Inicio / Todos / Ang Alamat ng Dragon General / Capítulo 61 - Capítulo 70
Todos los capítulos de Ang Alamat ng Dragon General: Capítulo 61 - Capítulo 70
3927 chapters
Kabanata 61
Maraming armadong sundalo at isang high-ranking lieutenant sa entrance ng military region. Gayunpaman, lahat sila ay nakatayo nang tuwid at hindi kumikilos nang kahit kaunti. Hindi umaksyon ang lieutenant. Sa halip, naglakad siya sa gilid at tahimik na tumawag. Nagsalita siya nang pabulong, "Sir, naitapon ko na si Lex Callahan palabas, pero nandito ang kotse ng Black Dragon. Nakaharang sa daan ang mga Callahan. Mukhang hindi nila alam ang tunay na pagkatao ni James. Anong dapat kong gawin ngayon?" "Gawin mo lang ang trabaho mo. Wag mong pansinin ang iba." "Opo, sir." Pagkatapos kausapin ang Blithe King, nagpatuloy siyang maghintay sa entrance. Hindi rin siya nagtingin ng mga imbitasyon. Sa harapan ng pang-iinsulto ng mga Callahan, walang masabi si James. Ano naman sa inyo kung papasok ako? Binaba niya ang bintana at sinilip ang ulo niya sa labas para tignan ang mga galit na Callahan. Ilan pa sa kanila ay umakyat sa harapan ng kotse. Nang walang magawa, nagsalita siya, "Ho
Leer más
Kabanata 62
Nagmaneho si James papasok sa military region nang may ilang mga taong nanonood sa kanya. Napuno ng pagsisisi ang mga Callahan. Minaliit at pinahiga nila siya noon, pero nakapasok si James sa isang kurap. Higit pa roon, napakagalang ng lieutenant sa kanya. Importante ba si James? Sa military region. Habang nagmaneho si James, nakangisi niyang tinignan si Thea. "Hindi ako nagsinungaling, di ba?" "Jamie, magtapat ka. Sino ka ba talaga?" Tinitigan ni Thea si James. Nagsimula na namang lumitaw ang mga pagdududa niya sa kanya. Pagkatapos niyang makilala si James, nakaranas siya ng ilang pambihirang insidente. Ang una ay noong pinagaling ni James ang lahat ng sugat niya. Pagkatapos, may nangyari rin noong personal siyang hinarap ni Alex Yates. Pagkatapos nito, ang owner ng The Gourmand, si Bryan Grayson, ay niregaluhan siya ng isang diamond member card. Isa pang halimbawa ang nangyari ngayong araw. Masyado itong hindi kapanipaniwala! Nagpaliwanag si James, "Isa a
Leer más
Kabanata 63
Tahimik na tahimik ang entrance ng military region. Walang nagtangkang magsalita. Bigla na lang, isang busina ang narinig. Lumingon ang lahat. Sumigla ulit ang ekspresyon ng lahat! Bakit sila aalis? Tumayo nang diretso at sumaludo ang mga sundalo at lieutenant sa entrance "Magandang araw, sir!" Nang sabay-sabay, ang boses nila ay maliwanag at umaalingawngaw. Binaba ni Gladys ang bintana niya at sinilip ulit ang ulo niya. Bakas sa mukha niya ang hindi mapigilang sabik at pagmamalaki. Nang lumapit ang kotse, nagbigay ng daan ang mga mayayamang nakapila. Lumingon pa si Gladys at kinawayan ang mga sundalo sa magkabilang gilid. "Magaling, boys. Magaling!" Sa mga kilos niya, par siyang isang opisyal. Lumabas ang kotse sa military region. Huminto ito sa harapan ng mga Callahan na nasa entrance pa rin. Binuksan ni Gladys ang pinto at bumaba ng kotse. Tinaas niya ang noo niya at punong-puno ng pagmamataas. Nagsalita siya nang may malaking ngiti, "Papa, umuwi na tayo.
