Makalipas ang ilang segundo, natauhan din siya at mabilis na lumapit. “Director, humihingi ako ng tawad. Nagkamali ako. Hindi ko alam at hindi ko nakilala ang isang importanteng tao, pero nagawa ko lang iyon dahil iniisip ko ang kapakanan ng pasyente. Pakiusap… Pakiusap huwag niyo kong patatalsikin.”“Walang kwenta. Gulo lang ang ibinigay mo sa akin.” Tinaas ni Carl ang kanyang kamay at sasampalin an sana ito. “Ayos lang yun. Kalimutan mo na ang tungkol dun,” walang pakialam na sinabi ni James. Saka lang huminto si Carl. Nagtanong si James, “Maaari na ba akong pumasok sa loob para matingnan ang pasyente?”“Oo, pwede na. Pwede na kayong pumasok.” Patuloy na tinungo ni Dr. Wallace ang kanyang ulo. “Ikukuha kita ng pwede mo maging assistant ngayon din,” kaagad na sinabi ni Carl. Kinaway ni James ang kanyang kamay ng bahagya at sinabi, “Hindi na kailangan. Kaya ko na ito ng mag-isa.”Kaagad siyang pumasok sa loob ng ward nang sinabi niya iyon. Sa labas ng ward, ang mga miyem
”Paano?”Ang lahat ay nagulantang.Lalo na si Dr. Wallace.Siya ang attending physician, kaya alam niya kung ano ang kondisyon ng katawan ng matanda. Isang written notice ng kritikal nitong kondisyon ang nailabas na. Maaari itong bawian ng buhay anumang oras. Subalit, ang taong ito ay sampung minuto lang ang inimalagi sa loob ng ward bago nagkaroon ng malay ang matanda. Nagawa pa nga nito na bumangon ng kama at lumabas. Higit pa dun, base sa kompleksyon nito, mukhang masigla na ito.“Nay.”“Lola.”Isa-isa, ang mga Youngbloods ay nagsimulang mag-usap habang mabilis na nilapitan ang matandang babae at pinalibutan ito.Si James, sa kabilang banda naman, ay lumapit kay Tiara. “James, salamat,” sinabi ni Tiara ng may masayang ekspresyon.“Wala lang yun. Kahit na ginamit ko ang Crucifier para pagalingin ang lola mo, kailangan pa din alagaan ang katawan niya. Mamaya, bibigyan kita ng prescription. Kailangan mong makuha ang mga medikasyon na nakasaad sa prescription at siguraduhin
Nabigla si Gloom sa malakas na pwersa, kaya napilitan ang kanyang katawan na umatras ng pito hanggang walong metro. Namanhid ang kanyang mga kamay. Sa mga ito, nag-umbukan ang kanyang mga ugat. Bakas ang gulat sa kanyang mukha. “Ikaw… Ang lakas mo?”Binalik ni James ang kanyang True energy at tiningnan si Gloom. “Anong ginagawa mo? Sinusubukan mo ba akong sunggaban o isa ba itong pagsubok?” kaswal niyang sinabi.Pinaikot ni Gloom ang kanyang enerhiya, At ang sakit sa kanyang mga kamay ay nagsimula nang maglaho ng unti-unti. Pagkatapos ay nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran, tinitigan si James, at dahan-dahan itong nilapitan. Ngumiti lang siya at nagsalita nung nakatayo na siya sa harapan ni James. “Nagtataka lang ako kung anong rango na ng cultivation base meron ka. Sa tingin ko, dumaan ka marahil sa ilang kapanapanabik na mga paglalakbay. Hindi kaya alam mo na ngayon ang lihim sa likod ng Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge?”Kahit na nakangiti si Gloom, ang pag
Nagtanong si James tungkol kay Mr. Gabriel, at naging seryoso ang ekspresyon ng Hari. Kumuha siya ng sigarilyo mula sa lamesa, sinindihan ito, at hinithit ito ng malalim. Napuno ng usok ang kayang harapan. Makalipas ang ilang oras, nagsimula na siyang magsalita ng dahan-dahan.“Kapag tinatalakay ito, dapat magsimula isang siglo na ang nakakaraan.”Nagging interesado si James nung narinig niya ang mga salitang ito. Laging limitado ang alam niya tungkol sa mga nangyari isang siglo na ang nakakaraan. Ang alam lang niya ay noong isang daang taon na ang nakakaraan, ang unang Hari ng Sol ay nakipagtulungan sa mga ancient martial artists ng Sol para palibutan at durugin ang u Sect. may nagsabi na hindi mabilang na mga buhay ang nawala sa laban na iyon.“Isang daang taon na ang nakakaraan, sinimulan ng mga kalaban ang kanilang pananakop. Nasa malaking alanganin ang Sol. Sa bawat rehiyon, may mga nabuong resistance forces. Kabilang sa mga hanay ng hindi mabilang na resistance forces, ay
