Kabanata 1677
”Ikaw bata ka! Anong ginagawa mo dito? Binabantayan mo ba ako?” Naiinis na tanong ni Zayn. Mula pagkapanganak ni Aino, mahal na mahal na ito ni Zayn, at ngayon lang siguro yung pagkakataon na nakita niya ito bilang sakit sa ulo. Mahirap ba ang gusto niyang mangyari? Mahal na mahal niya si Tessa at ito na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Nasa tamang edad naman na siya at gustong gusto rin si Tessa ng lahat! Oo, maging ng mga magulang niya, tapos masisira sila nang dahil lang sa isang bata?! ‘Tignan mo naman! Nanlilisik nanaman ang mga mata niya sa akin!’ Gustong gusto ng paluin ni Zayn ang puwet ni Aino pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

“Sige, saan mo gustong kumain at maglaro? Hindi ko na susunduin ang girlfriend ko kasi kailangan ako ng pamangkin ko. Masaya ka na ba?” Sabi ni Zayn.

“Uncle Zayn, may good news ako sayo!” Nakangiting sabi ni Aino.

“Ano nanaman yan! Sabihin mo na!”

“Hindi na kita pipiliting gawing girlfriend si Madam Sharpe!”

“Talaga?!!” Masa
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP