Todos los capítulos de Ang Alamat ng Dragon General: Capítulo 71 - Capítulo 80
3794 chapters
Kabanata 71
Nilapag ni Thea ang kanyang resume sa lamesa.Pagkatapos nun, tumingala ang lalaki.Nang makita nito si Thea, nagulat ito.“Sandali lang.” “Huh?”Aalis na sana si Thea matapos niyang ilapag ang kanyang resume, pero huminto siya at nilingon ang recruitment manager ng Ella Corporation. Tinanong niya, “May iba pa ba kayong kailangan?”Tinitigan ni Hank Wilson si Thea, at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Naging ganid ang kanyang ekspresyon. Ngayon lang siya nakakita ng isang napakagandang babae.Tinuro ni Hank ang upuan, habang sinasabi, “Maupos ka. Mag-usap tayo.”“Sige.” Umupo si Thea.“Anong posisyon ang inaaplayan mo?”“Nag-aaplay ako para sa posisyon ng fashion designer.”“Meron ka na bang kahit na anong karanasan na may kaugnayan dito?”“Wala pa.”Napasimangot si Hank, at sinabi, “Sweetheart, hindi to uubra. Alam mo ba kung sino kami at ano ang kinakatawan ng aming mga designer?”Habang nagsasalita siya, binasa nito ang resume ni Thea.“Grumaduate ka sa isang sec
Leer más
Kabanata 72
Oras na para umuwi.Sinabihan ni Hank ang ibang mga aplikante na bumalik na lang bukas.Pagkatapos nun, niligpit na niya ang kanyang mga gamit at sinabi, “Thea, bakit hindi tayo bumalik sa lugar ko? Wala naman tao sa bahay. Pwede kong ipaliwanag sayo ang lahat doon ng detalyado.”“Ano?” Nagulat si Thea. “Sa bahay mo?”Nang makita niya ang gulat na ekspresyon ni Thea, mabilis na binawi ni Hank ang kanyang sinabi. “Mas malapit ang bahay ko kaya mas mainam. Kung hindi ka komportable dun, pwede naman tayong pumunta sa opisina ko na lang.”Si Hank ay ang human resource manager ng Ella Corporation. Dahil siya ang namamahala sa recruitment, meron siyang sariling opisina.May sopa sa kanyang opisina, na pwede na din tulad ng isang kama.Naisip na niya ito ng maigi. Ikakama niya si thea kahit na anong mangyari. Lalo na, sinabi ng media na siya ang pinakamagandang babae sa Cansington.Nasabik siya nang maisip niya ang tungkol seksi nitong katawan at magandang mukha nito.Nakahinga ng
Leer más
Kabanata 73
Ang babae ay mukhang nasa edad bente-kwatro o bente-sais. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at itim na leather pants na may mahabang itim na buhok na nakalaylay sa kanyang likuran. Ang kanyang damit ay binabalangkas ang malakas niyang pangangatawan.Nang makarating ito sa may underground parking lot, tumayo siya sa isang sulok at tinignan ang paligid, na para bang may hinahanap ito. Paunti-unti, may inabot siya sa kanyang likuran, at naglabas ng isang magandang pistol.Sa mga sandaling iyon, bigla siyang umikot at tinutok ang baril kay James.Nang makita niya na si James pala ito, nataranta siya. Mabilis niyang tinabi ang kanyang pistol at nautal na sinabi, “I-Ikaw?””Dahan-dahan na lumapit si James at sumandal sa isang batong poste, habang sinusuri ang babae kung inosente nga ba ito. Ng malumanay, sinabi niya, “Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa may hangganan ng southern Plains?”Nakita ni James ang babaeng ito noon.Siya ay isang mahalagang miyembro ng isang grupo
Leer más
Kabanata 74
