Lahat ay nagsilingon at nakita ang dating kasambahay ng Ford family na nakatayo sa loob ng pinto, at nakatingin sa eksena na parang nandidiri ang ekspresyon. Hindi kilala ng dating kasambahay ang lahat ng dumalo, pero nakilala niya si Sabrina. Nakapunta na si Sabrina sa lumang Ford residence nang maraming beses at gumagawa siya ng ekseana sa lumang bahay sa tuwing pumupunta siya. Kaya lahat ng tao sa lumang bahay ay kilala si Sabrina mula kay Old Master Ford hanggang sa bawat isang katulong. Alam din ng dating kasambahay na ang mga taong nasa lumang Ford residence ay hindi masyadong gusto si Sabrina. Kaya sa oras na ito, nung nakita ng dating kasambahay na andito si Sabrina, sinabi niya nang walang awa, "Bagong Young Mistress, hindi ko sadyang sisihin ka. Pero dahil napakasalan mo na ang Master Sebastian namin at naging Mrs. Ford ka na, hindi mo ba kayang mas magpigil pa? Nung dumating ka dito, yung mga taong nakasunod sayo ay gumawa ng malaking gulo, nag-away at sinaktan nila an
Pero, ang mag-asawang si Lincoln at Jade ay nakakilos agad. Pinalibutan naman agad nilang dalawa ang katulong. Hindi na makapaghintay si Jade, kaya nauna na siyang magsalita, “Si Old Master Shaw ba ang nag-utos sayo na sunduin kami at papasukin? Pasensya na, pasensya na, nagkaroon lang kami ng konting pagtatalo bilang mag-asawa. Ito ay dahil lang nag-aalala kami tungkol kay Selene. Hindi… hindi naman malaking bagay.”Si Lincoln naman ay awkward ding ngumiti, “Oo, oo, tama ang sinabi ng asawa ko. Pwede… pwede mo na ba kami papasukin sa loob?”Agad namang nadismaya ang mukha ng katulong at sinabi, “Sumunod kayo sakin!”“Sige, salamat.” Tiningnan pareho nila Jade at Lincoln nang masama si Sabrina.May isang tao namang tumawag kay Jade at Lincoln, “Uncle Lincoln, Aunt Jade.”Lumingon si Jade at nakita niya si Mindy.“Ako po si Mindy. Kaibigan po ako ni Selene. Ang rason kung bakit ako nandito ay dahil ipinatawag po ako ni Old Master Shaw. Sabi niya natatakot siya na baka mag-isa lang
Nanigas muna si Aino nang makita niya ang daddy niya na palapit sa likod niya. Tapos tumakbo na siya sa harap ni Sebastian ay niyakap ang binti nito."Daddy! Daddy, wag niyo pong hayaan na apihin si mama ng mga bisita sa bahay nila lolo at lola. Kapag sinubukan niyo po na hayaan nilang apihin si mama, tatawagin po kitang Stinky Bum Dad! Hindi na po ako makikipaglaro sa inyo kahit kailan! Hmph!"Walang nasabi si Sebastian.Ang batang ito talaga!Kapag inaaway ng mama niya ang daddy niya, tinataas niya pa ang dalawa niyang kamay at pinapaboran ito.Pero, ang mga bisita sa bahay ng lolo at lola niya ay baka inaway na ang mama niya, kaya gusto niyang ibaling ang lahat ng sisi sa daddy niya.Hindi talaga patas ang ganitong pagtrato!Nung may sasabihin sana si Sebastian, may pasikretong sinabi ang bata sa kanyang tatay, "Sebastian Ford, sasabihin ko po ito sa inyo. May mga kasangga ang mama ko ngayon. Kapag hindi po kayo na nangako, hindi magiging mabait ang mga kasama ng mama ko sa i
"Mindy, ang lolo ko ang personal na makikipagkasundo na ipakasal ka sa Poole family ng Kidon City. Kamusta naman yun? Ang saya di ba?" Ang tono ni Selene kay Mindy ay para bang siya ay isang charity case.Agad na sinabi ni Mindy, "Opo, Miss Lynn.""Malaki ang tiwala ko sayo, magtagumpay ka sana!"Sabi ni Mindy, Pero ako...""Wag ka nang mag-alinlangan, magtiwala ka lang kapangyarihan ng lolo ko!" Aroganteng sinabi ni Selene kay Mindy.Agad namang tumango si Mindy."Itong damit na suot ko. Maganda ba?" Pagmamalaking tinanong ni Selene si Mindy.Ang damit na suot ni Mindy ay mamahalin din, pero kung ikukumpara sa damit ni Selene, ang pagkakaiba nila ay parang langit at lupa.Gusto pa rin itanong sa kanya ni Selene kung maganda ito.Sinabi na lang ni Mindy nang labag sa loob niya, "Opo, sobrang ganda. Miss Lynn, ang kagandahan niyo ngayong araw ay talagang natabunan ang buong eksena. Sa okasyon na ito, siguradong walang kahit sino pang babae ang makakatalo sa karangyaan niyo."A
