Ang lahat ay nagulat sa eksenang nangyayari sa harap nila. Sa sobrang takot ni Jane, hindi siya makagalaw sakanyang kinatatayuan. Sobrang bait na tao no Jane. Hindi siya mahilig makipag away, makipagpatayan pa kaya? Kaya sino ba naman ang mag aakala na may mangyayaring ganito kung kailan pa kasama niya ang kanyang mga kaibigan at kamag anak. Takot na takot siya. Gayunpaman, si Ricky, ang dalawang-taong gulang na batang lalaki, ay hindi naramdaman ang anumang kaba. Nang makita niya ang matalas na kutsilyo, ginamit ni Ricky ang kanyang mga kamay upang kunin ito.Sa kabilang banda, si Sabrina, na nasa gilid, ay sobrang sobrang kalmado. Ayaw niyang matakot si Ricky kaya nagmamadali siyang naglakad papunta sa harap ni Ricky para harangan ang kutsilyo.Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, wala ng nakapag isip ng maayos. Nang matagumpay na maharangan ni Sabrina si Ricky, siya namang harang ng isang babae para protyeksyunan sila. Galit na galit nitong sinipa ang babaeng nagtitinda ng kutsil
Nang marinig ni Lily ang mga sinabi ni Jane, galit na galit itong sumigaw, “Hoy Jane Sheen! Ikaw ang totoong salot! Salot! Inagaw mo ang lahat sa akin! Sino ka ba sa inaakala mo? Isa ka lang namang katulong diba? Mababang tao at ni wala ka ngang lugar dito sa Kidon City eh! Malayong malayo sa mundo ni Alex! Nakalimutan mo na ba? May iba ka pa ngang asawa noo? Kung hindi ka ba naman malandi! Ninakaw mo ang lahat sa akin! Nang dahil sayo, nagkaganito ako! Galit ako sayo! Galit na galit ako sayo! Dapat lang na mamatay ka kasama yang bastos mong anak!” “Subukan mo!” Galit na galit na sagot ni Jane. Tinignan niya si Ruth at Aino, “Ruth, Aino!” "Jane, sabihin mo lang kung ano ang gusto mong gawin!" agad na sumagot si Ruth."Tita Jane, go ahead, ano ang gusto mong gawin? Malaki na si Aino kaya kayang kaya ko kahit ano pa yan! Kalmado si Aino at hindi natatakot sa mga ganitong sitwasyon.“Dalhin niyo muna ang mga bata sa amusement park para maglaro, may gusto lang akong sabihin kay Lily.
Noong oras na yun, takot na takot si Lily. “A….” Ayaw pa ring mamatay ni Lily. Oo, tumanda na siya ng sobra, walang pamilya at hindi sigurado ang kinabukasan, pero ayaw niya pa ring mamatay. Siguro ganun talaga ang tao minsan? Kapag mas malapit na sa kamatayan, mas himihigpit ang kapit sa buhay. Kahit na isa lang siyang street vendor na kumikita lang ng sapat para makabili ng isang tinapay na ilalaman niya sa kanyang tiyan. Gusto niya pa rng mabuhay. Hindi niya man masabing masaya siya pero gumagaan ang pakiramdam niya kaag nakakakilala siya ng mga tao na may iba’t-ibang kwento sa buhay.Kung mamatay siya ngayon, sayang naman kung puro kadiliman lang ang nakita niya sa buhay… Parang… sobrang nakakatakot at lungkot naman nun kaya kahit na street vendor lang siya, gusto niyang kumapit. Niyakap ni Lily ang dalawang binti ni Isadora at nagmakaawa, “Isadora, na..nakalimutan mo na ba? Magka..magkakilala na tayo noon?” "Talaga?" Tanong ni Isadora.“Oo, oo… Siguro nakalimutan mo na a
Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu
Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak
”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito
Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a