Ang puntod ng Prinsipe ng Orchid Mountain, ang treasure chest, ang susi, ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge, at si Black Rose? Tinignan ni James si Black Rose, na eleganteng nakasuot ng itim na leather jacket. Nakalimutan niya tuloy ang iniisip niya.Nagkataon lang ba ang lahat ng ito, o ang lahat ba ng ito ay parte ng isang malaking plano?“General, pakiusap at protektahan ninyo ako,” muling sinabi ni Black Rose, bakas ang pagmamakaawa sa kanyang mukha. Tinignan siya ni James. “Sabi mo sa akin ay may pumatay sa lahat ng mga kasamahan mo. Bukod sa hindi ka tumakas, sinundan mo pa ang umatake sa inyo dito sa Cansington. Ngayon naman, hinihingi mo ang proteksyon ko. Paano naman naging makatwiran yun?”Paliwanag ni Black Rose, “Ang taong paumaslang sa mga kasama ko na tumangay sa kayamanan ay hindi ang utak. Ang pumatay ay gustong sarilinin ang kayamanan, kaya hindi niya ito binigay sa may pakana nito. Sa halip, tumakas siya dito sa Cansington, at nagtatago. Ito ang dahilan ku
Leer más
Kabanata 75
“Salamat.”“Oo nga pala. Thea, narinig ko na ang asawa mo ay pinili mismo ni Lex. Isa siyang ulila at isang retiradong sundalo. Bakit ka sumama sa kanya? Tiyak naman na mas magaling ka kesa sa kanya. Bakit hindi kaya pumili ka ng isang mayaman na binata?”Habang sinasabi niya ito, umupo ng diretso si Hank. “May kilala ako. Binata pa siya, isa na kaagad siyang manager sa isang malaking organisasyon na may buwanang sahod ng limampung libong dolyar. Meron na siyang sariling bahay at kotse. Bakit hindi kaya hiwalayan mo na si James? Bagay sayo ang kaibigan ko!” Ang kaibigan na tinutukoy niya ay ang sarili niya.Subalit, matalino siya para hindi ito ipahalata.Sinusubukan niya si Thea.Uminit ang pakiramdam ni Thea. Hinila niya pataas ang kanyang damit ng bahagya at pinaypayan ang kanyang sarili.Nang mapansin niya ang malisyosong tingin ni Hank, namula siya. Paglingon niya palayo, sinabi niya ng may mahinang boses, “Pasensya na, Hank. Medyo naiinitan ako.”“Hindi naman mainit. Nak
Leer más
Kabanata 76
Sa may opisina.Hinubad na ni Hank ang lahat ng damit niya.Naglakad siya papunta ng banyo at tinulak ang pinto, para malaman na naka-lock ito.“Alerto siya,” malupit niyang sinabi. Habang kumakatok sa pinto, sinigaw niya, “Thea, buksan mo to!” Sa loob ng banyo.Patuloy na binabasa ni Thea ang kanyang mukha at pati na din ang ulo niya ng tubig. Basang basa na ang damit niya, at nakadikit na sa katawan niya at pinapakita ang kanyang kurba. Subalit, malakas ang bisa ng gamot. Hindi kayang labanan ng tubig ang epekto nito.Unti-unting uminit lalo ang kanyang pakiramdam.Pakiramdam niya ay parang may mga insektong gumagapang sa loob niya, na gumigising sa kanyang pagnanasa. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagnanasa na ganito. Umupo siya sa lapag, habang hinihila ang kanyang damit at kinakamot at kanyang balat.Sa labas ng pinto, maririnig ang boses ni Hank. “Halika ka na, Thea, buksan mo na ang pinto. Gusto mo to, hindi ba? Sisiguraduhin ko na magiging maganda ang pakiramdam
Leer más
Kabanata 77
Kinaladkad palabas ni Hank si thea, at tinapon ito sa may sopa. Gula-gulanit na ang damit ni Thea. Malapit na siyang mawala sa sarili.Parang pusa sib Hank na nakikipaglaro sa isang daga, habang may mapaglarong ekspresyon. “Halika ka na, thea. Magmakaawa ka na. Magmakaawa ka na!” Kinagat ni Thea ang kanyang labi. Kahit na hindi na kaya ng kanyang katawan, pinigilan pa din niya ang kanyang sarili na magsalita. Pagkatapos, may nangyari.Crash!May sumipa pabukas ng naka-lock na pinto. Bumagsak ang pintuan ng opisina. Isang lalaki ang galit na galit na pumasok sa loob, “Si-sino ka?” Sakto ang paglingon ni Hank para makita ang pagbagsak ng pinto at isang lalaki ang sumugod sa loob.Naramdaman niyang biglang bumagsak ang temperatura sa kwarto, pakiramdam niya ay nalublob siya sa isang timba na puno ng yelo. Bigla siyang nanginig.Nilapitan siya ni James. “Sino ka…”Nakita ni James si Thea na nakahiga sa sopa, basa ang katawan at punit-punit ang damit nito. Umapaw ang k