Pakiramdam ni Selene ay para bang napakasakit ng mga salitang yun nang marinig niya ito.Agad namang nainis si Selene, "Saan ka ba galing? Sino ka ba? Ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo? Pagod ka na bang mabuhay? Anong klaseng kalokohan ang fiancé ko at ang asawa at anak ng fiancé ko? Syempre, ang asawa ng fiancé ko ay ako!"Ang taong nagsabi nito sa kanya ay nagkibit balikat na lang at ngumiti na para bang may mas malalim pang kahulugan sa likod nito. "Gawin mo ang gusto mo."Si Selene ay meron ding naramdaman, ay agad siyang lumingon para tumingin sa pintuan.Si Selene, na nakasuot ng isang mamahaling damit at kasing gara ng isang phoenix na nasa langit, ay natigilan.Ang matangkad at makisig na lalaki na nakasuot ng isang navy-blue suit ay may hawak na munting bata sa may pintuan. Ang munting bata ay may itsurang walang takot, masigla at mapagmalaki. Bukod pa dito, nakasuot siya ng isang pulang tutu dress na kasing kulay ng apoy, at mukha siyang arogante at bastos habang na
Wala bang magandang kasabihan sa industriya ng fashion? Ang mga mamahaling damit ay hindi naman babagay agad sayo. Dapat ay magsuot ka ng tamang damit at dapat bumagay yun sayo. Kapag hindi bagay sayo ang damit, kahit na gaano pa kamahal yan, hindi pa rin magmumukhang maganda.Nung oras na yun, bumalik na rin si Selene sa sarili niya galing sa pagiging tulala. "Anong nangyayari dito? Bakit naman naging ganito? Bakit?"Nababaliw na talaga siya. Nababaliw na talaga siya, d'yos ko po!Agad namang hinawakan ni Selene ang buhok niya. "Grandpa, tingnan mo sila, Grandpa!"Si Mindy, na dala dala ang laylayan ng damit niya na parang aso ay natigilan din bigla. Si Mindy at Selene ay nakatingin sa direksyon ng mga upuan sa kabisera kung saan nagdidiskusyon nang pabulong sila Old Master Ford, Sean at ang asawa niya, at si Old Master Shaw.Silang apat ay nagdidiskusyon kung paano nila haharapin si Sabrina kapag pumunta siya ngayon, at ang diskusyon nila ay kakatapos lang."Ganito ang gagawin
Nang makita si Old Master Shaw na nagalit sa kanya ng ganun, si Sabrina ay nakaramdam talaga ng lungkot sa puso niya. Matagal niya nang binabaon ang lungkot na ito sa pinakasulok ng puso niya. Matagal na siyang naghahangad ng kamag-anak. Pero, hindi siya kailanman nagmamakaawa para dito. Kaya wala siyang pakialam! Sumuko na siya! Hindi niya tiningnan si Old Master Shaw nang mapagkumbaba pero hindi rin naman arogante at parang ipinagmamalaki niya pa nga sarili niya.Si Sebastian ay tumingin naman kay Old Master Shaw sa malamig at mahinahon na ekspresyon. "Pasensya na po, Grandpa Shaw. Ito po ang tahanan ko.""Ikaw..." bulalas ni Old Master Shaw.Napaubo siya dahil galit na galit siya. "Ikaw... nangako ka sakin! Tutulungan mo ako diba! Hihiwalayan mo ang mang-aakit na yan!""Ano pong ibig niyong sabihin sa mang-aakit?" Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Sebastian at si Sabrina ay sumagot na nang walang kahit kaunting takot.Nagulat si Old Master Shaw. "Ikaw... talagang sinub
Ngayon lang siya lumaban kaya nagulat ang lahat sa pinakita niya, maging si Old Master Shaw ay nangingig habang nagsasalita, “I…i…i..ka..aaw…matapang ka lang naman dahil alam mong may magtatanggol sayo! Demonyo ka! Isa kang oportunista na walang ibang gustong gawin kundi ang mag makisawsaw sa mayayaman kahit alam mo sa sarili mong wala ka naman talagang karapatan. Sino ka ba kung hindi dahil kay Sebastian…”“Tama na!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Sabrina. Sinubukan niyang magmukhang matapang pero nang marinig niya ang mga salitang demonyo at oportunista mula kay Master Shaw, hindi niya na napigilang maiyak sa sobrang sakit. Bakit? Wala na ba talagang ibubuti ang mundo para sakanya? Namatayan na nga siya ng mga magulang at mga malalapit na kamag-anak tapos ganito pa siya itatrato ng mga tao?Bakas sa boses ang galit, nagpatuloy si Sabrina, “Old Master Shaw, wala na akong magagawa kung ganyan ang tingin mo sa akin pero hindi ako papayag na habang buhay mo akong aapakan. Gusto kong ipaa