Si Aino ay isang napakatalinong bata at hindi nito kailangan ng maraming tulong para maintindihan ang sitwasyon kung nasaan siya. Nung nag-aaral pa siya sa dati niyang eskwelahan, lagi siyang nakikipag-away sa tuwing may sinasabing masama ang iba tungkol sa nanay niya at hindi niya titigilan ang taong yun hanggang sa bawiin ang sinabi nila. Pero iba ang nangyari sa pagkakataong ito, ang pakikipag-away niya sa isang bata ay nagdulot ng gulo sa pagitan ng nanay at guro niya at gumastos pa ng malaki ang nanay niya.Napaisip nang saglit si Aino at sinabi nito kay Kingston, "Uncle Kingston, hindi niyo na dapat ako tinatawag na prinsesa simula ngayon, ayoko na po nun. Tawagin niyo na lang akong suwail na bata katulad ng iba, hindi po ako magagalit kung madalas ko pong maririnig yun, at baka hindi ko na rin gustuhin na sumuntok ng iba 'pag narinig ko yun."Ang mga salita ng isang bata ay laging totoo at inosente, wala siyang ibang ibig sabihin dito, pero halatang parehong si Kingston at Seb
"Siguro wala namang masama kung hindi na ako lalaban. Nagkamali ako ng intindi sayo, at hindi ka rin naman matapang sa anak ko. Masaya na ako basta makakapasok sa eskwelahan ang anak ko at makakatanggap siya ng edukasyon katulad ng ibang bata. Ayoko na masyadong isipin pa ito, gagawin ko na lahat ng sasabihin mo simula ngayon, nasa kamay mo na ang buhay ko," Sabi ni Sabrina sa mahinang boses, para bang ayaw niya ng mahirapan, habang nakayakap siya kay Sebastian. Ang totoo niyan, ang gusto niya talagang sabihin ay tinatanggap niya na ang kapalaran niya at sasama siya sa kung kanino siya dalhin ni Sebastian. Susunod siya sa lalaking ito habang buhay kung yun ang gusto niya. Talagang wala na siyang natitirang lakas pa sa sarili niya, dahil pagod na ang buong pagkatao niya. Kung wala na talaga siyang pagkakataon na makatakas pa sa lalaking ito, bakit pa niya ito lalabanan? Mas mabuti pang maging kakilakilabot na babae na lang siya katulad ng iniisip ng iba at maging masaya na lang hanggat
Wala na siyang pakialam, basta nakakapasok sa eskwelahan ang anak niya at buhay sila, wala ng ibang importanteng bagay para kay Sabrina. Pakiramdam niya ay umalis na ang elepanteng nakadagan sa dibdib niya dahil naging maayos ang sitwasyon nila ngayon. Pagkaalis ni Sebastian, para bang tamad na tamad siya at nakahilata lang sa kama sa iba't ibang posisyon hanggang sa hindi na talaga siya makatulog, bumangon na lang siya at pumunta sa banyo para maligo. Napakalaki talaga ng banyo sa kwarto ni Sebastian at marami itong kung ano-anong gamit na talagang mas mamahalin kumpara sa mga bathtub na makikita sa mga magagandang spa.Umupo siya nang mag-isa sa bathtub kung saan madalas na umuupo si Sebastian at nagpakasawa siya sa mga agos ng maligamgam na tubig na galing sa ilalim ng tub na parang isang hot spring. Dahan dahan niyang pinikit ang mga mata niya at nadala sa masarap na kasaranasang ito, hindi napansin ni Sabrina na may nanunuod sa kanya.Sa opisina naman niya, pinanood ni Sebastian
Biglang nagdilim ang mukha ni Sebastian. Pagalit siyang nagsalita, "Anong sinabi mo?" Kahit kailan talaga hindi siya nabigong galitin siya!"Sabi ko, si Mr. Poole ay mukhang marangal na lalaki at may standards. Masasabi ko na siguro galing siya sa isang mayamang pamilya at kapareho ng estado mo, hindi ba siya mandidiri sa isang taong katulad ko?" Kalmadong inulit ni Sabrina.Biglang lumapit si Sebastian at sinakal nito nang mahigpit si Sabrina. "Hindi mo na dapat pag salitaan ng ganyan ang sarili mo kahit kailan!"Nasakal si Sabrina at saglit na nahirapang huminga, wala siyang nagawa kaya tumango na lang siya. Hindi niya na dapat ito binanggit pa. Pagkatapos bitawan ni Sebastian ang leeg niya, umubo siya na parang isda na inahon sa tubig habang sinusubukan niyang huminga ng sariwang hangin. At dito may biglang kumatok sa pinto."Pasok," sabi ni Sebastian pagkatapos alisin ang nakabara sa lalamunan niya.Ang pinakamagaling na saleslady ng shop ay pumasok. "Mr. Ford, ito po ay gina
Ang kagandahan niya ay higit pa sa inaasahan niya. Palagi lang siyang malamig, halos walang ekspresyon ang mukha niya madalas sa buong pagkakilala nito sa kanya. Nakita niya lang itong nakangiti nung mga oras na kasama niya pa ang nanay niya. Ito ang klase ng ngiti na makikita niya lang sa mga dalagang babae, matamis at inosente. Nakita niya ang palaging paglayo ni Sabrina sa mga tao na para bang hindi siya kabilang sa kanila pero kahit kailan hindi niya ito nakitang tamad at basta na lang kumilos at nagulat siya na nakaka akit pala ang ganito niyang ugali."Kamusta naman ang itsura ko?" Tanong ni Sabrina. Kahit gaano kahirap ang buhay niya habang lumalaki siya, hindi niya naisip na isang araw ay pagkakakitaan niya ang pagiging laruan ng mga lalaki. Kahit na nasa kulungan lang siya ng dalawang taon, hindi siya sumuko sa buhay. Nagsikap siya at nag-aral ng arkitektura sa ilalim ng pakpak ni Aunt Grace at madalas pa nitong pinangarap na makahanap ng isang trabahong tungkol sa pagdidisen
Napabuntong hininga si Sabrina dahil sa wakas naging kuntento na si Sebastian at hindi niya na kailangan pang magsukat ng iba. Ang pagsusukat ng mga damit, lalo na yung mga damit na dapat ikatuwa ng mga makakakita, ay masakit talaga sa ulo."Pagod?" Tanong ni Sebastian."Okay lang ako," sagot niya.Tumingin si Sebastian sa saleslady. "Ibalot mo na lahat ng mga napili kong bestida.""Opo, Mr. Ford. Gagawin ko na rin po yun agad," Masayang sumagot ang saleslady.Bumaba naman ang tingin ni Sebastian para titigan si Sabrina sa mga mata at tinanong, "Itong mga bestidang 'to, nagustuhan mo ba sila? Siya lang kasi ang pumipili ng bawat isang damit para sa kanya. Yung iba dito ay pang matanda ang estilo at yung iba naman ay parang inosente kung tingnan. Gayunpaman, lahat ng estilong ito ay bagay sa kakaibang kilos at ugali ni Sabrina."Wala naman talaga akong pake," Tumungo si Sabrina at nagtanong, "Meron na akong suot na isa ngayon, hindi ba sayang kung bibili ka ng ganito karami?" Hind
Kailangan nilang maging maingat sa mga kilos nila."Alex, nandito lang ako ngayon dahil inimbitahan mo ako. Alam ng Diyos kung pagbibigyan na ako ni Sebastian. Ang ibig kong sabihin, alam mo kung gaano kasama ang lalaking yun. Masaya ako kung magkakabati kami ng lalaking yun, hindi ko lang alam kung ganun din siya!" Ang lalaking nagsalita ay merong peklat sa mukha niya at parang nasa 30s na siya. Sa kabila ng nakakatakot niyang mukha, ang babaeng nakaupo sa tabi niya ay may nakakaakit na ganda."Kelvin!" Parang hindi magpapaawat si Alex sa tono niya. "Sinasabi ko sayo, wala ka talagang karapatan na magreklamo kung hindi ka pagbibigyan ni Sebastian. Kahit ako, na lumaki mismo kasama ng lalaking yun, ay hindi napakitaan ng awa! Siguro nga marahas siya, pero hindi siya mananaksak ng galing sa likod. Isipin mo yung ginawa mo dati. Kung hindi mo siya sinet up nung araw na yun, hindi siguro makukulong si Aunt Grace, at hindi rin siguro siya magkakasakit pagkatapos. Paano 'to makakalimutan
Isang mainit na diskusyon ang nagsimula sa loob ng kwarto dahil sa mga salita ni Sabrina. Maraming chismis ang kumalat sa South City na may sinundan mismo si Sebastian na isang babae na galing sa ibang lugar at binalik siya ulit, na parang may tinatago siyang sama ng loob sa babaeng ito. Base sa sinabi ni Sabrina kanina, napagtanto agad ng lahat ng tao sa kwarto na siya ang pinagmulan ng chismis na ito. At para dalhin siya dito ni Sebastian, posible kaya na gusto niyang ipakilala siya bilang isang regalo sa mga kaibigan niya?"Sabik ka yatang ipakilala kung sino ka?" Bulong ni Sebastian sa tenga ni Sabrina nang may malamig na ekspresyon."Mm-hm." Hindi sinubukan ni Sabrina na magpaliwanag pa. Dahil wala rin naman siya sa lugar para magbigay ng komento sa kasalukuyan nilang sitwasyon, at hindi niya naman alam ang dapat sasabihin. Ang alam niya lang ay kailangan niyang gawin ang lahat ng sasabihin sa kanya ni Sebastian.Tumingin si Sebastian nang walang sinasabi sa babaeng nasa harap