Leer más
Kabanata 64
Hindi inasahan ni James na magiging driver siya isang araw. Pero pakiramdam niya ay magaan sa pakiramdam ang ginagawa ni Gladys, maski para sa kanya. Pumasok siya ulit sa military region. Pumasok siya at lumabas, inulit niya ito nang ilang beses. Namutla ang mga Callahan, bakas sa mga mukha nila ang galit. Natuwa ang ibang mayayaman sa palabas na ito. Mukhang walang magawa si Daniel. Si James ang Black Dragon. Bakit siya kumikilos na parang isang pangkaraniwang tao na hindi pa nakakaranas ng kahit na ano? Hindi ba nakakahiya kapag nakarating sa Capital ang mga ginagawa niya? Gayunpaman, maganda ang pakiramdam ni James. Payapa at madali na lang ang mga araw niya. Lumabas ulit si James. Nang papasok ba siya, pinigilan siya ni Thea. "Jamie, tama na yan. Pinapatagal mo ang pila." Lumingon si James para tignan si Gladys. Nagtanong siya, "Kuntento ka na ba, mama?" "Haha. Oo naman!" Abot tainga ang ngiti ni Gladys. Ang sarap sa pakiramdam! Iyon ang pinakamasayang s
Leer más
Kabanata 65
Ngayon, iniisip ni James kung nagkaganito lang si Gladys dahil sa mga naranasan niya. Tumango si James at nagsabing, "Madali lang magtayo ng clinic. Pero, sa tingin ko mas mabuti kung maghihintay tayo. Narinig ko na naghahanap ang trade center sa lungsod ng foreign investors. Pwede tayong magtayo ng clinic doon." Smack!Binatukan siya ni Gladys. "Alam mo ba kung anong klaseng lugar ang trade center? Isa itong malaking lugar na dinesenyo bilang ang pinakaaligagang financial center sa bansa. Baliw ka ba? Paano tayo magtatayo ng clinic doon? Napakataas ng renta doon maliban pa sa gagastusin natin." Hinawakan ni James ang ulo niya. Renta? Bibilhin niya ang buong entire trade center. Kung magpapasya siyang magtayo ng clinic doon, sinong maniningil sa kanya ng renta? Pero, matalino niyang piniling manahimik. Kung sinabi niya sa kanila na bibilhin niya ang trade center, iisipin nila na isa siyang tanga. Sa sandaling narinig ni David na popondohan ni Gladys ang clinic ni James
Leer más
Kabanata 66
“Ina, anong ginagawa niyo? Bakit ganyan ang ugali niyo? Bakit niyo trinatrato ng ganito ang lolo ko?”“Oo nga, sino ka ba sa tingin mo?”“Lumuhod ka at humingi ng tawad sa aking lolo ngayon din.”…Nagpalitan ang mga Callahan sa panlalait kay Gladys. Kaagad na pinalitan ni Gladys ang kanyang tono. Habang nakangiti, sinabi niya, “Ama, ang aking bahay ay masyadong maliit para sa inyo dahil hindi ito isang villa. Wala din kaming mga upuan. Dahil wala nang espasyo sa loob ng bahay, naisip ko na mas mabuti kung manatili na lang kayo dito sa labas. Pwede natin pag-usapan kung anuman ang pinunta niyo dito. Ah, at nagdala pa kayo ng regalo! Davie, ano pa ang ginagawa mo dyan? Kunin mo na ang mga regalo!”“Sige!”Tinanggap ni David ang regalo mula sa mga Callahan. Subalit, masyado marami ang mga regalo na hindi niya kayang kunin ang mga lahat ng ito. Sigaw niya, “Lyssa, tulong!”Pinasa ni David kay Alyssa ang mga regalo na hawak niya bago inabot ang iba pang mga regalo. Sinubukan ni
Leer más
Kabanata 67
“May alak at tabako. Benjamin, ibenta mo ang mga ito sa kiosk sa labas ng ating lugar bukas. Tignan natin kung magkano ang makukuha natin sa mga ito.”Si Benjamin, na nanatiling tahimik sa buong oras na ito, at pinakita ang kanyang pagsang-ayon.“Nay, kailangan mo pa bang gawin yun? Pamilya naman tayo. Bakit kailangan niyo pang gawin komplikado ang lahat?” Tanong ni Thea ng may mahinang boses.“Ano ba ang alam mo?” Sigaw ni Gladys. “Hindi ko na kaya. Mabuti na to ngayon! Ngayon, hindi ko na kailangan sumunod sa mga patakaran nila. At Davis, mabuti pang umatras ka na. Kalimutan mo na ang trabaho mo sa Eternality at maghanap ng panibagong trabaho. Magiging maayos lang tayo kahit na walang tulong ng mga Callahan.”“Sige,” tahimik na sumagot si David, habang nakayuko ang kanyang ulo..Humikab si James.Hindi pa siya nakakatulog matapos ang lahat ng pananabik kagabi.“Thea, matutulog na ako sa kwarto natin.”Kinaway ni Thea ang kanyang kamay. “Sige lang.”Pagkatapos nito, nilabas n
