Kabanata 1668
Nagulat si Zayn nang marinig niya ang naging sagot ni Hector. Bata palang siya, nag iwan na ng masamang impresyon sakanya si Hector at muli itong nabuhay nang makita niya ang naging reaksyon nito.

“Bakit?” Tanong ni Zayn.

“A…ayoko lang siyang istorbohin,” sagot ni Hector.

Tinignan ni Zayn ng diretso sa mga mata si Hector. “Sobrang naapektuhan na si Tessa dahil dito kaya pati ang trabaho niya ay nadadamay na rin. Palagi siyang natatakot kaya hindi siya makapag concentrate kasi kinakabahan siya na baka matalo kayo sa kaso kung kayo lang ang lalaban. Ngayon, tutulungan na kayo ni Sebastian kaya mas malaki na ang kasiguraduhan niyo maliban nalang kung may tinatago kayong sikreto na makakahila sainyo pababa.”

Pinilit ni Tessa si Hector, “Daddy, kapag tinulungan tayo ni Director Ford, sigurado ako na mananalo tayo! Bakit ba ayaw mong magpatulong? Natatakot ka ba?”

Sobrang nag aalangan si Hector na magsalita, pero bandang huli ay yumuko nalamg siya at malungkot na sinabi, “Pinagpalit
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP