Kabanata 601
Sa wakas, umalis na rin ang dominanteng direktor.

Gayunpaman, parang wala pa rin nagbago kay Sabrina tungkol dito.

Hindi alintana kung nandito man si Sebastian o wala, magtatrabaho pa din siya katulad ng madalas niyang ginagawa. Araw-araw din naman kasi silang magkasama at magkatabi din matulog tuwing gabi sa bahay, hindi na siya nakakaramdam ng takot sa kanya.

"Mag-ingat ka," sabi niya kay Sebastian, habang nilalapag ang mga drawing na hawak niya.

"Lalamig ang tsaa mo. Tandaan mong inumin yan," pagpapa-alala ni Sebastian.

"Mmm."

"At saka, tandaan mo na kailangan mong tumayo at maglakad tuwing lilipas ang kalahating oras. Kundi hindi, hindi yan magiging maganda sa cervical spine mo," sabi ulit ni Sebastian.

"Mmm."

Wala talagang nasabi si Sebastian sa pagsagot niya nang masunurin.

Gusto niya talaga siyang tanungin, "Bakit ba nakakaya mong ngumiti nang maliwanag kapag kasama mo ang mga babae mong kaibigan, pero iilan lang ang mga salita mo pagdating sa asawa mo?"

Pero, naisip
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP