Nagtanong si James tungkol kay Mr. Gabriel, at naging seryoso ang ekspresyon ng Hari. Kumuha siya ng sigarilyo mula sa lamesa, sinindihan ito, at hinithit ito ng malalim. Napuno ng usok ang kayang harapan. Makalipas ang ilang oras, nagsimula na siyang magsalita ng dahan-dahan.“Kapag tinatalakay ito, dapat magsimula isang siglo na ang nakakaraan.”Nagging interesado si James nung narinig niya ang mga salitang ito. Laging limitado ang alam niya tungkol sa mga nangyari isang siglo na ang nakakaraan. Ang alam lang niya ay noong isang daang taon na ang nakakaraan, ang unang Hari ng Sol ay nakipagtulungan sa mga ancient martial artists ng Sol para palibutan at durugin ang u Sect. may nagsabi na hindi mabilang na mga buhay ang nawala sa laban na iyon.“Isang daang taon na ang nakakaraan, sinimulan ng mga kalaban ang kanilang pananakop. Nasa malaking alanganin ang Sol. Sa bawat rehiyon, may mga nabuong resistance forces. Kabilang sa mga hanay ng hindi mabilang na resistance forces, ay
Ang lolo ba niya ang nasa likod ni Mr. Gabriel, o nakikipagtulungan lang siya kay Mr.l Gabriel?”Bahagyang naguluhan si James. “James, sa tingin ko ay pwede ka nang kumilos ngayon,” sinabi ng Hari habang nakatingin kay James. Pagkatapos pakalmahin ang kanyang sarili, sinabi ni James habang tumatango, “Balak ko talaga na gawin iyon. Anong rango ba ng lakas ni Mr. Gabriel?”“Hindi ako sigurado. Laging nababalot ng misteryo si Mr. Gabriel. Bihira siyang magpakita at hindi pa siya lumalaban sa labas. Ayon sa aming nakalap na impormasyon. Ang lakas niya ay halos nasa sixth rank, pero hindi malinaw kung anong klase ng martial arts ang alam niya.”Sabi ng Hari habang umiiling. “Ang iyong intelligence network ay nakakalat sa buong mundo. May nalaman ka bang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng lolo ko nitong mga nagdaang taon?” Tanong ni James. Ang kanyang lolo ay buhay pa. Sigurado siya doon. Sigurado din siya na ang insidente sa Mount arclens ay gawa lang lahat ng kanyan
Sa wakas ay may alam na si James tungkol sa pagkatao ni Mr. Gabriel. Alam na din niya ang posibleng mangyari at ang mabigat na kapalit ng pagtatangka na patayin si Mr. Gabriel. Ang planong ito ay isang bagay na hindi dapat madaliin. Pagkatapos niyang umalis sa Peace Mansion, pumunta si James sa mga Caden. Nakabalik na si Maxine sa mansyon ng mga Caden. Sa courtyard ng mansyon, nakaluhod siya sa tabi ni Tobias, na nasa kalagitnaan ng pagsasagawa ng isang martial art squat. Matagal nang nakaluhod si Maxine, ngunit hindi siya pinapansin ni Tobias. Paglipas ng dalawampung minuto, sa wakas ay tumayo na si Tobias at kinuha niya ang tuwalyang inabot sa kanya ng isang tagapagsilbi. Lumapit siya kay Maxine habang pinupunasan ang kanyang pawis. "Tumayo ka," ang sabi niya kay Maxine. Tumayo si Maxine. Umupo si Tobias sa gazebo, dinampot niya ang isang tasa ng tsaa mula sa mesa, at uminom siya ng tsaa. Pagkatapos, nagtanong siya, "Sabihin mo sa'kin, anong nangyari sa Mount Litt
Natatakot si Maxine na pilitin ni Tobias na makakuha ng sagot mula sa kanya kapag nalaman ni Tobias na nagsisinungaling siya. Nag-aalala siya na baka bumigay siya at mabunyag niya kay Tobias na si James ang matandang lalaki. Kapag nangyari iyon, mapipilitan si James na dumepensa at malilimitahan ang mga kilos niya. Nagkaroon ng seryosong ekspresyon sa mukha ni Tobias habang nananahimik siya. Ang tanging pagkakataon na natalo siya ay noong nilabanan niya ang isang elite na miyembro ng Blithe family dalawampung taon na ang nakakaraan. Walang laban ang Thirteen Heavenly Swords technique niya sa Blithe Fist of Abomination.Mula noon ay hindi na siya pinatahimik ng pagkatalo niyang ito. Nag-aalala siya ngayon na may ibang tao na nakakuha ng Blithe Fist of Abomination. Kung sakaling si Thomas Caden nga ang taong iyon, magkakaroon siya ng isa pang makapangyarihang kalaban na magiging balakid sa kanyang pamilya. "Maxine, sabihin mo sa'kin. Ano sa tingin mo ang binabalak ni Thom
