"Mindy, ang lolo ko ang personal na makikipagkasundo na ipakasal ka sa Poole family ng Kidon City. Kamusta naman yun? Ang saya di ba?" Ang tono ni Selene kay Mindy ay para bang siya ay isang charity case.Agad na sinabi ni Mindy, "Opo, Miss Lynn.""Malaki ang tiwala ko sayo, magtagumpay ka sana!"Sabi ni Mindy, Pero ako...""Wag ka nang mag-alinlangan, magtiwala ka lang kapangyarihan ng lolo ko!" Aroganteng sinabi ni Selene kay Mindy.Agad namang tumango si Mindy."Itong damit na suot ko. Maganda ba?" Pagmamalaking tinanong ni Selene si Mindy.Ang damit na suot ni Mindy ay mamahalin din, pero kung ikukumpara sa damit ni Selene, ang pagkakaiba nila ay parang langit at lupa.Gusto pa rin itanong sa kanya ni Selene kung maganda ito.Sinabi na lang ni Mindy nang labag sa loob niya, "Opo, sobrang ganda. Miss Lynn, ang kagandahan niyo ngayong araw ay talagang natabunan ang buong eksena. Sa okasyon na ito, siguradong walang kahit sino pang babae ang makakatalo sa karangyaan niyo."A
Pakiramdam ni Selene ay para bang napakasakit ng mga salitang yun nang marinig niya ito.Agad namang nainis si Selene, "Saan ka ba galing? Sino ka ba? Ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo? Pagod ka na bang mabuhay? Anong klaseng kalokohan ang fiancé ko at ang asawa at anak ng fiancé ko? Syempre, ang asawa ng fiancé ko ay ako!"Ang taong nagsabi nito sa kanya ay nagkibit balikat na lang at ngumiti na para bang may mas malalim pang kahulugan sa likod nito. "Gawin mo ang gusto mo."Si Selene ay meron ding naramdaman, ay agad siyang lumingon para tumingin sa pintuan.Si Selene, na nakasuot ng isang mamahaling damit at kasing gara ng isang phoenix na nasa langit, ay natigilan.Ang matangkad at makisig na lalaki na nakasuot ng isang navy-blue suit ay may hawak na munting bata sa may pintuan. Ang munting bata ay may itsurang walang takot, masigla at mapagmalaki. Bukod pa dito, nakasuot siya ng isang pulang tutu dress na kasing kulay ng apoy, at mukha siyang arogante at bastos habang na
Wala bang magandang kasabihan sa industriya ng fashion? Ang mga mamahaling damit ay hindi naman babagay agad sayo. Dapat ay magsuot ka ng tamang damit at dapat bumagay yun sayo. Kapag hindi bagay sayo ang damit, kahit na gaano pa kamahal yan, hindi pa rin magmumukhang maganda.Nung oras na yun, bumalik na rin si Selene sa sarili niya galing sa pagiging tulala. "Anong nangyayari dito? Bakit naman naging ganito? Bakit?"Nababaliw na talaga siya. Nababaliw na talaga siya, d'yos ko po!Agad namang hinawakan ni Selene ang buhok niya. "Grandpa, tingnan mo sila, Grandpa!"Si Mindy, na dala dala ang laylayan ng damit niya na parang aso ay natigilan din bigla. Si Mindy at Selene ay nakatingin sa direksyon ng mga upuan sa kabisera kung saan nagdidiskusyon nang pabulong sila Old Master Ford, Sean at ang asawa niya, at si Old Master Shaw.Silang apat ay nagdidiskusyon kung paano nila haharapin si Sabrina kapag pumunta siya ngayon, at ang diskusyon nila ay kakatapos lang."Ganito ang gagawin
Nang makita si Old Master Shaw na nagalit sa kanya ng ganun, si Sabrina ay nakaramdam talaga ng lungkot sa puso niya. Matagal niya nang binabaon ang lungkot na ito sa pinakasulok ng puso niya. Matagal na siyang naghahangad ng kamag-anak. Pero, hindi siya kailanman nagmamakaawa para dito. Kaya wala siyang pakialam! Sumuko na siya! Hindi niya tiningnan si Old Master Shaw nang mapagkumbaba pero hindi rin naman arogante at parang ipinagmamalaki niya pa nga sarili niya.Si Sebastian ay tumingin naman kay Old Master Shaw sa malamig at mahinahon na ekspresyon. "Pasensya na po, Grandpa Shaw. Ito po ang tahanan ko.""Ikaw..." bulalas ni Old Master Shaw.Napaubo siya dahil galit na galit siya. "Ikaw... nangako ka sakin! Tutulungan mo ako diba! Hihiwalayan mo ang mang-aakit na yan!""Ano pong ibig niyong sabihin sa mang-aakit?" Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Sebastian at si Sabrina ay sumagot na nang walang kahit kaunting takot.Nagulat si Old Master Shaw. "Ikaw... talagang sinub
Ngayon lang siya lumaban kaya nagulat ang lahat sa pinakita niya, maging si Old Master Shaw ay nangingig habang nagsasalita, “I…i…i..ka..aaw…matapang ka lang naman dahil alam mong may magtatanggol sayo! Demonyo ka! Isa kang oportunista na walang ibang gustong gawin kundi ang mag makisawsaw sa mayayaman kahit alam mo sa sarili mong wala ka naman talagang karapatan. Sino ka ba kung hindi dahil kay Sebastian…”“Tama na!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Sabrina. Sinubukan niyang magmukhang matapang pero nang marinig niya ang mga salitang demonyo at oportunista mula kay Master Shaw, hindi niya na napigilang maiyak sa sobrang sakit. Bakit? Wala na ba talagang ibubuti ang mundo para sakanya? Namatayan na nga siya ng mga magulang at mga malalapit na kamag-anak tapos ganito pa siya itatrato ng mga tao?Bakas sa boses ang galit, nagpatuloy si Sabrina, “Old Master Shaw, wala na akong magagawa kung ganyan ang tingin mo sa akin pero hindi ako papayag na habang buhay mo akong aapakan. Gusto kong ipaa
“Hindi!” At sumalampak si Selene sa sahig. Nagkalat ang eyeliner mula sa mga mata nito sa sobrang kakaiyak. Sobrang pangit ng itsura nito kaya maging si Aino ay natakot.“Hindi…hindi totoo yan! Imposible!” Tinakpan ni Selene ang kanyang mukha at nagpatuloy sa pagiyak. Bakit ba palaging siya nalang ang talunan?Six years ago, muntik na silang ikasal ni Sebastian. Sobrang dami niyang kakampi para mapapatay si Sabrina noong panahon na yun pero bandang huli, ito pa rin ang nanalo. Isa pa, pinahiya niya rin ang sarili niya sa pinagtatrabahuan ni Sabrina, hindi lang isang beses, kundi dalawang beses pa! Bakit? Bakit? Bakit siya na si Selene Lynn nalang ang palaging natatalo?Galit na galit at umiiyak na sumigaw si Selene kay Sebastian, “Hindi ba ikaw mismo ang nagpatahi ng dress na yun para sa akin? Kaya nga nadeliver sa bahay ko diba? Kung para kay Sabrina yun, paano yun napunta sakin? Pinapalabas mo ba na ang dress na yun na may halagang two million ay ninakaw ko sakanya?” Tama! H
“Ni isang beses, wala akong maalalang pagkakataon na ginalaw ng asawa ko si Selene dahil ultimo daliri niya na nga lang ay wala pa rin siyang intensyong idampi sakanya kaya gusto kong itanong sainyo kung saan nanggagaling yang ilusyon niyo na ang asawa ko ang tatay ng pinagbubuntis niya? Isa pa…kung prinsipyo lang din ang paguusapan, hindi kaya mas tamang hanapin niyo yun sa apo niyo? Dahil sa mga binitawang salita ni Selene, sobrang namula ang mukha ni Old Master Shaw dahil sa magkahalong galit at hiya. “Sabrina, wag ka ngang gumawa ng issue jan!” Galit na galit na sabatg ni Jade. “Wala kang kwentang babae!”Tinignan ni Sabrina si Jade at walang emosyong sumagot, “Jade, hindi mo ba naisip na parang kaduda-duda yung iniwang sulat ng nanay ko dahil di umano sumama siya kay Lincoln? O di naman kaya may nalalaman kang hindi namin alam kaya hindi mo…”Nang sabihin ni Sabrina ang tungkol sa pag alis ng nanay niya noon, galit na galit na tumingin si Jade kay Lincoln at nanggigil na si
Sobrang natakot si Selene sa sinabi ni Sebastian sa lolo niya dahil sa lahat ng tao, siya ang pinaka nakakaalam kung anong kayang gawin ni Sebastian…Hindi man ito matawag na kriminal dahil hindi naman talaga ito pumapatay, pero sapat na ang isang salita nito para lumubog at mamatay ang isang tao. Ang simpleng “HINDI” na kabibitaw lang nito ang nagsisimbolo kung gaano nito kinamumuhian ang pamilya niya…“Lolo…may…may sasabihin po ako…” Natatakot na sabat ni Selene.“Ano?!” Naguguluhang sagot ni Old Master Shaw. “Na… naiihi po ako…”“Pfft!” Hindi napigilan ng ilang mga nakikiusisa na matawa sa sinabi ni Selene. At maging si Aino, na limang taong gulang, ay natawa din ng malakas.“Hahahahahaha! Mommy, tignan mo oh.. Duwag! Naihi na siya sa sobrang takot! Mga baby lang kaya ang hindi makapagpigil ng ihi! Sinabi niya pa talaga sa harap ng marami na gusto niya mag wiwi… eeeew!” Nangaasar na sumbong ni Aino kay Sabrina at saka siya tumingin kay Selene. “Duwag ka! Magkapatid talaga kayo