Pagkatapos nito, naglabas siya ng isang libong dolyar galing sa pitaka niya at ibinigay ang pera sa babae. "Ito ang bayad mo. Kinailangan mo rin ng oras at pagsisikap para makapunta dito, hindi ka pwedeng bumalik ng walang dala."Kinuha ng babae ang pera, at hindi nito alam ang sasabihin niya. Ito ang unang beses na nakakita siya ng isang mahinahon at kalmadong asawa. Kung siguro ito ay asawa ng ibang lalaki, lahat ng babae na nakilala niya dati ay magagalit siguro pagkarinig pa lang ng mga sinabi niya, at isang pangit na away ang magsisimula. Yung ang gusto niya talagang makita.Pero ang asawa na nasa harap niya ay hindi talaga galit. At lalo pang nadismaya ang babae dahil dito. Bakas sa mukha niya ang ekspresyon ng kahihiyan."Masyado bang maliit yan?" Tanong ni Sabrina."Huh?" Akala ng babae ay mali ang pagkarinig niya."Tinatanong kita, masyado bang maliit yung bayad ko sayo?" Tinanong siya ulit ni Sabrina."Hindi...hindi naman."Anong kalokohan 'to, si Sabrina ay asawa ni S
Ang lahat ay napatingin sa tao na nasa may entrance. Ang tingin ni Sabrina ay agad naging malamig. Ang taong biglang pumasok ay walang iba kundi si Emma Poole, ang babae na gusto siya patayin nung dalawang buwang nakalipas."Sabrina!" Nagmadali si Emma papunta kay Sabrina. "Ito ang araw na mamamatay ka!"Bago pa sumagot si Sabrina, ang munting mandirigma na si Aino na kakatapos lang talunin ang isa pang babae, ay tumakbo sa harap at pumunta sa harap ni Emma. "Saang impyerno ka ba nanggaling!"Si Aino ay galit na galit! Napakarami talagang masamang babae ngayon! Masyado ba silang nanonood ng monter movies? Dahil ang mga magulang niya ay nagdaos ng pagtitipon sa bahay ng lolo at lola niya sa tuhod, si Aino ay kanina pa nakakakita ng pangit at selosang mga babae. Si Selene ay isa sa kanila, at pati na rin si Mindy. Pero ngayon, ang babae na nasa harap niya ay mas masahol pa. Siya ay nagalit! Kahit na maliit ang mga binti niya, mabilis ang mga reflex niya.Bago pa atakihin ni Emma ang
Pero, hindi inasahan ni Emma kailanman na siya ay mapapatid at mahuhulog sa kamay ng isang limang taong gulang na babae. Ang bote ng asido na nasa kamay niya ay nabuksan nang bahagya nung nahulog siya at natapon ito sa likod niya mismo. Siya ay natusok na ng bubog at ngayon ay nasunog naman ng asido. Sobrang sakit nito!Ang mga sigaw ni Emma ay sobrang lakas na halos kaya nitong pabagsakin ang bubong. "Ryan...Ryan, pakiusap, iligtas mo ako, dahil mo na ako sa ospital ngayon! Kailangan ko na ng anesthesia ngayon! Basta iligtas mo ako, sa...sabihin ko sayo ang isang mahalagang impormasyon..."Nilabas na rin sa wakas ni Ryan ang phone niya at tumawag ng ambulansya. Pero ito ay hindi dahil gusto niyang malaman ang impormasyon na inaalok nito sa kanya, at hindi rin dahil sa awa sa pinsan niya. Ito ay dahil ang isang babaeng tulad niya ay hindi nakakatuwang makita.Ang ambulansya ay agad namang dumating. Hiniga nila si Emma sa isang stretcher, sinakay siya sa ambulansya, at umalis na. Ang
"Master Sebastian, kakakita ko lang din po sa kanya. Susundan ko na po siya ngayon, sa pagkakataong ito kampante ako na mahuhuli ko na siya," sabi ni Kingston sa telepono.Sumulyap si Sebastian kay Sabrina."Anong problema, Sebastian?" tanong ni Sabrina.Umiling siya at binaba na ang telepono. "Wala naman."Nung oras na yun, habang nakaupo sa kotse, tinitigan ni Kingston ang babaeng walang tirahan. Mukha siyang isang pulubi, ang damit niya ay punit punit at marumi, ang buhok niya ay natabunan na ng isang kumpol ng dumi. Natatakpan ng mahaba niyang buhok ang mukha niya, kaya si Kingston ay walang makita kundi ang mga mata niya lang. Ang mga mata niya ay nakatutok lang sa clubhouse. Nakaramdam si Kingston na baka pumasok siya sa loob anumang oras dahil sa lebel ng konsentrasyon niya.Habang ang atensyon niya ay nakatutok lang sa clubhouse, binuksan ni Kingston ang pintuan ng kotse at nagmadaling pumunta sa kanya. Sa hindi inaasahan, ang mga reflex niya ay talagang mabilis. Napansin
Si Kelvin White ay natulala."Edi anong klase bubuyog ka naman?""Sa tingin ko hindi ka mukhang bumblebee, mas mataba ka pa po kaysa sa isang bumblebee. Edi isa ka palang putakte? Pero hindi ka kasing cute ng isang putakti. At kahit na isa kang putakte, hindi ikaw ang klase ng bubuyog na gusto ko. Gusto ako ang maliit at cute na mga sweat bee, katulad ng matatamis na bubuyog. Uncle Kevin alam mo po ba kung ano ang mga sweat bee?"Tumawa si Kelvin. "Gusto ko ng isang anak na babae!"Sumimangot si Aino. "Huh?""Hindi! Gusto ko ng dalawang anak! Nag-alala ako na baka hindi maging sapat ang isa para kalabanin ang anak mo!" Ngumisi si Kelvin at Sebastian.Ngumisi si Sebastian. "Kahit na may tatlong anak ka pa, baka hindi rin nila kayanin ang anak ko.""Ikaw..."Nagsimula nang diretso si Sebastian, at hindi talaga siya tumingin kay Kelvin. Ang ilang tao na nasa gilid nila ay gustong tumawa, pero pinigilan nila ang sarili nila na gawin ito."Gu...gusto kong nakawin ang anak mo palayo
Si Sabrina ay nagulat din nang marinig nito ang mga salita niya. Hindi niya naisip na seseryosohin niya ito kahit na hindi naman niya yun sinabi nang malakas. Hindi niya nakalimutan ang pagkasuklam niya sa Lynn family. Sino nagsabi na siya ay masama at walang awa? Ang asawa niya ang pinakatapat at sentimental na tao sa mundo.Nung oras na yun, ang mata ni Sabrina na nakatingin kay Sebastian ang pinakamahinahon sa lahat. Tiningnan niya ang asawa niya na parang isang tagahanga, nakaupo sa tabi niya tulad ng isang mabait at mahinahong asawa."Narinig ko na personal mismong pinadala ni Old Master Shaw ang mga Lynn sa Star Island?" Tinanong ni Kelvin si Sebastian dahil gusto nitong makumpirma.Tumango si Sebastian. "Tama yan.""Ryan!" Tiningnan ulit ni Kelvin si Ryan. "Anong nangyayari? Alam nating lahat na ang impluwensya ng matandang yun ay sa Kidon City. Ang pinakatapat niyang katiwala ay ang tito mo, ang ama nila Emma at Autumn, at ano ulit ang pangalan niya? Axel Poole...""Bakit
Nung ngumiti si Jane, ang kilay niya ay kumulot nang maganda sa mga maliliit na gasuklay. Siya ay sobrang ganda rin talaga, ang klase ng ganda na katulad ng isang katangi-tanging bulaklak na dahan-dahang dinidiligan at pinuputol araw-araw. Ang katawan at pisikal niyang anyo ay maingat na inayos, ang pananamit niya ay hindi rin naman talo kay Sabrina. Sa isang tingin lang, masasabi ni Sabrina na siya ay isang klase ng babae na talagang pinoprotektahan ng lalaki niya at hindi kumikilos base lang sa pagmamahal at proteksyon. Siya ay masunurin at maganda ang asal, pero hindi siya maselan o makulit. Sa halip, siya ay mahinahon at may dalang kaalwanan at kumpiyansa.Pero si Sabrina ay naiiba, may mga kanto siya. Kahit na siya ay tahimik, may nilalabas siyang malamig at matigas na ugali. At ngayon, sumingaw na ang karamihan sa lamig niya, at kapalit nito ay ang kalayaan na inukit ng tagumpay niya sa karera. Hinangaan siya ni Jane dahil doon. Siya ay talagang nahumaling sa kanya. Siguro dahil
Tanging nakafocus lang si Sebastian sa kanya, pero wala siyang narinig na kahit isang salita. Tumingala ito, at nakita na namumula si Sabrina.“Ayaw mong magsalita?” Sabi nito. “Kapag hindi mo sinabi sakin ito, tingnan natin kung paano kita paparusahan ngayong gabi.”Ang tawa ni Sabrina ay sweet at mapang-asar. “Parusahan mo ako, wala akong pake, Natutuwa naman kasi ako sa mga parusa mo. Gusto kong pinaparusahan mo ako.”Napabuntong hininga si Sebastian. “Yan ay dahil hindi pa kita napaparusahan nang seryoso. Kapag ginawa ko ito, hindi ka makakaalis sa kama ng isang linggo. At pagkatapos nito, yung trabaho mo na hinahangaan ng ibang babae, sa tingin mo ay kaya mo pang…?”“Huwag!” Itinaas ni Sabrina ang kamay niya at tinakpan ang bibig nito. “Sasabihin ko na sayo, okay?” Nag-aabang na nakatingin sa kanya si Sebastian. “Sige, sabihin mo sakin.”“Tinanong ako ni Jane kung paano ko… kinokontrol ikaw. Kung may techniques daw ba ako na pisikal, para maging masunurin ka.” Namula ulit si