Leer más
Kabanata 68
Isang malaking araw ito para sa Cansington.Ang Blithe King ay magiging opisyal na na commander-in-chief ng five armies.Ang tatlong mga patriarch ng The Great Four ay nakatali sa mga upuan at pugot.Nawawala ang kanilang mga ulo.Ang lahat ng mga Xavier ay binalak na tumakas ng Cansington.Subalit, nakita ni James na mangyayari ito. Kaya naman hinarangan niya ang dagat, lupa, at himpapawid, na epektibong pumutol sa ruta ng The Great Four para makatakas. Wala sa kanila ang pwedeng tumakas ng Cansington. Matapos ang succession ceremony ng Blithe King, isang opisyal na anunsyo ang ginawa para ipaliwanag ang mga naganap na pagpatay.Ang pagpili sa isang bilanggo na bibitayin, nilagay ng mga awtoridad ang ghost mask na ginamit ni James sa kanya. Pagkatapos ay binitay nila ito sa harap ng publiko sa pamamagitan ng pagbaril dito.Pansamantala nilang pinagtakpan ang bagay na ito.Kabilang sa The Great Four, ang mga Xavier ay tuluyang nawasak. Hindi na sila muli pang makakabangon kah
Leer más
Kabanata 69
“Sige, bakit ba hindi? Marami naman na akong naipon noong nasa militar pa ako.”“Hindi ko hilig na gumastos ng pera ng lalaki.”“Sige kung yan ang gusto mo.”Wala nang sinabi pa si James pagkatapos nito.Kung gusto ni Thea na magtrabaho, hahayaan ko siya.Gayunpaman, nagpaplano pa naman siya, kaya hindi pa siya sigurado kung kailan niya ito magagawa.“Maghilamos ka na. Magbibihis lang ako.”“Sige.”Tumango si James at umalis ng kwarto.Walang tao sa may sala. Malamang ay umalis ang lahat.Dahil sa kakagising lang niya, naghilamos si James sa may banyo. Pagkatapos, hinintay niya si Thea sa may sala.Hindi nagtagal, lumabas si Thea sa kanyang kwarto ng nakabihis.Nakasuot si Thea ng crisp white shirt na may pencil skirt at high heels. Mukha siyang isang successful business woman.Maganda din ang katawan niya. Habang nakalugay ang kanyang mahabang itim na buhok sa kanyang likuran, nag mukha siyang isang mature at maabilidad na babae.“Ang ganda mo.”Pinuri ni James si Thea
Leer más
Kabanata 70
Gamit ang kanyang electric bike, hinatid ni James si Thea sa malaking job fair sa malapit.Nang makarating sila, sinabi ni Thea, “Jamie, bakit hindi mo na lang ako hintayin dito sa labas? Ako na lang ang papasok sa loob ng mag-isa.”Pabirong sinabi ni James, “Bakit? Nakakahiya ba akong kasama?”Kaagad na nagpaliwanag si Thea, "Syempre naman hindi. Magiging matagal kasi ito. Nag-aalala ako na baka mabagot ka. May internet cafe sa may malapit. Bakit ka na lang kaya maglaro muna? Tatawagan na lang kita kapag tapos na ako." Malumanay na tinulak ni Thea si James. Bilang isang babae, marami na siyang nabasang libro tungkol sa relasyon kahit na wala pa siyang karanasan. Ang lahat ng libro ay sinabi na ayaw ng mga lalaki na gumala ng walang patutunguhan kasama ng babae. Ang totoo ay nag-aalala siya na baka mabagot ito. "Hindi ko alam kung paano maglaro. Sasama na lang ako sayo. Mag-aalala ako kung hindi kita kasama dahil ang ganda mo pa naman." Ngumiti si James. Naantig ang damdam
Leer más
Escanea el código para leer en la APP