Leer más
Kabanata 78
Narinig ni James ang sirena. Alam niya na parating na ang mga pulis.Subalit, ayaw niya na malaman ng lahat ang tungkol sa mga nangyari dito.Si Thea ay isang pangkaraniwang babae lamang at maraming pinagdaanan na pang-aabuso.Ayaw ni James na masangkot ang mga pulis dahil sa kakalat ang balita, at magkakagulo ang siyudad. Kahit na ayos lang si Thea, tiyak na gagawa ito ng tsismis kapag may nakaalam nito. Ang tagal na niyang naging sentro ng mga tsismis. Ayaw ni James na magdulot pa ng problema ang bagay na ito.Kaya naman, tinawagan niya ang Blithe King.Pagkatapos ng tawag, bumalik sa opisina at umupo sa may sopa, habang naghihintay ng sagot.Samantala, isang dosenang security guards ang nakabantay sa may pinto.Ang kanilang mga mukha ay may butil-butil na pawis at may hawak silang mga electric batons, takot na pumasok sa loob ng opisina. Sa loob ng opisina, nakahandusay sa lapag at naliligo sa sariling dugo ang walang buhay na katawan ni Hank. Nasa kalagitnaan ng isan
Leer más
Kabanata 79
Ang mga tauhan ng Blithe King ay kaagad na umalis para asikasuhin ang utos nito.Pagkatapos, mulis siyang nag-utos, “Kunin niyo ang lahat ng mga surveillance camera footage sa loob ng Ella Corporation. Aluhin niyo ang mga pamilya ng mga nalumpo ni James, at bigyan niyo sila ng kung ano man ang kailangan nila, kahit na pagpapagamot o kompensasyon pa ito. Hulihin niyo ang lahat ng mga security guards na nakakita kay James dito at papirmahin niyo sila ng isang non-disclosure agreement. Ang lahat ng nakita nila dito ay dapat nilang dalhin sa kanilang libingan. Kung hindi, sisiguraduhin ko na mananagot sila kung meron man kahit na anong lumabas tungkol sa pangyayaring ito.”“Isa pa, ianunsyo niyo sa publiko na isa itong joint exercise sa pagitan ng pulis at ng militar.”Mabilis na kumilos ang Blithe King para ayusin ang nangyari.At ang patay na Hank, may inutusan na siya para imbestigahan ang pagkatao nito pero nalaman niya na galing pala ito sa mga Wilson, na isa sa The Great Four ng
Leer más
Kabanata 80
Natauhan si James matapos niyang matulala ng sandali.“Wala ka nang malay ng nakarating ako. Tumawag ako ng pulis at pagkatapos ay inareston ang manager.”Nag-aalala si James na baka ma-trauma si Thea dahil sa nangyari, kaya mahinahon siyang nagpaliwanag dito at inalo ito.Nakahinga ng maluwag si Thea.Masaya siya na marami siyang nabasang libro at nagamit niya ang kaalaman niya sa paano mapapansin ang isang delikadong sitwasyon ng maaga.Kung hindi, hindi niya lubos na maisip ang kahihinatnan kung hindi niya ito agad napansin. “Kumain na tayo,” hinikayat ni James si Thea. Tumango ito ng masunurin.Tapos na si James sa paghahanda ng pagkain habang tulog si Thea. Ang mga Callahan na umalis ay sakto lang ang uwi para sa hapunan.Pumunta sila sa supermarket, at nang makapasok sila sa bahay, pinag-uusapan nila ang jointv exercise sa pagitan ng pulis at militar. “Naku, naku! Ang engrande nung eksena. Ang daming sasakyan at sobrang nakakatakot!” Malakas na sabi ni Gladys haban
Leer más