Todos los capítulos de Ang Alamat ng Dragon General: Capítulo 81 - Capítulo 90
3794 chapters
Kabanata 81
Ngayon, ang tanging gusto lang niya ay manatili sa tabi ni Thea at mamuhay ng masaya. "Mom, pwede naman natin 'tong pagplanuhan sa susunod. Hindi ba sinabi ni David na gusto niyang bumili ng kotse? Bakit hindi na lang muna natin gamitin yung pera para bilhan siya ng kotse? Tsaka, kung gusto kong magbukas ng clinic, nakapag-ipon naman ako ng kaunti nitong mga nakaraang taon, sapat na siguro 'yun."Nagkaroon ng malaking ngiti sa mukha ni David, at nagmadali siyang kumbinsihin ang kanyang nanay, "Mom, tama si James. Bumili muna tayo ng bagong kotse! Isang mamahaling kotse! Kailangan hindi bababa sa isang milyong dolyar ang halaga nito para magmukha tayong mayaman kapag nakasakay tayo dito!”Sa isang iglap, sa halip na basura, sinimulan ni David na tawagin siyang James dahil kinampihan siya nito.Tumango si James. “Oo, hindi ko kailangan yung pera. Oo nga pala, mukhang interesadong-interesado si Thea sa fashion design. Bakit hindi na lang tayo magsimula ng isang clothing company sa ha
Leer más
Kabanata 82
Kinuha ni Lex ang 20% ng shares ng pamilya at inalok niya ito sa pamilya ni Benjamin. Inutusan din niya si Howard na isuko ang posisyon niya bilang executive chairman at kailangan patawarin siya ng pamilya ni Benjamin. Kailangan niyang pabalikin si Thea. Kung hindi, mapapalayas si Howard sa Callahans. Kaya naman, naghanda siya ng mga regalo at muli siyang nagpakita sa bahay nila Thea. Sa pagkakataong ito, kaunting tao lang ang kasama niya. Tanging ang mga miyembro lamang ng pamilya ni Howard, si Jolie, si Tommy, at si Megan ang sumama sa kanya.Lahat silang apat ay may hawak na mga regalo sa kanilang mga kamay. Dahan-dahang kumatok si Howard sa pinto. Nag-uusap sa hapagkainan ang pamilya ni Thea. "David, buksan mo ang pinto." Ang utos ni Gladys. “Okay.”Binaba ni David ang kanyang mga kubyertos at nagtungo siya sa pinto upang buksan ito. Nang makita niya na ang pamilya ni Howard ang kimakatok sa pinto, agad niya silang pinatuloy ng may ngiti sa kanyang mukha. "U
Leer más
Kabanata 83
"Mom, nagmamakaawa ako sa'yo. Huwag ka nang magalit sa kanila, okay?" Ang pakiusap ni Alyssa. Ang mga bag niya, mga damit, at mga cosmetic ay nakaasa sa kanilang family shares. Nakangiting nagsalita si Howard, "Gladys, kalimutan na natin ang mga nangyari. Napakabait ni Dad ngayon, ibibigay niya ang twenty percent ng shares ng buong-buo!" Medyo napaisip si Gladys tungkol sa shares. Napakaraming pera ng twenty percent ng shares. Kapag namatay ang matanda, magkakahalaga ito ng ilang daang milyon ng assets. 'Hinding-hindi kikita ng ganun kalaking halaga ang walang-kwentang asawa ko na si Benjamin kahit na magtrabaho pa siya buong buhay niya."Subalit, gusto niyang umiyak kapag naiisip niya ang pagtrato sa kanya at ang paghihirap na tiniis niya at ang posisyon ni Benjamin sa mga Callahan.Naalala niya kung paano kinuha ng mga Callahan ang credit mula kay James at ininsulto pa nila ang kanilang pamilya kahapon.Naalala niya kung paano sila pinalayas ni Lex mula sa mga Callahan n
Leer más
Kabanata 84
Hindi na nagtangka pang magsalita si David pagkatapos siyang masigawan.Lihim na lumalim ang galit niya para kay James.‘Hindi naman ganito si Mom dati.‘Magpapakumbaba siya at magmamakaawa siya sa mga Callahan para sa pera. Pero ngayon, wala siyang pakialam kahit na pera na ang kumakatok sa pinto niya.‘Nagbago ang lahat dahil kay James.’ Ang naisip ni David.Nasira ng pagbisita ng pamilya ni Howard ang hapunan ng pamilya nila.Pagkatapos ng hapunan, umupo ang pamilya sa sofa at nanood ng replay ng succession ceremony ng Blithe King habang naghuhugas ng mga pinggan si James sa kusina.Lumapit si David kay Thea at bumulong, “Thea, kailangan mong kumbinsihin si Mom. Pera na ‘to. Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng twenty percent ng family shares? Higit pa dito, ibabalik sa’yo ni Lolo ang posisyon bilang executive chairman. Alam mo ba kung gaano taas ang magiging kapangyarihan mo? Hindi mo ba alam kung gaano karaming pera ang palihim na kinuha ni Uncle bilang executive chairman
Leer más
Kabanata 85
Kinuha ito ni Benjamin at tumingin siya kay Gladys. Pagkatapos, tumayo siya at nagpunta siya sa balkonahe para manigarilyo. Hindi rin naman naapektuhan si James sa mga sinabi ni David. Hinithit niya ang sigarilyo at binugha niya ang usok palabas ng kanyang ilong. "Tutal gusto niyong ipaglaban ang nararapat na sa inyo, bakit hindi niyo dagdagan yung kukunin niyo. Magtiwala ka sa'kin, Mom. Kapag bumalik ulit sila, hingin mo ang kalahati ng shares ng mga Callahan. Pwede kayong bumalik doon kapag pumayag sila, at kapag hindi, hindi kayo babalik." Ang sabi ni James. "Ano… anong kalokohan 'yan? Alam mo ba kung gaano kalaki ang family business ng mga Callahan? Alam mo ba kung gaano kalaki ang fifty percent ng family shares?" Ang sagot ni David. "James, huwag ka na dumagdag sa gulo." Ang sabi ni Thea. Sa hindi inaasahan, tinuwid ni Gladys ang kanyang likod at sumang-ayon siya, “Sa tingin ko tama ang sinabi ni James! Kailangang nilang ibigay ang fifty percent ng shares para makumbinsi
Leer más
Kabanata 86
Gamit lang ang ilang salita, naayos ni James ang hidwaan sa pamilya ni Thea. Kinagabihan. Sa loob ng silid ni Thea. Nakahiga si Thea sa kanyang kama at lumingon siya kay James, na natutulog sa sahig. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maisip niya kung ano ang nangyari noong umaga. "James, malamig ba sa sahig?" "Huh? Oh, ayos lang naman." Malalim ang iniisip ni James tungkol sa Moonlit Flowers on Cliffside's Edge at kay Black Rose noong bigla niyang narinig ang boses ni Thea at sumagot siya. "Kung ganun, ipagpatuloy mo na lang ang pagtulog mo sa sahig." Galit na tumalikod si Thea. Noong una ay gusto talaga niyang samahan siya ni James sa kama, ngunit napakakunat ng bungo niya. “Oh…"Thea, giniginaw ako." Bigla itong napagtanto ni James at nagkunwari siyang giniginaw. Subalit, naghagis lamang ng kumot si Thea sa kanya. Alam ni James na napalampas niya ang isang pambihirang pagkakataon dahil malayo ang kanyang iniisip. Gayunpaman, hindi niya gaanong inisip ang
Leer más
Kabanata 87
”Ang tunay kong pangalan ay Scarlett Brooks, Commander.” Tapat na sumagot si Black Rose.“Sige, Scarlett. Gusto kong bilhin ang commercial city sa Cansington. Ikaw ang gagawa nun. Tutulungan ka ni Henry ng palihim at ihahanda niya ang lahat para sa’yo upang mabili mo ang lugar sa pinakamababang halaga. Ang kailangan mo lang gawin ay kumuha ng mga foreign investment at gawin itong isang top-tier financial center.”“Masusunod!” Tumango si Scarlett, hindi siya nangahas na tanggihan ang kanyang utos.“Henry.”“Nakikinig ako, James.”“Sabihan mo ang mga tauhan natin sa Southern Plains na imbestigahan ang ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain at ang mastermind na nag-utos sa Black Rose Gang upang pasukin ang libingan. Tsaka, alamin mo kung sino ang mamamatay tao na nagnakaw sa kayamanan at kung miyembro ba siya ng Black Rose gang o ibang tao ito.” Ang utos ni James.Tumango si Henry at umalis. Nilabas niya ang kanyang phone, tinawagan niya ang Southern Plains Headquarters at inutus
Leer más
Kabanata 88
Umalis si James sa Common Clinic.Marami pa siyang kailangang gawin.May dalawang dahilan sa pagbalik niya sa Cansington: upang suklian ang kabutihan ng isang tao sa kanya at upang maghiganti.Kahit na ang mga Xavier, na isa sa Great Four, ay burado na at patay na ang mga pinuno ng tatlo pang pamilya na kasama sa Great Four, mas marami pa ring tao sa tahanan ng mga Caden noon kaysa sa kanila.Marami sa mga mahalagang miyembro ng pamilya ng Great Four ay nandoon!Ang lahat ng tao sa villa ng mga Caden ay kailangang mamatay!Ang mga Frasier!Isa sila sa Great Four households sa Cansington na may napakaraming mga negosyo at mga asset na bilyon-bilyon ang halaga.Engrande at mamahalin ang family villa ng mga Frasier.Subalit, ang villa ng mga Frasier ay hindi na kasing sigla at masaya gaya ng dati.Sa bulwagan ng villa, mayroong isang kabaong na napapaligiran ng lahat ng tatlong henerasyon ng mga Frasier na nakaluhod sa sahig kasama ang isang pari.Dumalo rin sa lamay ng pinuno
Leer más
Kabanata 89
"Dad, anong nangyari sampung taon na ang nakakaraan? May kinalaman ba ang Great Four sa apoy na lumamon sa pamilya ng mga Caden sampung taon na ang nakakaraan?Sumigaw ang mga miyembro ng Fraiser family.Ang lalaking ito ay si kamatayan.Sinabi niya na wala siyang ititira sa kanila. Ibig sabihin ba nun papatayin niya ang lahat ng mga Frasier? Pagkatapos niyang ipaabot ang mensahe sa mga Frasier, binisita ni James ang mga Wilson at mga Zimmerman. Pareho ang mensahe na sinabi niya. Gusto niya na lumuhod sa harap ng sementeryo ng mga Caden ang mga may sala sa villa ng mga Cadden, na dahilan ng pagkamatay ng tatlumpu't walong miyembro ng Caden family, sa loob ng sampung araw at pagbayaran ang mga kasalanan nila sa pamamagitan ng kamatayan nila. Kung hindi, walang sinuman sa pamilya nila ang matitira. Patay na ang buong Xavier family ng Great Four, at patay na rin ang mga pinuno ng tatlo pang pamilya. Subalit, ito pa lang ang simula. Nataranta ang tatlong pamilya.Agad na na
Leer más
Kabanata 90
Ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng mga Caden ay mga pangunahing miyembro ng Great Four, at walang alam sa mga sikretong gaya nito ang mga ordinaryong miyembro ng pamilya. Pagkatapos mamatay ang mga Caden, hindi na binanggit ng Great Four ang tungkol sa insidente. Subalit, may mga bali-balita na kumalat sa labas. May mga tao na nagsabi na nagpakamatay si Nicholas dahil nakonsensya siya. Sinindihan niya ang apoy sa villa ng mga Caden at sinubukan niyang pagbayaran ang mga kasalanang ginawa niya gamit ng apoy. May mga tao rin na nagsabi na may nakabangga ang mga Caden na isang makapangyarihang tao kaya sila pinatay. Walang nakakaalam ng katotohanan. Gayunpaman, pinagbantaan ni James ang mga buhay nila. Lumuhod ng sampung araw at pagbayaran ang mga kasalanan nila gamit ng kanilang mga buhay. Paano nila gagawin 'yun? Napakayaman ng mga taong 'to, na may milyon-milyong mga asset at nagpapakasaya sa walang pagkaubos nilang yaman. Imposible na para sa kanila ang lum
Leer más