Kabanata 1673
Tandang tanda ni Aino ang sinabi ni Hana sa tuta noong araw nay un, “Tuta, nasaan ang mama mo? Hinahanap mo ba siya? Ay sus! Gutom na gutom naman yan. Oh kainin mo na ‘tong pancake ko para magkaroon ka ng lakas. Siguro sobrang nag aalala na sayo ang mama mo ngayon! Ubusin mo ‘to ha para magkaroon ka ng lakas para hanapin ang mama mo.”

Pagkatapos magsalita, iliit-liit ni Hana ang pancake nito para makain ng tuta. Saktong sakto na pababa si Aino ng sasakyan noong oras na yun kaya nakita niya ang buong eksena.

“Mommy, sige nga sabihin mo sa akin ngayon! Kung doon palang sa tuta ay sobrang bait niya na, paano niya pa magagawang saktan ang sarili niyang anak? Noong unang beses ko siyang nakita, ikaw talaga ang naalala ko kaya ganun na ganun din ang itsura mo dati eh. Sira-sira yung damit mo, tapos ang dungis-dungis mo, at minsan…. Ang baho-baho mo pa… Pero kahit na ganun, sobrang excited pa rin ni Uncle Zayn sa tuwing umuuwi ka.

“Kaya akala ko… akala ko matutuwa rin si Uncle Zayn kapag
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP