Kabanata 917
Nagpatuloy si Aino, "Baddie. Gusto ko yan. Baddie, pwede ko din bang pangalanan ng Baddie ang teddy bear ko? Ayos lang ba kung pareho kayong dalawa ng pangalan, Baddie?"

Walang nasabi si Holden. "..."

Pakiramdam niya ay nahulog siya sa isang patibong. Siya ay niloko at dinaya.

"Uhm..." Nauutal na tinanong ni Holden si Aino. "Munti... Munting prinsesa..."

"Tawagin mo akong Cutie Pie!" Sabi ni Aino nang may mataas at malakas na boses. "Meron nang munting prinsesa sa bahay niyo, yung Minerva na yun! Sobrang pangit niya. Kapag sinasabi mo ang mga salitang 'munting prinsesa' naalala ko ang isang pangit na babaeng tulad niya, kaya ayaw kong matawag na Munting Prinsesa. Tawagin mo nalang akong Cutie Pie."

"Uhm... Cutie Pie, ikaw... Pa... pareho kami ng pangalan ng teddy bear mo, pero tingnan mo... Ang teddy bear mo ay sobrang pangit. Wala siyang mga mata, kaya paano naman magkakapareho ng pangalan ang isang gwapong tulad ko sa teddy bear na walang mata. Masyado naman..."

"Hmph!" Umiyak
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo