Ang dalawang sales ladies sa likod ng mag- asawa ay tumingin sa kanila nang may paghanga habang ang isa sa kanila ay napabulalas pa, " Sina Ginoo at Ginang Ford ay talagang match made in heaven!"Nagsimulang maging kasing pula ng mansanas ang mukha ni Sabrina.Sa kabilang banda, nagkunwaring hindi napapansin, hinawakan ni Sebastian ang kamay niya habang naglalakad sila sa isang tahimik na patyo.Noon lang napansin ni Sabrina ang high-end na boutique sa harapan niya, na may naka-display na pangalang "Sloane" sa storefront.Ang Sloane ay isang klasikong luxury brand.Higit pa rito, ito ay isang itinatag na pangalan sa South City.Noong kakapasok lang ni Sabrina sa kolehiyo, nakatira pa siya sa pamilya Lynn. Noon, narinig niyang binanggit nila ang brand noong nagdaraos sila ng coming- of- age ceremony para sa kanilang mahalagang 18 taong gulang na anak na babae, si Selene.Sinabi ni Jade, "Buweno, ang kayamanan at katayuan ng pamilya Lynn ay hindi pa umabot sa antas na iyon. Kung h
Nang makita kung paano natigilan si Sebastian, agad na sinubukang magpaliwanag ng dalawang taga- disenyo na nagsilbi kay Sabrina. "I'm sorry, Mr Ford. Kami... Kami talaga... Sa totoo lang, pinili namin ang pinaka- magarang damit na nasa isip mo para kay Madam, pero parang mas gusto niya ito. Ito ang pinakamababang presyo sa lahat ng mga damit dito."Itinuring itong walang kabuluhan at walang anumang mga accessory.“Gayunpaman, dapat kong sabihin, si Madam talaga ay may napakagandang mata. Kahit na ito ay isang mababang presyo na damit na may simpleng istilo, napakaganda pa rin nito kay Madam.”Ang unang kalahati ng mga salita ng taga-disenyo ay isang paghingi ng tawad kay Sebastian.Gayunpaman, sinimulan niya ang tunay na papuri sa kanya sa ikalawang kalahati ng kanyang paliwanag.Talagang may magandang pigura si Sabrina, na naging maganda sa kanya sa lahat ng bagay.Kahit na ang taga- disenyo ay pumili ng mga pinaka- marangyang estilo at brooch sa tindahan para sa kanya kanina,
Inisip niya lang sa loob niya, 'Yun ay dahil lang hindi niyo kasi alam kung gaano siya nakakatakot sa tuwing gusto niya.'Isinantabi niya ito at ngumiti na lang si Sabrina sa kanila at sinabi, "Salamat"Pagkatapos nun, nagsimulang nang pumili ang designer ng isang pares ng sapat na babagay sa bestida na kulay light blue. Sa bandang huli, yung nakita pala niya ay hindi masyadong kasya sa paa ni Sabrina.Kahit payat at matangkad si Sabrina, ang mga paa niya ay napakaliit naman.Bukod pa dito, malaman ang mga ito at makitid.Sa kabilang banda, ang pares ng sapatos na bumagay sa light blue dress ay hindi lang masyadong malaki para sa kanya, ito rin ay masyadong malapad.Nagsisising sinabi ng designer, "Madam, ang mga sapatos na ito ay orihinal na ginawa para bumagay sa bestida, pero hindi talaga sila kasya sa paa mo. Bukod pa dito, kahit na ang pares ng sapatos na ito ay mamahalin sa isang normal sa tindahan, hindi talaga ito ang may pinakamagandang kalidad sa brand namin. Edi, ano n
Sinabi ni Sebastian, "Hmmm?"Agad na tinikom ni Kingston ang bibig niya.Napagtanto niya na basta na lang sinabi ang mga salita ngayon nang hindi muna ito pinag-iisipan. Nung nagsalita na siya saka niya lang naalala na si madam ay nasa loob nga rin pala ng kotse. Ang mga bagay na ito ay hindi pwedeng pag-usapan sa harap niya.Habang iniibestigahan niya ang relasyon sa pagitan ng nanay ni Madam at ng Lynn family, maraming nadiskubreng bagay si Kingston na hindi siya sigurado kung alam din ba ito ni madam."Wala lang po, Master Sebastian," Agad na sumagot si Kingston sa mahinahong ekspresyon.Matapos na sabihin ito, nakatutok na lang siya sa pagmamaneho at hindi na ulit nagsalita.Alam ni Sabrina na si Kingston ay may bagay na sasabihin sa amo niya. Pero, dahil nasa loob din siya ng kotse, siguro nagdesisyon na lang siya na ipagpaliban muna ang mga sasabihin niya.Bilang siya ay isang matino at maintindihing tao, hindi na pinilit pa ni Sabrina na malaman ang bagay na ito. Ang gi
Tumawa si Sabrina at sinabi, "Hulaan ko nga, siguro marami yan no, maraming magagandang damit ang naghihintay sayo sa damitan mo, tama ba?"Natigilan si Aino. "Paano mo po nalaman, Ma?""Dahil siya ang mama mo!" pagsabat ni Sebastian."Hehe, Ma, marami rin pong magagandang damit na para sayo doon. Tignan po natin kung alin po doon ang bagay sa akin." Habang hawak ang kamay ng mama niya, dinala siya nito diretso siya damitan niya.Bukod sa pagkain, ginugol ng mag-ina ang buong gabi nila sa loob ng mga walk-in closet nila.Yun naman talaga ay natural na sa babae.Hindi alintana sa kung lima or dalawamput limang taong gulang sila, walang kahit sinong babae ang hindi natutuwa sa pagpapakita ng kagandahan nila.Nung si Sabrina ay nasa Sloane boutique kanina, talagang nagmatigas siya na hindi magsukat ng mga damit na sobrang marangya. Pero, sa oras na ito, nung nagsusukat siya ng mga damit kasama ang anak niya, wala nang pakialam si Sabrina sa kapakumbabaan.Ang walk-in closet ng bah
Sa isang paghinga lang, nagawa na agad buhatin ng lalaki si Sabrina papunta sa banyo.Hindi maiiwasan para sa dalawa ang maligo nang sabay nung gabing yun.Gayunpaman, malaking bagay na ang lalaki ay sinusubukang maging masipag pagdating sa paglilinis ng katawan.Hindi siya halos gumalaw, pero nagawa niya pa rin na malinis nang maayos ang mga katawan nila.Kahit nung una ay medyo nagpumiglas si Sabrina, bumigay din siya nung bandang dulo.Ano bang punto ng pagpupumiglas niya?Ilang buwan na rin naman silang magkasama, kaya ano pa bang sikreto ang hindi nila nalalaman sa isa't isa?Wala na sila naitatago, di ba?At dahil ganun ang kaso, nagdesisyon si Sabrina na hayaan na lang siyang gawin ang kahit anong magpapasaya sa kanya. Magpapahinga na lang siya at magiging mahinahon. Dahil dito, pinikit niya na lang ang mga mata niya ay hinayaan si Sebastian sa paghuhugas at pagkuskos. Hindi niya nga napansin na nakatulog na pala siya.Nung nagising na ulit si Sabrina, sa wakas ay oras
"Kumuha ka ng tao para ipadala ang kotse niya doon sa bayan nila. Maliit na probinsya lang naman yun di ba? Ang lupa doon ay kaunti lang at wala naman masyadong tao ang nagmamaneho doon. Hayaan mo siyang magsanay sa pagmamaneho habang nandun siya," utos ni Sebastian.Pinaalalahanan naman ni Kingston si Sebastian, "...Master Sebastian, meron naman pong car rental service sa lugar na yun.""Nag-aalala ako na baka hindi maayos ang mga sasakyan nila doon!"Walang nasabi si Kingston dito. 'Ang kotse na 'to ay nagkakahalaga ng pito or walong milyon, at talagang gusto mo pa din hayaan si Madam na dalhin ito sa bayan niya para masanay na imaneho ito?'Seryoso ka ba talaga dyan, Master Sebastian?'Gusto talaga kita paalalahanan, Master Sebastian, na marami nang kotse sa mga maliliit na probinsya ngayon. Sa panahon ngayon, marami nang magagandang kotse sa bawat pamamahay, okay, Master Sebastian?'Pero, tinago na lang ni Kingston ang mga iniisip niya sa sarili niya. Sa panlabas, hindi siya
Ang tao sa kabilang linya ng tawag ay para bang kinakabahan. "Miss Scott, mas mabuti siguro kung pumunta na lang po kayo dito para makita niyo."Agad na sumagot si Sabrina, "Sige."Meron siyang kutob na may taong gusto na namang makipag-away sa kanya.Matapos na huminga nang malalim, tumayo siya at lumabas na ng opisina.At bigla na lang siyang tinawag ng ilang kasamahan sa likod niya."Sabrina...""Sabrina, mag-ingat ka.""Sabrina, gusto mo bang samahan kita? Kapag may nagtangka na apihin at awayin ka, nasa likod mo lang ang buong design department para saluhin ka!"Pagkatapos ng nakaraang linggo, ang mga tao sa design department ay naging maayos na ang pakikisama kay Sabrina.Napagtanto kasi nila na mas naging masaya sila sa trabaho at nagustuhan nila ang kapaligiran nung nawala ang mapagkunwaring si Linda at iba pang mga maiingay na chismosa.Bukod dito, nalaman nila na si Sabrina ay napakadali pa lang pakisamahan. Kahit yung mga tao na hindi naman malapit sa kanya ay pwed