sa katawan niya. Pagkatapos, nilabas niya ang Invincible Body Siddhi. Agad na sumailalim sa malaking pagbabago ang kanyang katawan at naging tanso ito. Klank! Tumama sa kanya ang isang suntok. "Ano?" Nagdilim ang mukha ni Hades. Namanhid ang kanyang braso, at napaatras siya dahil sa pwersa nito. Nagsalita si Zaiden, "Ano 'to?" Nagsalubong ang mga kilay ni Yasmine, at bumulong siya, "Anong martial art skill 'to? Posible kayang isa 'to sa mga nakatala sa apat na painting?" Samantala, nagtaka din si Tobias. Wala pa siy
Hinagis ni James ang espada sa isang tabi. Pagkatapos, tumingin siya kay Hades, na nakahiga sa lupa at hindi gumagalaw. Alam niya na ang isang sixth-rank martial artist na gaya ni Hades ay hindi mamamatay ng ganun kadali. Dahil nagpunta dito si Hades para maghanap ng gulo, kailangan niya siyang gawing halimbawa. Kung hindi, patuloy lamang nila siyang guguluhin. Naglakad siya palapit kay Hades. Klak! Klak! Klak! Ang bawat hakbang niya ay nagdulot ng matinding takot sa mga miyembro ng tatlo pang pamilya na kabilang sa Ancient Four. Maging sila Zaiden at Yasmine ay nagulat. Inasahan na nila na matatalo ni James si Hades, lalo na't natalo ni James si Donovan Blithe sa Western Border. Subalit, kahit na natalo siya, inasahan nila na patas lang sila, at hindi mananalo ng ganito si James. Noong nakita ni Tobias na natalo ni James si Hades, naging malagim ang ekspresyon niya. Nag-aalala siya na baka magalit ang mga Johnston dahil sa pagkamatay ni Hades. Hindi ganun kasim
"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" Noong nakita niya na nag-aalinlangan si James, binuyo siya ni Hades. Alam niya na hindi mangangahas si James na patayin siya. “Hmph!” Hinila ng malakas na True Energy na nasa kamay ni James si Hades palapit sa kanya. "Hindi ka makakatakas sa parusa." Pagkatapos, sinuntok ni James ang sikmura ni Hades, na sumira sa kanyang elixir field. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng True Energy ni Hades. Kasunod nito, hinablot niya ang kamay ni Hades at piniga niya ito. Crack! Nabasag ang mga buto ni Hades. “Argh!” Napasigaw sa sakit si Hades. Nanlaki ang kanyang mga mata at namilipit sa sakit ang kanyang mukha. Pagkatapos, binali ni James ang lahat ng mga braso at binti ni Hades at hinagis niya siya sa isang tabi ng parang isang manika. Natulala ang lahat. "Lumpo na ba siya?" Ilang dekadang nagcultivate ang Patriarch ng mga Johnston bago niya naabot ang sixth rank. Ngayon, lumpo na siya. Namutla ang mukha ni Kennedy noong
Noong nagpanggap si Thea na si Maxine upang iligtas si James, nakita mismo ng kanyang mga mata kung paano inalis ni Hades ang martial art skills ni James. Subalit, wala siyang kahit anong martial art skills. Kahit na sinusuportahan siya ng God-King Palace, hindi siya maaaring magpadalos-dalos. Ngayon, pinuri niya si James para sa paglumpo kay Hades. "Naisip mo ba ang maaaring mangyari dahil sa ginawa mo?" Sumimangot si Maxine. Ang sabi ni James, "Syempre naman. Nag-alala ako na baka mawalan ng kontrol ang mga Johnston. Kung hindi ko naisip 'yun, baka pinatay ko na ang matandang 'yun." "Hayy…" Bumuntong-hininga si Maxine. Hindi nag-aalala si James tungkol sa mga Johnston sa ngayon. Isang bagay lang ang inaalala niya—Sino ang nagkalat ng impormasyon tungkol sa lakas niya? "Maxine, sino sa tingin mo ang nagsabi sa kanila ng tungkol sa lakas ko? Posible kayang ang mga Caden ang may gawa nito?" Dahil lumipas na ang mga nangyari, hindi na sinisi ni Maxine si James. Pag
Subalit, ngayon, tatlong pamilya sa Ancient Four ang naiwala ang mga painting na kanilang binabantayan. "Nalutas na niya ang misteryo sa likod ng mga painting? Posible kaya na taglay ng mga painting ang mga record ng mga martial art skill na magbibigay daan upang maabot natin ang ninth rank?" Malagim ang ekspresyon ni Yaakov. Hindi siya nangahas na magpadalos-dalos sa mga kilos niya. Kung sabagay, dapat matagal na siyang patay. Mula noon, pinapahaba niya ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot. Kapag tumagas ang kanyang True Energy habang nakikipaglaban siya, mamamatay siya sa loob lang ng ilang buwan. Kung pipiliin niya na panatilihin ang kanyang True Energy, maaari siyang mabuhay ng mas marami pang taon. "Hindi tayo dapat magpadalos-dalos." Pagkatapos niyang mag-isip ng ilang sandali, inutos niya na, "Maghintay muna tayo at tingnan natin ang mangyayari. Personal akong pupunta sa mansyon ng mga Caden." Kahit na masama ang loob ng mga Johnston sa naging d
Bago pa man makakilos si James, tumilapon siya pabalik sa bulwagan. Noong sandaling tumama sa dibdib niya ang malakas na atakeng iyon, nakaramdam siya ng matinding sakit sa buong katawan niya. Pagkatapos, kumulo ang kanyang Blood Energy, at sumuka siya ng dugo. Mabilis siyang bumangon at umupo siya ng naka lotus position, ginamit niya ang Heavenly Breath upang pigilan ang nagwawalang Blood Energy sa kanyang katawan. Pagkatapos, inangat niya ang kanyang ulo. Isang matandang lalaki na may tungkod ang naglakad papasok sa bulwagan. Noong nakita ni Tobias ang itsura ng lalaki, namutla ang kanyang mukha, at napasigaw siya, "Mr. Yaakov?" Ito ay si Yaakov Johnston, ang Grand Patriarch ng mga Johnston. Higit na mas mataas ang estado niya kaysa kay Bennett Caden. Pagpasok niya sa bulwagan, humanap siya ng mauupuan. Pagkatapos, tinakpan niya ang kanyang bibig, at umubo siya ng ilang beses. Nakaupo si James ng naka lotus posisyon sa sahig upang gamutin ang pinsalang tinamo niya.
Tumingin siya kay James at kwinestiyon niya siya, "James, totoo ba na ninakaw mo ang mga painting ng tatlo pang pamilya ng Ancient Four at natuklasan mo ang sikreto sa likod ng mga ito?" Interesado rin si Tobias na malaman kung paano naging ganito kalakas si James sa loob lang ng maikling panahon. Subalit, tumanggi si James na sabihin sa kanya ang totoo. Kaya naman, ginagamit niya ang pagkakataong ito upang pilitin si James na sabihin ang totoo. Pinag-isipang maigi ni James ang tungkol dito. Alam niya na hindi siya poprotektahan ng mga Caden mula sa Grand Patriarch ng mga Johnston kapag hindi siya nagbigay ng kapani-paniwalang eksplanasyon. "Hindi." Pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, sinabi niya na, "Noong nakakulong ako sa piitan ng mga Blithe, nakilala ko ang isang lalaki na nagngangalang Spencer Blithe. Dahil alam niya na hindi na siya magtatagal, ipinasa niya sa'kin ang kanyang True Energy at tinuro niya sa'kin ang Blithe Fist of Abomination. "Tsaka,