Ang lolo ba niya ang nasa likod ni Mr. Gabriel, o nakikipagtulungan lang siya kay Mr.l Gabriel?”Bahagyang naguluhan si James. “James, sa tingin ko ay pwede ka nang kumilos ngayon,” sinabi ng Hari habang nakatingin kay James. Pagkatapos pakalmahin ang kanyang sarili, sinabi ni James habang tumatango, “Balak ko talaga na gawin iyon. Anong rango ba ng lakas ni Mr. Gabriel?”“Hindi ako sigurado. Laging nababalot ng misteryo si Mr. Gabriel. Bihira siyang magpakita at hindi pa siya lumalaban sa labas. Ayon sa aming nakalap na impormasyon. Ang lakas niya ay halos nasa sixth rank, pero hindi malinaw kung anong klase ng martial arts ang alam niya.”Sabi ng Hari habang umiiling. “Ang iyong intelligence network ay nakakalat sa buong mundo. May nalaman ka bang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng lolo ko nitong mga nagdaang taon?” Tanong ni James. Ang kanyang lolo ay buhay pa. Sigurado siya doon. Sigurado din siya na ang insidente sa Mount arclens ay gawa lang lahat ng kanyan
Sa wakas ay may alam na si James tungkol sa pagkatao ni Mr. Gabriel. Alam na din niya ang posibleng mangyari at ang mabigat na kapalit ng pagtatangka na patayin si Mr. Gabriel. Ang planong ito ay isang bagay na hindi dapat madaliin. Pagkatapos niyang umalis sa Peace Mansion, pumunta si James sa mga Caden. Nakabalik na si Maxine sa mansyon ng mga Caden. Sa courtyard ng mansyon, nakaluhod siya sa tabi ni Tobias, na nasa kalagitnaan ng pagsasagawa ng isang martial art squat. Matagal nang nakaluhod si Maxine, ngunit hindi siya pinapansin ni Tobias. Paglipas ng dalawampung minuto, sa wakas ay tumayo na si Tobias at kinuha niya ang tuwalyang inabot sa kanya ng isang tagapagsilbi. Lumapit siya kay Maxine habang pinupunasan ang kanyang pawis. "Tumayo ka," ang sabi niya kay Maxine. Tumayo si Maxine. Umupo si Tobias sa gazebo, dinampot niya ang isang tasa ng tsaa mula sa mesa, at uminom siya ng tsaa. Pagkatapos, nagtanong siya, "Sabihin mo sa'kin, anong nangyari sa Mount Litt
Natatakot si Maxine na pilitin ni Tobias na makakuha ng sagot mula sa kanya kapag nalaman ni Tobias na nagsisinungaling siya. Nag-aalala siya na baka bumigay siya at mabunyag niya kay Tobias na si James ang matandang lalaki. Kapag nangyari iyon, mapipilitan si James na dumepensa at malilimitahan ang mga kilos niya. Nagkaroon ng seryosong ekspresyon sa mukha ni Tobias habang nananahimik siya. Ang tanging pagkakataon na natalo siya ay noong nilabanan niya ang isang elite na miyembro ng Blithe family dalawampung taon na ang nakakaraan. Walang laban ang Thirteen Heavenly Swords technique niya sa Blithe Fist of Abomination.Mula noon ay hindi na siya pinatahimik ng pagkatalo niyang ito. Nag-aalala siya ngayon na may ibang tao na nakakuha ng Blithe Fist of Abomination. Kung sakaling si Thomas Caden nga ang taong iyon, magkakaroon siya ng isa pang makapangyarihang kalaban na magiging balakid sa kanyang pamilya. "Maxine, sabihin mo sa'kin. Ano sa tingin mo ang binabalak ni Thom
Nag-aalalang tumingin si Maxine kay James at sinenyasan niya siya.Niluwagan ni James ang kanyang mga kamao. Huminga siya ng malalim at nilunok niya ang kanyang galit. "Sigurado ka ba? Kung ganun, bakit ang narinig ko na nakaranas ng Energy Deviation ang lolo ko dahil sa may umatake sa kanya habang nagkucultivate siya? Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit may pinatay siyang mga tao na mula sa pamilya?" Kalmadong nagtanong si James. "Oh, ganun ba? Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa bagay na ito." Nagtatakang sumagot si Tobias. "Talaga bang hindi mo alam? Malamang nandoon ka noong nasira ang cultivation base ng lolo ko at noong pinalayas siya tatlumpung taon na ang nakakaraan. Hindi ba niya sinubukan labanan ang desisyon o ipaliwanag ang kanyang sarili?" Tumingin si James sa mga mata ni Tobias at nagtanong. Sumagot lamang si Tobias, "Nandoon nga ako noong nangyari iyon. Subalit, hindi nagpaliwanag ang lolo mo. Ni hindi siya nagsalita. Kasunod nun, pinalayas siya at itinapon