Nag-aalalang tumingin si Maxine kay James at sinenyasan niya siya.Niluwagan ni James ang kanyang mga kamao. Huminga siya ng malalim at nilunok niya ang kanyang galit. "Sigurado ka ba? Kung ganun, bakit ang narinig ko na nakaranas ng Energy Deviation ang lolo ko dahil sa may umatake sa kanya habang nagkucultivate siya? Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit may pinatay siyang mga tao na mula sa pamilya?" Kalmadong nagtanong si James. "Oh, ganun ba? Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa bagay na ito." Nagtatakang sumagot si Tobias. "Talaga bang hindi mo alam? Malamang nandoon ka noong nasira ang cultivation base ng lolo ko at noong pinalayas siya tatlumpung taon na ang nakakaraan. Hindi ba niya sinubukan labanan ang desisyon o ipaliwanag ang kanyang sarili?" Tumingin si James sa mga mata ni Tobias at nagtanong. Sumagot lamang si Tobias, "Nandoon nga ako noong nangyari iyon. Subalit, hindi nagpaliwanag ang lolo mo. Ni hindi siya nagsalita. Kasunod nun, pinalayas siya at itinapon
"Gawin mo kung anong gusto mo, pero huwag kang magmamakaawa sa mga Caden na tulungan ka kapag nasangkot ka sa malaking gulo. Hindi kami nandito para linisin ang kalat mo."Nanindigan si Tobias sa hindi pagtulong kay James. Pinaalalahanan din siya ni Maxine, "James, tandaan mo na hindi ka dapat magpadalos-dalos.""Alam ko. Kailangan kong isipin ang mahabang labanan na darating… Oo nga pala, kailangan ko ang tulong mo para gumawa ng plano.""Hindi pwede."Bago pa makasagot si Maxine, agad na kinontra ni Tobias ang ideyang ito. “Kinalulungkot ko na hindi ka matutulungan ni Maxine sa bagay na ito. Ang pagtulong niya sa’yo ay maaaring ituring na desisyon mula sa mga Caden, na magiging dahilan upang masangkot kami sa labanan sa politika.”“‘Yun ba ang iniisip mo?”Ngumisi si James at sumagot, “Mula noong sandali na niligtas mo ako, nasangkot na ang mga Caden sa gulong ‘to. Hindi na maaaring tumayo lang sa isang tabi ang pamilya mo bilang mga inosenteng manonood. Kung hindi, hindi mas
"James, ito na ang pagkakataon mo. Hindi mabilang ang nilalaman na mga martial arts skills ng silid-aklatan ng mga Caden. Kasama dito ang pinakamalakas na sword technique sa mundo, ang Thirteen Heavenly Swords. Kapag natutunan mo 'yun, kaunti lang ang tao na kaya kang hadlangan."Tuwang-tuwa si Maxine habang masaya siyang nakikipag-usap kay James. Malaki ang tiwala ni Tobias sa potensyal ni James. Sa kabila ng nararamdamang sama ng loob sa kanya ni James, pinayagan pa rin niya si James na bisitahin ang silid-aklatan ng pamilya. Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig ni James ang tungkol sa Thirteen Heavenly Swords. Naging interesado siya sa sword technique na ito. "Sige. Sasamantalahin ko ang pagkakataon na ito upang magtingin." "Kung ganun, sasamahan kita doon.".Tumayo si Maxine at sumenyas siya kay James na umalis kasama siya. Tumayo si James at sumunod siya kay Maxine papasok sa malawak na bakuran. Pagkatapos nilang maglakad ng mahabang oras, nakita niya ang isa
Gaya ng inaasahan sa Grand Patriarch ng mga Caden.Maging si Tobias ay hindi nararamdaman ang kanyang True Energy, ngunit agad itong napansin ni Bennett noong sandaling nagkita sila.Hindi tinago ni James ang katotohanan mula sa Grand Patriarch.Hula din niya na alam ito ni Bennett at nagkaroon siya ng magandang relasyon sa kanyang guro, na si Spencer.“Nahuli ako at dinala ako sa mansyon ng mga Blithe. Nakilala ko ang isang senior martial artist sa piitan ng mga Blithe na nagngangalang Spencer. Kaunti na lang ang natitira niyang oras kaya pinasa niya sa’kin ang kanyang True Energy pagkatapos niyang malaman na mula ako sa mga Caden.”“Ganun ba.”Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Bennett noong narinig niya ito. Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko inakala na mauuna siyang mamatay kaysa sa’kin. Dahil patay na siya, alam mo ba kung sino ang eighth-rank grandmaster sa Blithe family?”Wala siyang ideya kung sino ito at pinili niya na huwag itong pag-isipan ng matagal.Tumingin si Bennet